HIS 9

8 3 0
                                    

CHAPTER 9

Proposal

I have denied this feeling longed ago or even believe that I have forgotten it already, or I did? But for just a short span of time.

Maybe I never got over this feeling, maybe it was just overshadowed by my raging emotions that needed my attention the most.

Sa muling pagtatagpo ng mga mata namin ay nanghina ako at muntik ng mabuwal habang yakap ang kanyang kapatid.

Umambang lalapit si Zee at si Tyra pero agad ulit akong naalalayan ng isang guard. Iniwas ko ang tingin kay Zee na medyo nakakunot na ang noo at salubong na ang kilay, ibinaling ko ang tingin sa gwardyang kanina pa umaalalay sakin.

Pag lingon ko ay isang malapad na dibdib ang sumalubong sa mata ko kaya tumingala ako upang makita ang isang binata na sa tingin ko ay matanda lang sa akin ng tatlong taon.

Nginitian ko ito at nagpasalamat. Isang palatak naman ang narinig ko dahilan para mapalingon ako, pinili kong kay Tyra tumingin dahil nasisiguro ko na manghihina lang ulit ang tuhod ko kapag kay Zee ako tumingin.

Nagkibit balikat lang si Tyra kaya ibinalik ko ulit ang tingin sa gwardya na blanko ang tingin pero sumagot parin naman.

"It's my duty Ma'am." Walang emosyon parin nitong sinabi.

"Still, thank you." Sabi ko bago binalingan ng tingin ang babaeng ngayon ay nakatitig parin sa akin.

"Oh my God!"

Paulit ulit nitong sinasabi, hindi parin makapaniwala na nasa harap nya ako.
Tumili ulit ito at dinamba na naman ako ng yakap pero this time hindi na ko muntik nabuwal dahil isang kamay ang agad na nakahawak sa baywang ko upang magbigay suporta.

A familiar scent attacked my nose, his warm and big hand touch my bare back that sents shiver down my spine. Just one touch and it made my world shake, like a star had fallen from the sky causing a damage– a permanent one. A damage that will remain forever in my system.

Mabilis din naman agad itong bumitaw at hiniltak ang kanyang kapatid palayo sa akin sa sapat na distansya.

Langya! Saglit na hawak lang yon Bri pero halos mabaliw ka na! Epekto ba yan ng sobrang pagkasabik mo? Shit! Sure as hell na namumula na ang pisngi ko nyan. Shit! Shit!

"You should sit down first"

Hindi ko alam kung sino ang kausap nya dahil hindi ko magawang ilapat ang tingin ko sa kanya dahil sa mga naiisip ko pero umupo parin ako sa malapit na couch. Agad namang tumabi at yumakap sakin ang kapatid nya.

Napangiwi ako dahil medyo mahigpit ang pagkakayakap sa akin ng kapatid ni Zee pero hinayaan ko na lang dahil medyo sanay na rin naman ako. Mas malala pa nga minsan ang inaabot ko sa mga fans eh.

"Oh my God! I still can't believe that you're here in front of me ate Rid. I'm your number 1 fan! Oh My!"

Niyakap ulit ako nito ng mahigpit. Napatawa na lang ako. It's so fulfulling and amusing to know that we are one of the reasons for someone's happiness.

"Thank you for supporting me and the Starlight. It is a pleasure for us to be adored and love by someone like you."

Nakangiti kong sinabi kahit nagkakagulo na ang braincells ko sa kaalamang nakatitig ang malalamig at kasingdilim ng gabi nyang mga mata.

Bahagya akong sumulyap kay Zee pero nung nagtagpo ang mga mata namin ay mabilis akong umiwas ng tingin.

Nahagip ng paningin ko ang nanunuyang ngiti ni Tyra sa akin pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil hindi patuloy parin ang pagwawala ng puso ko.

HIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon