"Parang gusto ko nang magpatayo ng bahay" sabi ni Aira habang kumakain kami ng lunch one day.
Tumaas ang kilay ko sa kanya at ang iba naman naming kasama ay natawa kahit wala namang nakakatawa.
"Tapos kukunin mo si Architect Dominguez?" one of them teasingly suggested
"Ay tama!" she agreed like that was not her plan in the first place. Palihim akong umirap sa usapan nila
"Ikaw, Leren ang tahimik-tahimik mo. Hindi ka ba nagagwapuhan kay Architect?"
Ilang araw na talaga nilang laging topic nalang ay si Aiden at syempre nananahimik lang ako pero laging active ang tenga ko kasi ang dami talaga nilang alam.
Maski ilang taon naging apprentice si Aiden at ilang taon nagpractice ng pagiging architect sa Spain alam nila. Hindi ko na tuloy kailangan magstalk nang magstalk, pero wala rin naman akong napapala dun kasi paprivate person si Aiden.
Sure akong pwede ko namang tanungin si Alessa nang kahit ano kasi mas naging ugat pa siya ng mga balita ngayong lawyer na siya, ang dahilan niya ay dapat daw kasi updated siya lagi, pero kapag siya naman ay tinanong ko ay siguradong aasarin ako nun na di pa nakakamove on kay Aiden.
"Okay lang naman" kibit balikat kong sagot, as if wala talaga akong interes, kasi wala naman talaga. Wala.
Umaktong silang gulat na gulat na may kasama pang paghawak sa dibdib "Talaga lang ha? Well, okay rin kasi walang kaagaw"
Biglang gusto kong bawiin yung sinabi ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit naman kasi ako makikiagaw sa kanila? Eh diba nga hindi ako interested.
"Ito nga, nakita ng isa kong kaibigan na nasa isang party raw si Architect tapos mukhang may kadate!" kumunot ang noo ko sa kwento ni Aira at mas lumapit pa para marinig yun.
Kadate?
Akala ko ba walang girlfriend tapos may kadate?
"Sure na si Architect yun?" someone from the table asked her. I didn't look at who it was because I was busy looking at Aira and waiting for more information
"Oo naman. Nagsend pa nga siya ng picture" nilabas niya ang phone niya at isa ako sa mga agad na sumilip nang ilapag niya yun sa lamesa
Mas napasimangot ako nang makitang may kasama nga siyang babae sa picture na yun. Magkaharap sila at seryosong nag-uusap habang may hawak na wine glass.
I'm guessing that the party was a formal one.
The woman is almost as tall as him. She is petite and standing next to Aiden makes her look so fragile. Her hair is dyed blonde, or is it her natural hair color? I wasn't able to see her face because the picture is taken with her back facing the camera. She was wearing a formal dress while Aiden was wearing a black suit. Dahil kay Aiden nga banda nakaharap ang camera, kitang kita ko yung ngiti niya habang nakikipag-usap.
Tuwang-tuwa, Aiden?
Medyo malapit sila sa isa't-isa. Mukha tuloy silang magkadate talaga.
Gusto kong habulutin ang phone at idelete yun sa sobrang inis pero instead ay tumayo nalang ako at nagpaalam na mauuna nang bumalik sa office.
Maghapon kong inisip ang picture na yun at halos hindi ako makapagtrabaho nang maayos. I want to message Alessa if she's at that party and if she saw Aiden and that girl but I wouldn't risk her teasing me. There's a possibility that she's there though, laging kasi siyang naiimbitahan sa mga party at minsan naman dahil sa mga kliyente niya. She said it's also an opportunity to win over clients. But I still wouldn't ask her about it.
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...