CHAPTER 25

9 4 0
                                    

Brie's POV:

Hindi ko alam kong bakit ang saya-saya ni Diego ngayong araw. Nagising kasi ako na wala siya sa aking tabi. At eto ang naabutan ko sa kaniya.

"Hey, Diego. Anong nangyayari sayo?" Imbes na sumagot ay nginitian niya lang ako at hinalikan sa noo.

Naiiling lang ako sa naging aksyon niya habang nagluluto siya kaya pumunta ako sa nanay niya at nagtanong kung may saltik na ba ang lalaking yun.

Natawa naman ito habang ngiting-ngiti rin sakin. Hindi ko naman masakyan ang trip nilang dalawa kaya umakyat nalang ako sa kuwarto ko.

Hindi ko naman talaga to kuwarto. Kuwarto ito ni Diego tapos siya doon naman sa kuwarto katapat nang kuwarto ko. Para daw yun sa mga bisita.

Tinanong ko naman siya na dapat ako roon kasi bisita nila ako. Hindi siya pumayag kasi hindi naman ako nila bisita.

Napanganga nga ako nang sabihin niya iyun pero nagsalita pa siya na ikinalaki naman nang mata ko.

"Brie, hindi ka naman namin bisita. Brie, ikaw ang mapapangasawa ko kaya hindi ka pwede roon. Naiintindihan mo. Dito na sa kuwarto ko para hindi mo ako makalimutan"

Matapos niya kasing sabihin yun ganun na ang naging reaksiyon ko. Nagulat man dahil sa sinabi niya mas nanatili ang pamumula nang mukha ko saka pumasok sa kuwarto niyang pinagamit na sakin.

Nasa malalim akong pag - iisip nang pumasok si Diego.

"Babe, halika na. Kakain na tayo"
Inakay niya ako hanggang sa makapunta sa hapag - kainan.

Akmang kukuha na sana ako nang plato ay naunang nilapag na niya ito. Gayundin ang basong mayroon nang tubig at kutsara't tinidor. Nakakunot-noo ko siyang tinignan na sinuklian naman niya nang ngiti kaya hinayaan ko na lamang.

Natigil na naman muli ako nang siya na ang nagkuha nang mga pagkain na gusto ko. Napag-usapan na kasi namin noon ang tungkol sa mga bagay - bagay na ayaw at gusto namin.

"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakha at naguguluhan man ako ay ngiti lamang ang sinagot niya sakin. Narinig ko naman ang tawa nang nanay niya kaya nahihiyang kumain nalang ako.

Natapos ako nang ganun parin ang pakikitungo niya sakin. Naiiling ko siyang tiningnan bago pumunta sa kuwarto matapos makapagpaalam sa nanay niya.

Agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Tuwalya lang ang saplot ko nang lumabas sa banyo at tinungo ang kabinet niya.

Nakarinig ako nang pagsinghap sa aking likod at nakita siya. Agad naman itong tumalikod sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" Balewala kong tanong habang naghahap parin nang damit. Naiinis na naman ako sa kaniya dahil hindi na naman siya sumagot.

Ayaw ko sa lahat ang hindi sumasagot kapag nagtatanong ako.

"Tsk, kung hindi ka sasagot. Tatadyakan kita. Sinasabi ko sayo. Naiinis ako sa hindi mo pagsagot kapag nagtatanong ako" bakas ang iritasyon sa aking boses habang nilalapitan siya. Agad ko siyang pinaharap sakin upang mataman ko siyang tignan
"Isa, kapag hindi ka pa-"

"P-pwede, magpalit ka nga muna"

"Ano bang problema mo?"

"Magpalit ka muna bago ko sabihin sayo" natarayan ko lang siya sa naging tugon niya.

"Tsk, tumigil ka nga. Nakita mo na naman to, bakit pa" nakahinga siya nang maluwag nang umalis na ako sa harapan niya at nagsimula nang magbihis.

Diego's POV:

'Tang*na ang hirap magpigil'

Pinagsisihan kong pumasok ako dito sa loob nang kuwarto niya. Kung alam ko lang na ganito ang madadatnan ko hindi na sana ako tumuloy.

Nag-iinit ako habang pinagmamasdan siyang magbihis. Hindi ko na namang maalis sa aking isipan ang nangyari sa amin kahapon.

Alam kong nababadtrip na siya sakin kanina pa dahil hindi ko sinasagot ang tanong niya kaya heto ako at aayain siyang manood dito sa bahay.

Mabuti nalang at natapos na siyang magbihis at handa nang suklayin ang kaniyang buhok nang kunin ko ito saka nagpresentang suklayin ang buhok niya.

Gustong-gusto kong ibaon ang ulo ko sa leeg niya. Ang kaniyang mabangong halimuyak ang nakakapagpabaliw sakin kahapon pa.

"Anong ginagawa mo rito?"

Imbes na sagutin siya ay hindi ko na pinigilan ang aking sarili na halikan siya sa kaniyang leeg. Napahalinghing naman siya kaya siniil ko naman ang kaniyang labi.

Hindi naman siya tumutol nang sinimulan ko nang tanggalin ang damit niya. At natupad ang gusto namin nang nanghihina kaming napagbagsak sa kama.

Hindi matanggal ang ngiti ko habang pinapanood siyang natutulog sa tabi ko. Handa ko siyang panagutan kung mayroon mang mabuo. Isa pa ganun ko na siya kamahal kahit sa kakaunting panahon naming nagkasama.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin kapag nawala siya sa buhay ko.

Hindi na natuloy ang planong manonood dahil iba ang nangyari at natulog.

Naalimpungatan ako nang may sumusundot - sundot sa mukha ko.

"Hey, wake up! Handa na ang hapunan natin" kinuha niya ang kamay ko at tumayo na. Nakalimutan kong hubot-hubad pa ako kaya dali dali kong kinuha ang aking mga damit at sinuot.

"Nak, halika na at nang makakain na tayo"

"Ma, magpapaalam lang po sana kaming manonood mamaya sa bayan. Fiesta po kasi ngayon diba. Gusto ko po sanang ipasyal pa si Brie dito sa lugar natin"

"Aba sige. Basta mag-iingat kayo sa daan. Hindi nawawalan rito nang maloko sa lugar natin"

Matapos pumayag ni mama nilingon ko naman si Brie na kasalukuyang walang kibo.

"Brie, ayos ka lang?"

"Ah... O-opo"

"Huh, ba't nauutal ka? Ayos ka lang ba talaga?"

"Opo naman"

Nababahala man ako sa kinikilos niya hahayan ko muna  siya ngayon. Kakausapin ko na lamang siya mamaya.

Parehas na kaming narito sa loob nang kuwarto niya. Pabalik-pabalik siyang naglakad. Tatanungin ko na sana siya nang bigla na lamang ito huminto at tinitigan ako.

"Alam mo ba ang iniisip mo?"

"Anong? Bakit?"

"Bakit mo sinabing ipapasyal ako. Alam mo namang masyado pang delikado. Diego, maaari kang mamatay o kaya ako pag-umalis tayo"

"Stop, babe. Pupuntahan natin ang magulang at kapatid mo. Alam mo naman ang iisipin ni mama. Sorry kung nabigla kita"

Nabigla ako ng yinakap niya ako pero napangiti nalang sa simple niyang gesture.

"No. I should be the one saying that. I'm sorry. But how did you know?"

"Yung lalaking kasama mo dati pagbalik mo. Siya ang nagsabi sakin"

"Si Prime!" Tinanguan ko siya kaya napakunot-noo nalang ito habang mataman akong tinitingnan.





___________________________________________

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon