CHAPTER 24

8 4 0
                                    

Brie's POV:

I feel betrayed. Hindi pa man nga kami nagtatagal ni Diego. Mukhang magtatapos na ito ngayon pa lamang.

Matapos nang ginawa ko kay Gabby ay agad ko na silang iniwan. Hindi ko narin tinignan ang reaksiyon nila.

Kaunti man ang gamit ko dito. Agad ko itong pinasok sa loob nang bag ko. Ayaw ko lang na mayroong silang makita ni isang gamit ko sa loob nang bahay na ito.

Pumasok si Diego nang ganun ang nadatnan niya. Katulad kanina, hindi ko siya inabala pang tignan. Manigas ka siya.

"Brie, anong ibig sabihin nito?"

Aba't nagtanong pa. Nakita nang nag-iimpake ako.

"Brie, answer me!"

"Tsk, stop asking. Doon ka sa babae mo magtanong"

"Brie, huwag naman ganito. Nagkakamali ka sa inisip mo"

"Aish, huwag mo nga kong lokohin"

"Hindi kita niloloko. Sinabi ko na sa kaniya ang tungkol satin pero hindi siya naniniwala. Isa pa, hindi ko siya hinalikan. Siya ang humalik sakin"

Kahit ano pang sabihin niya, wala akong naiintindihan dahil sa galit na nararamdaman ko.

Patuloy lang ang paglalagay ko nang mga gamit ko sa bag samantalang pinagtatanggal naman niya ang mga gamit ko na nakapasok na roon.

Inis ko siyang tinignan na binalewala niya naman. Sa ginawa niyang yun, ay mas lalo lamang akong nabadtrip sa inis kaya dali - dali kong pinagkukuha ang mga damit na tinanggal niya at agad ipinasok sa bag.

Niyakap niya ako habang nasa likod ko siya. At dahil sa inis ko nga, hindi sakin gagana ang ganiyang mga galawan. Kaya imbes na magsalita ay pinagsisiko ko siya.

Dumadaing man ay hindi niya hinahayaang makalas ko ang kamay niyang nakayakap sakin.

"Isa, bumitaw ka!" Umiling lang to sakin kaya mas nagpupumiglas ako.

"Kung alam ko lang na ganito ka magselos. Sana hindi ko na siya hinayaang makipag - usap sakin para hindi ka nagagalit ngayon sakin" natatawa niya pang saad kaya malakas ko siyang inapakan sa paa saka binalibag sa kama.

"Psh, huwag mo kong hawakan kung ayaw mong mas malala pa diyan ang gawin ko gayung mainit ang ulo ko sa nangyari kanina"

Hindi ko siya narinig magsalita kaya hinayaan ko na siya. Naiintindihan niya naman siguro ang sinabi ko kaya hindi na siya nagsalita. Mabuti kung ganon.

Natapos akong mag-impake nang ganun parin siya katahimik. Papalabas na sana ako nang pinto nang hindi talaga siya nagsasalita.

Tumingin ako sa gawi niya kung saan ko siya binalibag. Gayun nalang ang panlalaki nang mga mata ko nang namimilipit to sa sakit.

Dinaluhan ko siya habang niyuyugyog para magsalita.

"Pst, Diego. Anong nangyayari sayo?" Nag-aalala na ako sa lagay niya. Kasalanan ko ito kung hindi ko sana pinairal ang galit ko.
"F*ck, napalakas siguro ang pagbalibag ko sayo. Kung hindi mo kasi ako pinag-selos. Aist, sumagot ka anong nangyayari sayo?"

"Brie, mamatay na siguro ako" napa-OA naman ata siya. Balibag lang eh.

"Tanga, balibag lang eh!"

"Arrgghh, ang sakit, Brie." Nagpupuyos ako sa inis ko saking sarili.

"Anong kailangan mo? Sandali tatawagan ko ang mama mo" Natataranta ko nang saad sakaniya. Papalabas na sana ako nang kuwarto nang marinig ko na naman ang kaniyang pagdaing.

"Arrgghh, Brie. Mukhang hindi ko na siguro kaya. Tabihan mo nalang ako" nakakagulat man ang sinabi niya ay tinabihan ko naman agad siya.

"F*uck! Ang tanga ko! F*ck!"

Napapalatak na ako saking sarili pero hinahayaan ko na lamang.

"Hey, Brie. Tigil mo yan. Tama na. Magaling na ako. Tama na!" Yinakap ko naman siya habang nakahiga kami.

Sinalubong ko ang mata niya habang naiiyak na ako.

"Shh, huwag ka nang umiyak. Magaling na ako. Arte lang naman yun. Sorry na" dahil sa sinabi niya pinaghahampas ko siya nang unan. Sinasalag niya naman kaya mas lalo ko siyang pinagsasalag hanggang sa nagsawa ako.

"Sorry na. Ayaw ko lang naman kasing umalis ka. Maniwala ka. Hindi ko naman mahal si Gabby. Saka bigla niya akong hinalikan. Hindi ako ang nauna. Sorry na. Ikaw naman talaga ang maha ko eh, hindi ko lang talaga siya napigilan dahil nagulat rin ako sa ginawa niya"

Nailing nalang ako sa sinabi niya kaya pinagpantay niya ang tingin naming dalawa.

Nagawa niya pang ngumiti sakin habang umiiyak ako.

"Shh, maniwala ka. Ikaw lang ang mahal ko. Magagawa ko bang hayaan kang iwan. Isa pa. Gusto ko na sanang sumunod sayo nun dahil kasama mo si James. Kung ganiyan ka pala magselos. Hindi ako maghahanap nang bagay na makapagseselos sayo. Lalayuan ko na siya simula ngayon. Ikaw lang ang mahal ko. Pangako yan. I love you" mas lalo akong napaluha sa sinabi niya kaya hinalikan niya ang noo ko habang patuloy na umaagos ang luha ko.
"Shh, tahan na. Sorry na, babe"

"Huwag mo nang uulitin yun" Tumango naman siya.

Nagtagal kami sa ganung posisyon. Siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Ano ba yan! Ke bago-bago natin. Nag - aaway agad tayo. Hindi pa tayo nagtatagal" natawa naman ako sa sinabi niya kaya yinakap ko pa lalo siya.

"Hahaha... Hayaan mo na tutal nagkaayos na tayo. Basta huwag mo na akong pagselosin. Kahit hindi pa ikaw ang nagsimula basta mo akong bibigyang rason para magselos. Naiintindihan mo!"

Tumango ulit siya tanda na naiintindihan niya. Mabuti na ang maliwanagan, ayaw ko pa namang may umaali-aligid sa kaniya.

"Pangako. Basta huwag mo akong ipagpapalit, babe" natigilan  man ay pinili kong ngumiti sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang labi.

Nang magdampi ang aming labi ay nagulat pa ako sa aking ginawa. Hindi na ako nagtangka pang makabitaw ng siniil niya ang aking labi.

Puno yun nang emosyon na hindi ko pa nararanasan. Lahat nang emosyon ko ngayon ay kaniya ko unang naranasan at nararamdaman.

Hindi na ako nag-alinlangan ibigay sa kaniya ang aking sarili dahil alam kong pagkatapos nito. Panibago na naman ang kakaharapin naming pagsubok.

Hindi ko na alam kong makakaya ko ba talaga siyang iligtas lalo na ngayong naghihintay na si kamatayan sa kabilang buhay upang sunduiin ako.

Isa lang ang nasisigurado ko, Mahal ko si Diego at hindi magbabago yun kahit paghiwalayan man kami nang panahon.

Kahit mauna pa akong mawala dito sa mundong ibabaw basta mailigtas ko lang siya sa kamay nang mga demonyong susundo sakin.





____________________________________________

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon