CHAPTER 4
"HAH?" PARANG tanga ko nalang sabi at napatayo sa kama. Gusto niya ang dugo ko? "A-akala ko blood type AB ang gusto mo?" Kinakabahan kong tanong. Shet talaga! Ito na ba talaga? Dito na ba talaga magsisimula ang pagiging blood bank ko? Baka tinitrip lang ako nito?
"I have no choice." Sabi niya at inilapit ang mukha sa akin. Dyahe! Siya? Walang choice? Pwede naman siyang manghila nalang sa daan mg kung sino ah. Oh well, ito naman talaga ang trabahong pinasukan ko. Wala nang silbi ang pagrereklamo. Dyahe!
Huminga nalang ako nang malalim at sinalubong ang mga pula niyang mata. This is it! Mukhang ako ang walang choice ngayon eh. Itinagilid ko ang ulo ko para bigyan siya ng access sa leeg ko. Sana hindi masakit! Sana hindi---
"Shit! Anong ginawa mo!?" Nagulat ako ng pinunit niya ang t shirt ko. Hindi tuloy ako magkanda-ugagang takpan ang dibdib ko kahit nakabra ako.
"I don't bite on necks." Marahas niyang sabi. Whut?
"Eh saan? Napanood ko sa mga pelikula na sa leeg dapat yun eh! Atsaka bakit mo ako hinubaran? Hindi mo naman siguro---Ouch!" Daing ko ng maramdaman ko ang hapdi sa itaas ng dibdib ko.
"You've watched too many movies, bitch."
Hindi ko na halos mapakinggan ang sinabi niya dahil sa sobrang sakit! Nakakaiyak sa sobrang sakit! Ramdam na ramdam ko ang pagkakabaon ng pangil niya sa balat ko. Ramdam ko rin ang dugo ko na dumadaloy papunta sa bibig niya.
Ramdam ko rin ang panghihina ko. Nyeta! Uubusan pa yata ako ng dugo!
"T-tama na." Pilit kong sinabi. Ayoko pang mamatay ng dahil sa inubos niya ang dugo ko. Grabe naman!
Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya. Kita ko pa ang dugo ko na nasa pangil niya. Dapat akong mandiri or something sa hitsura niya ngayon, pero sinong mandidiri kung ganito kaguwapong bampira ang nasa harap ko? Narealize kong mas hot siyang tingnan ngayong may bakas pa ng dugo sa bibig niya. Pero pula pa rin ang mga mata niya, what now? Desidido na ba siyang ubusin ang dugo ko?
"Fuck. Why is it so tasty?" Parang confuse niyang tanong. Pansin ko rin na pinipigilan niya ang sarili na inumin pa ang dugo ko. At huwaat? Ano nga ulit ang sabi niya? Maayos ba talaga ang lasa ng dugo ko? Hindi naman kasi ako ganoon ka-healthy eh.
"Pula pa din ang mata mo." Komento ko. Ow shit! Bakit ang daldal ko? Para tuloy mas lalo pang naging pula ang mga mata niya. Pahamak talaga ang bibig kong ito. Ngayon baka maubusan na talaga ako ng dugo.
Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. Now, kulay dark green na ulit ang mga mata niya. Pansin ko lang, siya lang ang may ganoong kulay ng mata sa kanilang tatlong magkakapatid, parehas kasing gray ang mata ni Clark at Ryd eh.
"I'm leaving." Sabi niya at bigla nalang nagdisappear. Ugali ng lalaking yun. Hindi man lang nag-thank you?
Hinila ko nalang ang kumot ko at natulog na. Hinang-hina pa rin ako at hindi ko na kayang isuot pa ang damit ko o kaya tumayo man lang. Ganito ba palagi ang mararanasan ko sa kamay ng mga nilalang na yun?
KASALUKUYAN AKONG nagdidilig sa bakuran na nasa likod ng malaking mansiyon. In fairness, ang ganda-ganda dito at ang lulusog ng mga roses. Naalala ko tuloy yung beauty and the beast. Kaso apat na gwapong halimaw nga lang ang nasa palasyo. Psh! Tapos ako si beauty? Anak ng! Ang layo!
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ayy, beauty!" Tiningnan ko kung sino ang animal na nanggulat sa akin. Si Clark! Ang gwapo niya sa umaga ah, in fairness.