Chapter 6

4 1 0
                                    

BEN'S POV

Nai talokbong ko ang unan sa dahil sa ingay ng telepono ni Margareth na ngayon ay patuloy sa pagtugtug

"MARGAAA!!!" Reklamo ko dito

Tila wala naman itong narinig dahil hindi parin huminto ang telepono nito sa pagtugtog

"Maybe I'm falling for you and me
Just don't know
Oh were we ever meant to be
Suddenly, oh you caught me
So off guard
We fell in love so unexpectedly
So unexpectedly
Unexpectedly"

pagsabay pa nito sa chorus ng kanta ngunit sintunado naman ito

Napabangon ako at napatingin sa kaniya na ngayon ay nagsusuklay sa harap ng salamin dito sa loob ng kwarto namin

"Oy ate di ka pa ba maliligo? Mag aala-sais na" sabi nito habang nakatingin sa relos nito

Ilang segundo bago na process ng utak ko ang ibig sabihin nitong kailangan ko ng maghanda dahil lunes ngayon at may pasok pa ako sa trabaho

"Bakit di moko ginising!" Pagmamaktol ko pa habang dere-deretsong kinuha ang tuwalya at lumabas upang maligo

Pagkatapos kong maligo ay dali dali ako nagbihis ng jeans at isang pink longsleeve sa top. Nagsuklay ako habang sinusuot ang I.D ko dahil kung matatagalan pako ay baka malate na naman ko . Paglabas ko ay nakaalis narin ang kapatid ko. Dumeretso nako sa shoe rack sa may harapan ng pintuan

"Anak dika ba mag-aalmusal?" Saad ni mama na kakatapos lang din maligo

"Di na Ma, sa office nalang ako kakain"

"Eh magbaon ka nalang" agad itong nagtungo sa kusina upang pabaunan ako pang almusal

Habang naghihintay kay mama ay naalala kong nakalimutan kong magdala ng Jacket dahil hindi ako sanay sa aircon at baka hamugin pa ako dahil maaga akong nagbabyahe.

Dumeretso ako sa cabinet ko at kinuha ang isang jacket na itim habang kinukuha ko ito sa sabitan ng damit ay napansin ko ang kulay brown na jacket na naka lagay din sa sabitan ng damit kasunod nito

Kanino bato?

Agad ko din sinarado ang cabinet dahil nagmamadali na nga ako

"Eto nak oh" bigay sa kin ng mama ng baonan

"Ma kanino nga pala yung jacket na kulay brown dun sa cabinet gagamitin ko sana kaso parang di naman atin yun"

"Alin ba?. Ah yun bang makapal. Aba ewan ko sayo dala yun ni Ara nung minsay ihatid ka niya rito nung naginom ka magisa suot mo daw yun nung makita ka niya"

Huh? Sakin ba yon?

"Ganun ba? Di naman akin yun. Di ko matandaang may ganon ako" pagkatapos kong tanongin si mama at masermonan saglit tungkol sa pag inum ay dali dali akong sumakay sa tricycle palabas sa kanto namin at naghintay roon ng bus

"HMMMP! Kairita naman ni Sir Carl" naka busangot pang saad ni Ara, "Biruin mo sinabihan niyang pangit yung headings ko like duhhh pede naman niyang sabihing palitan napaka straight forward sa harapan pa talaga nila Owen" pagtutukoy nito sa iba pa naming katrabaho

Kasalukuyan naming ginagawa ngayon ang april issue na naka assign sa amin. Busy rin ako sa paggawa ng editorial page para sa contributors part na ilalagay sa baba nito

"Ara!" Tawag ni Sir Carl dito

Tila may sinasabi ito kay Ara na naging sanhi ng nakalaylay nitong nguso dahil mukang may sinabi naman itong di niya gusto. Natawa nalang ako sa itsura nito

"Aray-- aray ko po" napatingin kami lahat kay Ara ng bigla nitong malakasan ang boses habang nakahawak sa paa nito

Umupo ito at ngumiti ng peke dahil mukang nagulo niya lahat ng staffs sa kani-kanilang ginawaga

My 7th And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon