CHAPTER 3
"PAANO NILA nagagawa yun? As in. Normal lang ba talaga sa kanilang mag-pop up nalang out of nowhere!? What are they? Ninjas?" Sunod-sunod kong tanong kay Shan kinabukasan. Ngumiti lang siya ng tipid.
"I'm sorry." Sabi niya. Whut? Nagsosorry siya? Bakit naman siya magsosorry? Nagkautang ba siya sa akin na hindi niya nabayaran? Wala naman akong matandaan na nagkaroon ng atraso sa akin tapos ganito pa kaguwapo. Pero by the way, ang cute niyang mag-sorry, my ghad.
"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko. Tumingin siya ng diretso sa mata ko at napaatras ako ng makita ang mga mapupula niyang mata. Kitang-kita ko rin kung paano iyon nawala. Dyahe! Totoo ba 'to?
"Shit! Yung mata mo! Wait, namamalikmata na naman ba ako?" Bigla kong tanong.
"No, lahat ng nakita mo kahapon ay totoo, Dasy. Hindi kami mga tao." Sabi niya. Whut? Hindi sila ano?
"Huwag ka ngang mag-joke. 'Di pa tayo close." Sabi ko habang pekeng natatawa. Shit! Ayokong maniwala. Ibig sabihin ba mamamatay ako sa kamay ng mga gwapong nilalang na ito?
"I'm not kidding around. We're vampires." Bulong ni Shan sa tainga ko habang nasa likod ko na. Damn! Hindi ko yun napansin. Mukhang pumapart-two pa yung kagabi ah. Shet! Napapikit nalang ako at hinintay ang katapusan ko.
"Papatayin niyo ba ako?" Diretsa kong tanong. Napatawa lang siya ng mahina. Bakit ganon? Mamamatay na ako pero bakit nagwa-gwapuhan pa rin ako sa tawa niyang yun?
"Don't worry hindi yun mangyayari." Tipid niyang sabi. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.
"So hindi talaga pagiging maid ang trabaho ko dito diba?" Tanong ko habang nakapikit pa rin.
"Open your eyes." Sabi niya. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko siyang nasa harapan ko na. "You will be the princes blood bank." Napakurap ako. Ano daw?
"Bakit ako?" Kunot-noong tanong ko.
"You applied for this." Obvious niyang sagot. Ay magaling!
Kelan pa ako naging blood bank? So yun pala ang silbi ng blood type na required. Dyahe! Kung alam ko lang talaga. Paano mo malalaman, Dasy? Tanga ka pa sa tanga! Oh right, parehas nga lang pala 'yon.
"Pwedeng magback-out?" Nagpapacute kong tanong. Damn! Alam kong hindi ako cute pero hindi ko talaga matatanggap ang ganitong klaseng trabaho.
"You already signed the contract." Sabi lang niya. Ay takte! Katangahan overload, Dasy? Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Napapahamak ako sa sarili kong ugali! Tsk!
"Pero wala namang nakalagay sa contract na kailangan kong maging blood bank ah." Protesta ko pa. Ngumisi lang siya at inaamin kong sobrang gwapo niya doon. Tang'na, harot pa more. Natatanaw ko na nga ang katapusan ko, may gana pa akong i-entertain ang samu't-saring kaharutan sa utak ko.
"Binasa mo ba ng maayos?" Tanong niya sabay abot ng kontrata na tinatakan ko. Grabe na ah! Ano kala niya sa akin, hindi marunong magbasa? Nakasimangot kong inabot yung papel at binasa ulit.
I, agree to the terms of Damian Residence. Be their live-in maid and blood supplier for the next years until the Damians allow me to leave the household.
I, agree to stay in and get a day off in Sundays for 20, 000 a week. I'm obliged to serve them and sustain their needs until they are satisfied.