Hawak Bitaw

44 2 0
                                    

DISCLAIMER:

This story is a work of fiction. Names, characters and places are purely fictitious. Any resemblance to the real person, living or dead, or any actual events are coincidental.

No part of this story is distributed, transmitted or copied to any forms without a prior permission from the author. Plagiarism is a sin and crime.


~~~*~~~

Sabi nila, kapag mahal na mahal mo nang sobra ang isang tao, mahihirapan kang kalimutan ito at mahihirapan kang pigilan ang nararamdaman mo. Hindi ko masasabing tama sila at hindi ko masasabing hindi. Minsan kasi ay nanduon pa ang sakit, minsan naman ay wala na. Minsan na rin akong nagmahal ng todo, iyong sobra-sobra. Kaya alam ko pakiramdam ng sobrang masaktan.

Kasalukuyan akong nandito sa isang restaurant sa Parañaque, kasama ang mga pamangkin ko dahil may gala kami ngayon. Ang mga pamangkin ko na lang ang madalas kong nakakakwentuhan sa buhay.

"Tito, pansin ko lang po, 40 years old na po kayo, pero bakit wala man lang po kayong girlfriend or asawa?" Tanong ng isa kong pamangkin kaya napunta sa'kin ang atensyon ng mga pamangkin ko.

"Wala na kasi akong nahanap na iba na kaya kong mahalin ng lubusan." Hindi ko napigilang mapangiti ng mapait at mapayuko.

Kung sana lang na ginawa ko ang lahat para hindi niya ako iwan, kami pa rin sana hanggang ngayon. Kung sana ay hindi ako sumuko kaagad at kung mas ipinaramdam ko pa sa kanya na siya lang ang babaeng mahal ko. Pero wala eh, sadyang ganun talaga siguro ang desisyon ng tadhana sa aming dalawa.

"Bakit tito, ano po bang nangyari? Tsaka bakit parang iba po yung ngiti niyo?"

"Oo nga tito, okay lang po ba kayo?"

Hindi ko maiwasang magbalik tuloy sa mga ala-ala namin ng dati kong kasintahan.

F L A S H B A C K :

"Tina, huy!" Tinotopak na naman 'tong si Tina. Nauuna siyang naglakad sa'kin at kanina pa siya hindi makatingin sa'kin. Iniisip ko tuloy bigla kung may problema ba siya sa'kin, sa ginagawa kong panliligaw sa kanya.

"D-dalian mo nga maglakad." Humarap siya sa'kin para sabihin ito at napansin ko na parang namumula siya. Kaya patakbo na akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay.

"Teka, sabi mo samahan kita pero bakit ang bilis mo maglakad? Saan ba tayo pupunta?"

"Basta, sumunod ka na lang." Umiwas siya kaagad ng tingin at hindi ko mapigilang mapangiti kahit patago man lang. Napacute niya talaga sa ganung gestures niya.

Sabay na kaming naglalad ni Tina at napansin kong papunta kami sa simbahan. Sa simbahan kung saan kami unang nagkakilala ni Tina. Dito sa St. Martin De Pores Church.

"Tina, bakit tayo nandito?" Wala halos tao sa loob at sarado na rin ang mga pintuan dito sa simbahan. Gabi na rin kasi kaya talagang wala ng tao sa loob ng simbahan.

Nakatayo kami sa may tapat ng gate kung saan tanaw mula dito sa labas ang altar na nasa loob ng simbahan.

"Ask me again."

"Ha?" Hindi ko maiwasang magulat. Pero alam ko ang ibig sabihin ni Tina.

"Tsk! Slow..." Bulong niya. Nakita ko ang pagnguso niya at hindi ko naman mapigilang matawa.

Gusto ko tuloy kurutin bigla ang pisnge niya.

"Tina Morales." Napansin kong napatigil siya sa pagnguso at napatingin siya sa'kin. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at tumingin ako diretso sa kanyang mga mata.

Hawak Bitaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon