Chapter 5

32 4 0
                                    

CHAPTER 5

"ANG DAYA! Dinadaya niyo ako, Clark!" Nakangusong sumbat ko. Ang animal naman ay natawa lang. Si Ryd ay nanatili lang tahimik. Kailan ba siya nag-ingay? Hindi ko maalala.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Dasy. Masamang mambintang." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko siya.

Paano nangyari yun? Confident ako sa skills ko lalo na kapag tong its na ang usapan. Bakit ako natalo? Ako pa naman ang panlaban sa sugal sa barangay namin noon. Tsk.

"Paano yun nangyari? Shit! May dayaan talagang nangyari! Hindi ako makakapayag!"

"I'm a vampire, that's an enough reason." Inirapan ko siya ulit. Tinatake advantage niya ang pagiging bampira niya porket tao ako, ganun? Pero seriously? Para talaga kaming magtropa lang. May maid bang ganito ang trato sa amo niya? Oo meron at ako yun. Well, pumapayag naman silang mag-inarte ako eh, kaya hindi ko na tinago yung tunay na ako. Sila din, mawawalan sila ng blood supplier/bank kapag inalis nila ako.

"Dasy, I brought you some drinks." Automatic akong napangiti ng marinig ang gwapong boses na yun.

"Thank you," sabi ko at humarap kay Shan.  Ngumiti ako ng malaki bago ko inabot ko yung Gatorade na dala niya. Wow. Effort. Pakiramdam ko ay namumula ako. Buti nalang ang umuulan sa labas. Safe siya sa mula araw.

"How sweet. Disgustingly sweet." Isang sarkastikong boses ang pumailanlang sa buong living room. Nakuha noon ang atensyon namin at kahit si Ryd at Clark na naglalaro na ng chess ay napatigil.

"You're still here? Bago yun ah." Amaze na komento ni Clark. Wala namang emosyong tumingin din si Ryd sa kanya. Ano na naman bang problema ng Voss na ito? Shit! Wag naman sana niya akong ilalaglag kay Shan ko.

Tumingin si Voss sa akin ng masama. Inaano ko ba siya? Sinamaan ko rin siya ng tingin. Napaatras ako bigla nang makalapit siya sa mismong harapan ko. Shit! Sobrang lapit niya! Buset!

"Don't fucking glare to a prince, woman. You're just a low life creature that is bound to serve us." Malamig na sabi niya. I felt the chills out from my body. Bakit ba binibig-deal niya ang lahat ng 'to? Inaano ko ba siya?

"Easy, bro. She's a girl." Pag-awat ni Clark. Tiningnan siya ng masama ni Voss. Sumipol na lang sa hangin ang loko. Wang kwenta!

Malamig na tumingin sa akin si Voss. "Yes, she's just a girl. A lowly human girl." Nang-uuyam na sabi niya. Hindi ko pinansin ang pagkirot ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Para tuloy gusto kong sapakin siya.

May kamay na humila sa akin palayo kay Voss. Tiningnan ko kung sino iyon. Shan. Napangiti ako. Kahit ang lamig ng kamay niya, kinikilig pa rin ako.

"Stop it, Voss." Suway ni Shan. Ang gwapo. Kung maganda lang talaga ako, pakiramdam ko love triangle ito. #assumerananaman

"Yeah? A fucking butler ordering a prince around?" Puno ng sarkasmong sabi ni Voss. Teka! Butler? Si Shan? Siya na yata ang pinakagwapong butler kung ganoon.

"I was given a right by your father." Simpleng sabi lang ni Shan. Ang gwapo talaga.

"Oh yeah?" Pang-aasar pa niya. Mukha talaga siyang fuck boy. Kainis. Humarap siya sa akin. Oh ano na naman? Anong tinitingin-tingin niya? "Clean my room." Napakurap lang ako. Huh? Anu daw?

"You're seriously planning to stay?" Hindi makapaniwalang tanong ni Clark. Bakit ganun ang reaksyon niya? Hindi ba dito rin naman nakatira si Voss?

"Yeah," tipid niyang sagot. "I have a reason to stay now."

Wala naman sana akong pakialam kung ano man ang rason niya. Ang kaso lang, sa akin siya nakatingin habang sinasabi yun. Kung assumera lang talaga ako, malamang iisipin kong ako yung tinutukoy niya. Ako naman talaga 'di ba?

Yeah right. Blood bank nga pala ako! Napangiwi nalang ako dahil ibang bagay ang iniisip ko.

"Come with me." Maangas na utos niya sa akin. Pero ang bastos, susundan ko na sana kaso biglang nawala. Nyeta! Akala niya ba Isa akong ninja na kasing bilis niya?

"Hahaha." Tawa lang ni Clark. Sinamaan ko siya ng tingin. Siguro dahil sa sobrang epic nang nangyari. Letche! Hindi ba naturuan ang Voss na yun ng good manners nung bata siya?

"Nasa taas ang kwarto niya. Dun sa pinakadulo malapit sa kwarto ni Ryd. Samahan na kita." Napangiti agad ako sa pagiging thoughtful ni Shan. Pamilyar din ako sa kwartong sinasabi niya. Kaso hindi pa ako nakakapasok doon. Kwarto pala yun ni Voss?

"Tulungan ka namin, Dasy." Alok ni Clark. Ugh! Hindi ba siya makaintindi na boss ko siya at maid lang ako dito? Nagsisimula na rin kasi akong mahiya sa kanila. Sa tingin ko hindi ko nagagawa ng maayos ang trabaho ko. At maglilinis lang naman ako ng kwarto eh, keri na yun.

"Hindi na talaga, pramis." Nakangiti kong pagtanggi. Hanep sa lakas ng loob. Mga gwapo pa talaga ang tinanggihan ko. I'm proud of myself.

Umakyat na ako sa taas at hinanap ang kwarto na sinabi ni Shan. Nakita ko si Voss na masama ang mukha habang nakasandal sa pinto. Pansin ko lang, every time na makikita ko siya palagi siyang nakasandal. Hobby?

"Why are you so slow?" Nagtitimping tanong niya. Pinigilan ko ang bibig ko na magsalita at binilisan ang kilos. Kahiya naman sa kanya! Sino ba ako sa akala niya? Si Flash?  Mabilis na lakad na nga ang ginawa ko eh! Nag-effort na ako nun, nagrereklamo pa siya? Sana pala nagpasama nalang ako kay Shan.

"Good thing you didn't bring him." Sabi niya at binuksan ang pinto. Teka, nasabi ko ba ng malakas yun?

Pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ay sumalubong sa akin ang alikabok. Jusko Lord? Bakit may ganito karuming kwarto na nag-eexist sa mundo?

"Susme! Ilang dekada na ba itong hindi nalilinisan?" Umuubo ubo ko pang sabi. Dyahe! Parang kumakapit sa baga ko yung alikabok!

"I'm not using this room for two hundred years. Clean it." Yun lang ang sabi niya bago nawala na naman. Seriously?

Tiningnan ko ang bawat sulok ng kwarto. Puno ng agiw sa kisame at sobrang kapal ng alikabok. Marami ring spider web at may mga daga pa yata akong nakita. Binahay narin yata ng ipis yung ilalim ng coffin niya. Napalunok ako. Dapat pala tinanggap ko nalang yung alok ni Clark.

"Bwisit na bulok na halimaw na yun na akala mo hari ng earth! My ghad!" Sabi ko bago kumuha ng walis, dustpan, mop at maraming maraming basahan.

Sinamaan ko ng tingin ang buong kwarto bago ko iyon dinuro.

"Humanda ka! Kwarto ng mayabang at nakakainis na nilalang. I will win this war!" Parang baliw kong sabi bago maglinis.

Serving The Vampire Princes (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now