C H A P T E R 02

4 0 0
                                    


Nandito na ko ngayon sa University Pool Area, yes you've read it right I'm a swimmer as well as Zeke. Sa men's division siya, while ako naman ay sa women's division o diba ang taray. Kaya di rin ako nagtataka bakit habulin din ng girls yung tropa kong 'yun. Full package din naman 'eh, gwapo na, well okay well-off yung family nila, matangkad, matalino, sobrang gaan kasama, funny pa, odiba san ka pa? Kay Zeus Akiko Gonzales na! Hoy 'di ko sinasabing crush ko 'yon ha. Syempre support kaibigan ko 'yun eh. Anyways, so andito na nga kami sa University Pool Area. Sa gilid ng pool area yung shower room ng boys at girls. Bali, kakalabas ko lang kasi nagpalit ako ng one-piece swimming attire ko. Nakita ko sila Ceah na nakaupo sa bench katabi ng gym bag ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Wow, siz ang taray mo sa one-piece na yan sana ol!" Pagpuna ni Elli sa suot ko, habang inaayos ko yung pinagpalitan kong damit sa bag ko.

"Tanginang sexy niyan, walang jowa" Pang-aasar ni Cha

"Ina mo din," I hissed back

"Oh teka, bakit kulang kayo? Asan si Ceah?"

"As usual, ano pa ba? Edi may library date sila nung gwapo-pero-nerd-niyang-kafling" Si Pia

"Si Marco? Marco Bautista?"

"Oh eh sino pa ba? Siya lang naman yung kalandian ni Elli, bakit may iba pa ba?" Pambabara ni Cha

"Kayo chismis kayo ng chismis, ayan na sila oh" Si Jus na nakisabat na din sa usapan nila, at di nga siya nagkamali napatingin kaming lahat sa entrance ng University Pool area dahil magkasama nga si Chelsea Serine at Marco.

"Hi guys! Si Marco nga pala," Si Ceah, ngumiti samin si Marco

"We know," sabay taray ni Pia

"Huy, ano ka ba. Pagpasensyahan mo na Marco, may red flag 'eh." Pagpapalusot ko, kahit 'di pa naman time of the month ni Pia sadyang mataray lang sila ni Cha at Elli kay Marco dahil nagtatampo pa din sila kay Ceah. Paano ba naman kasi, kung hindi pa namin sila nahuli ni Marco na may "library date" nung first sem baka up until now, hindi namin alam na may something sila. Sakin wala na yon, pati kila Jus, Zeke at Lj sadyang dinibdib lang nila Cha, Pia at Elli

"Ay hindi, okay lang hehe,"

"Wazzup, party people" Sabay sulpot ni Lj, kasama si *roll eyes* Sam. 'Yung team mate naming maganda. Kahit kailan talaga tong lalaking to, gwapo naman, matalino, medjo tarantado nga lang. Pero tangina mas mabilis pa ata 'to magpalit ng babae kesa sa magpalit ng brief niya 'eh. Sino kaya magbabago sa hinayupak na to, nako talaga Leonel Jace Benedicto 'pag ikaw talaga nakahanap ng katapat mo ewan ko na lang.

"Babe, I'll go make palit muna. Baka mag start na training 'eh." Si Sam na nagpaalam kay Lj

"Ocakes babe, tyt." Sabay halik sa pisngi ni Sam

"Pia, pinsan mo ba talaga to si Lj?" Tanong ni Cha, na ikinakunot ng noo ni Lj

"As far as I know, kapatid ng dad ko dad niya and he's a Benedicto. So, definitely yes."

"Eh mas mabilis pa ata yan magpalit ng babae kesa mag palit ng brief niya 'eh," Pang aasar ni Elli

"Alam niyo ineenjoy ko lang buhay ko, diba Priyanka Charlotte?" si Lj

"Ewan ko sayo Leonel Jace, pasalamat ka matalino ka at 'di ka nabagsak kaya di pinupuna nila tita at tito pambababae mo. Nako kung hindi, ako mismo mag eexpose sayo sa pamilya natin," pag tataray ni Pia, which is true dahil kung anong ibinait ni Pia ay siyang ikinasakit ng ulo kay Lj.

*Prrrrrrrt!*

"Swimmers! Stand-by" Si Coach Reese,

"Oh shoot! Asan si Zeke?" Pagtatanong ko dahil siya na lang pala ang wala

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon