Brie's POV:
Ilang araw na ang nagdaan simula nang pinaghahanap ako nang mga taong papatay sakin.
Narito ako sa bahay na Diego. Umalma ako sa naging desisyon niya na maaaring mas lalong makapahamak sa kanila.
"Diego, maaari namang hindi nalang ako dito sa inyo tumuloy. Alam mo naman kung gaano delikado ang maaaring mangyari"
Nag bingi - bingihan naman ito sakin habang nakatalikod dahil nagluluto nang makakain namin ngayong araw. Inis ko namang hinampas ang likod niya para tumingin sakin.
"Napag - usapan na natin to, Brie. Dito ka sa bahay namin sa ayaw o sa gusto mo"
At dahil sa umiiral ang tigas nang ulo ko. Tinarayan ko na lamang siya at walang ano - ano'y tinalikuran papunta sa ina niyang kasalukuyang nagtatahi.
"Oh, Brie. Nagkatampuhan na naman ba kayo ni Diego?" Tinanguan ko naman siya at natawa sa sagot ko.
"Ay naku, talaga yang anak ko. Hayaan mo. Alam niya ang ginagawa niya. Yan pa anak ko yan eh tyaka mahal na mahal ka nun" ano pa nga bang masasabi ko, namula na ang mukha ko sa sinabi niya. Lubos talaga siyang nagtitiwala sa anak niya.Hindi alam nang ina niya ang tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Ganun nalang ang pag - aalala ko dahil maaaring siyang / silang mapahamak.
Basta ang alam niya kasintahan ko ang anak niya. Yun kasi ang pakilala sakin ni Diego.
"Nak, Brie. Marunong ka bang manahi?" Tumango na naman ako kaya binigay niya sakin ang kaniyang tinatahi.
"Oh eto. Ipagpatuloy mo lang to. Bubuksan ko lang ang pinto. May kumakatok kasi. Kanina pa yan, mukhang maalam ka naman sa pananahi ikaw na nagpatuloy niyan"Nakangiti siyang pumunta sa pinto saka ito binuksan. Kinabahan ako dahil maaaring ang mga taong naghahanap na naman yun sakin.
Neto kasing nakaraang araw, bali-balitang pinaghahanap na pala ako nang mga tauhan nito sa baranggay namin.
Hindi naman ako makaalis dahil sa pagpigil sakin ni Diego. Hindi ligtas sakin ang lugar na ito. Lalo na kung hindi pa ako aalis.
"Oh Brie. Asan si mama?" Bago ko pa sagutin ang tanong niya nagsalita na ang hinahanap niya.
"Nak, nandito si Gabby at isang lalaki pareho ka daw nilang gustong kausapin. Halika kayo. Pasok!"
Binaba ko muna ang tinatahi ko nang marinig ang pangalan nang babae.
'Tsk, hindi pa man nga kami nagtatagal ni Diego. May pinagseselosan agad ako'
Nadako ang mata ko sa babaeng pumasok at bigla na lamang yumakap sa lalaking mahal ko.
Humigpit ang kapit ko sa aking hita at bumaon ang kuko ko roon. Hindi ko pinansin pa ang kirot nang makita ko naman ang lalaking pumasok sa bahay nila.
Hindi pa man rin ako nakakareact ay yumakap na siya sakin.
'Bakit siya narito? Pano niya nalaman?'
"Brie, nandito ka lang pala. Pinag-alala mo ako-" hindi pa man natatapos ang sinasabi niya ay hinigit na ako. Sino pa ba.
"Anong-""Huwag mong yakapin ang girlfriend ko" seryoso niyang saad nang putulin na naman niya nag sinasabi ni James.
Gulat akong tinignan ni James na tinanguan ko naman. Sinasabing totoo ang sinasabi nito.

BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...