MOSNMP #1- Siya Pa Rin Pala...

39 0 0
                                    

"You still love her, I can see it in your eyes. The truth is all that I can hear everytime you lie."

-------------------

"Mahal mo pa ba?" 

"Matagal na niya akong iniwanan diba? Kaya bakit pa? Hindi na. Hinding hindi na."

Nung tinanong kita kung mahal mo pa ba siya, sabi mo hindi na. Ramdam ko ang galit mo sa kanya. Kasi iniwanan ka niya sa ere. Nawala siya na parang bula. Nasira ang pagsasama niyo sa isang kisapmata. Pero sigurado ka bang hindi na talaga?

Alam kong mahal na mahal mo siya. Alam kong kaya mo rin gawin ang lahat para sa kanya. Pati ang buhay mo, kaya mong ibuwis basta lang ay maging ayos siya. Alam ko dahil nandun ako. Nakita ko kung paano mo siya pahalagahan, ligawan araw-araw, sulatan ng liham na parang nobela sa haba, supresahin ng mga mababangong rosas at matatamis na tsokolate tuwing Pebrero, kantahan ng kanyang paboritong kanta kahit na sintunado ang boses mo. Lahat ay nasubaybayan ko.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ginawa mo para sa kanya, bakit ka pa rin niya nagawang iwan?

Minahal at pinahalagahan mo naman. Binigay mo naman ang lahat. Pero bakit? Bakit niya yun nagawa?

Kung iiwanan ka lang pala niya, sana pala simula pa lang hindi ko na hinayaang mapunta ka sa kanya. Edi sana, hindi ka na nasaktan.

Pero baka nakatadhana talaga ang lahat ng bagay...

Tulad ng nangyari sa atin pagkalipas ng ilang araw, nagkamabutihan tayo. Niligawan mo ako at agad naman kitang sinagot.

Naging maayos ang pagsasama natin. Araw araw tayong magkatext pero sa tuwing magkasama tayo, hindi parin nauubos ang mapagkwekwentuhan natin. Sa gabi naman ay magkatawagan tayo. Kakantahan mo ako hanggang sa makatulog na ako. At sa pag-gising ko, good morning mo agad ang bubungad sa akin.

Madalas tayong mag-bangayan pero hindi yun tatagal ng isang araw. Siguro dahil ayaw nating masayang ang mga oras na dapat nagsasaya tayo. Gusto natin lahat ng oras, nagamit ng husto. Hindi nabalewala. Hindi nasayang.

Sa tuwing maglalakad tayo sa Mall o kaya kapag nagdedate, lagi akong matatawa dahil sayo. Kasi sobrang higpit ng hawak mo sa kamay ko. Sabi mo, yun lang daw ang patunay sa iba na sayo lang ako. At akin ka lang. Walang ibang makakasira sa atin. Wala na.

Hindi ko rin makakalimutan yung mga surprises mo tuwing monthsary natin. Yung mga balloons, chocolates, flowers, at letters. At ang pinakasweet at favorite ko sa lahat? Nung dinala mo ako sa Garden ng Campus at kinantahan habang naggigitara. Pagkatapos ay nakatulog pa tayo nun ng magkayakap. At sa pag-gising ko, yakap yakap mo pa rin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga One Shots Ni Miss Paru-paroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon