Chapter 23 - Apologetic

223 13 10
                                    

Chapter 23 - Apologetic

"A-Ano na naman ba 'tong kalokohan mo, Stephanie?" nanginginig na sambit ni Samantha habang pilit na hinahanap ang pulso ng babae. Ilang beses siyang napailing at hindi na maaninagan ng husto ang imahe ng dalaga dahil na rin sa mga luhang bumabadya sa kaniyang mga pisngi.

"Let her go," mahinang bulong ni Math habang pilit siyang hinihila patayo. She pulled her arms away from his grasp and touched Stephanie's wrist.

"D-Di naman siguro malalim ang sugat niya sa leeg," sambit ni Samantha at hinawakan ang sugat sa leeg ni Stephanie gamit ang mga nanginginig na mga kamay. Wala siyang maramdamang senyales na ang hawak na katawan ay buhay nga.

"Enoug—"

"Let me go!" sigaw ni Samantha nang sinubukan na naman siyang hilahin ni Renzo. Madaling maubos ang pasensiya ng binata ngunit pinagsikapan niyang pahabain ito.

Dumating ang ambulansiya mula sa campus at kinuha si Stephanie at ang kapatid ni Blanche na si Kathleen. Walang nagawa si Samantha kundi manginig sa takot, galit, at lungkot habang pilit naman siyang kinakalma ni Math.

Nang makarating sa loob campus ay umalingawngaw ang code gray at naalarma ang lahat. Ilang mga sundalo ang sumalubong sa ambulansiya, pati na rin ang karamihan sa mga medical staff at nurses.

Binuksan ang ambulansiya at isinugod ang dalawang katawan sa emergency room. Matatanaw naman ang mga kamag-anak na sina Blanche, Gianna, Jahara, pati na rin ang mga bata na aligagang sumunod sa isinugod sa emergency room.

Bumaba si Mathew sa ambulansiya at hinintay na bumaba rin si Samantha ngunit tulala lamang ang dalaga. Sinubukan niyang kunin ang kamay nito ngunit hinila lamang ito pabalik ng dalaga at humikbi na lang.

"Just leave me alone," mahinang sabi ng dalaga ngunit narinig naman ni Mathew. Hindi sana siya sasang-ayon nang tignan siya ni Samantha at nagmakaawa, "Please."

Bumuntong-hininga na lang si Mathew at sumunod sa labas ng emergency room. Nakita niyang umiyak ang kaniyang ina, pati na rin si Gianna, Jahara, Grace, at si Natasha. Tahimik naman ang mga lalaki habang hindi naman maikaila ang galit sa mga mata ni Renzo.

"W-Where's my child?" tanong agad ni Gianna nang makita si Mathew na papalapit sa kanila. Hindi na maipinta ang pigura ng babae, malamlam na ang mga mata at para bang wala na itong kaluluwa.

"She wants to be alone, tita," tanging sagot ni Math. Hindi na lang umimik si Gianna at tahimik na lang na lumuha.

"Hanapin mo siya," malamig na sabi ni Blanche. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao at hindi rin tumitigil ang kaniyang mga luha sa pagbagsak. "Marami akong katanungan na tanging siya lang ang makakasagot."

"But she's still in shock, mom. Let her be," pagdedepensa ni Math. Mapait na tumawa si Blanche sa narinig mula sa anak.

"Kami ba, hindi?" malamig na sagot niya. Bumalik ang dating bagsik sa kaniyang mga mata. Iyon ang mga mata ni Skyler Lee. "My long lost sister is alive. She was once a researcher of that fvcking org. How can she not tell us? Ano pa bang itinatago niya?"

"I think that was a little too insensitive," sabat naman ni Grace. "The child's hurting too, Blanche. Let her cope up and deal with herself before anything. Maaaring hindi niya magawang sabihin kasi natatakot siya."

"Hindi na siya bata, Grace! Why are you all defending her?" galit na sigaw ni Blanche. Naiyukom niya ang kaniyang mga kamao. "I lived my whole life preparing for vengeance kasi akala ko patay na ang kapatid ko! It's not her fault, I know! But I need those goddamn answers, and that woman has not said a fvcking word about this matter."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon