chapter 1: Cat collar

30 3 0
                                    

Tyler POV

Andito ako ngayon sa airport at nag hihintay ng oras ng flight. Dahil sabi ni Dad ay sa pilipinas kona raw ipag papatuloy ang aking pag aaral. Hindi ko alam kung bakit gusto nya akong pauwiin sa bahay namin doon, kahit na hindi sya umuuwi don. Siguro dahil gusto nya lang. Pero hindi naman ako tutol kasi mas-gusto ko sa pilipinas at gusto ko na may bago akong makilala at maging kaibigan.

Tumayo nako dahil malapit na oras ng flight at nag lakad na.
Pag pasok ko ng airplane ay pumunta nako sa upuan at natulog.

Nagising ako dahil nandito na pala ako sa pilipinas. Naglakad ako at hinanap sa labas ang sundo ko.
Gaya nga ng sinasabi ng lahat ang init dito sa pilipinas.

"Tyler!!" Tawag sakin sa di kalayuan

"Ohh kuya Dan Tara na po?" Sabi ko sa kanya

"Tara na!, akin na yang mga gamit mo at sumunod ka sakin"

"Salamat po" Sabi ko sa kanya at nag lakad na kami

Nandito na kami sa sasakyan at nilagay niya sa likod ang mga bagahe na dala ko at pumasok na kami sa loob. Si kuya Dan ang driver namin ni Dad dito sa pilipinas mula nung nandito pako nung bata pako.

" Ang laki muna talaga at ang pogi mong bata, ako lang sumundo sayo sensya kana-ha Alam mo naman ang
Dad mo busy sa business kaya nga sa mga hotel na sya natutuloy at lalabas nanaman sya ng bansa para sa business" Sabi ni kuya Dan na naka ngiti.

"Ayus lang po yun. Naiintindi-han ko Naman po dahil si Dad lang ang nag ta-trabaho samin dahil wala na si mom" nakangiti kong Sabi

"O siya Tama nayan dahil nandito na tayo" Sabi niya at pumasok sa kabubukas lang na gate.

Wala parin pinag-bago ang bahay bukod sa malaki ganun parin ang style. At pag pasok ko ng bahay pumasok nako ng kwarto ko.
May kwarto talaga ako sa bahay na'to
At lagi Ito nililinis ni Yaya emelda
Pero ang balita ko nag baskasyon daw sya ngayon at mahaba ang binigay na bakasyon ni Dad sa kanya.

Mag papahinga na sana ako ng biglang tumawag si kuya Dan sa labas

"Tyler may bisita ka dito" sigaw ni kuya Dan

lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan at nagulat ako ng makita ko ang dalawa kong kaibigan dito sa pilipinas
Si Alexa at Donnie. Ang ganda at gwapo nila. talagang may mga itsura rin talaga ang mga 'to.

"Long time no see Tyler" sabi sakin ni Donnie habang naka ngiti

"Na miss ka namin" sabi ni Alexa sabay yakap

"Pano niyo nga pala nalaman na ngayon ang uwi ko dito?"

At kumawala sa pag kakayakap si Alexa "ano kaba! Malamang sasabihin ni Tito samin yun" naka ngiti niyang Sabi

Hindi ko Kasi sila nasabihan na uuwi ako. Alam talaga ni Dad na sasaya ako pag nakita ko ang mga kaibigan ko

"Ma-upo muna tayo"at nag upuan na kami.

"Dito kana daw mag a-aral?" Masayang sabi ni Alexa at halata sa masaya niyang muka na gusto niya talaga na dito ako mag aral

"Oo" nakangiti kong sabi.

"Ano nga pala kinuha mong course tol" sabi ni Donnie

"Malamang ano paba ang meron sa pamilya ko? Business diba?" Natatawa kong Sabi at parehas Naman sila nag tawa-nan.

"Oh pano? bukas sasamahan kanamin sa school para mag pa enroll" Sabi ni Donnie

"Oo nga at mag pahinga kana rin ngayon dahil alam namin na pagod ka. Gusto lang naman namin ikaw makita" nakangiti na sabi ni Alexa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret Of My CatWhere stories live. Discover now