"So, kanino kaya tatapat ang bote?" Lalaine asked when she started to spin the bottle.
We're here at the beach because our batch have reunion at dito nila naisipang ganapin. Its been 10 years simula ng maghiwa hiwalay kami. May sari-sarili na din kaming mga trabaho.
" Oh, Josh! Truth or dare?" Lalaine asked when the bottle stopped to Josh.
Tinignan ko sila isa-isa ng mapansin kong lahat sila ay naka ngiti. Ang saya nilang pagmasdan tila parang walang nangyaring di maganda noong high school kami. Sabagay, We're matured now. Nakalimutan na ang dapat kalimutan. Naka move on na ang dapat mag move on.
Natigilan ang paglilibot ng aking mga mata ng magtama ang tingin naming dalawa. I can see his pain in his eyes. Bumalik lahat ang magagandang ala-ala na pinagsamahan naming dalawa. Ala-ala na kahit gusto mong kalimutan ay di mo magawa.
"Hoy, Vanessa! Nakatulala ka na dyan. Sayo na nakatapat ang bote oh!"
Bumalik ako sa reyalidad ng sigawan ako ni Lalaine. Napatingin ako sa may bote at sakin nga nakatapat ito. I took a deep breath ng makita ko na si Kris ang magtatanong sakin.
Tinitigan nya muna ako bago ito magsalin ng alak sa kanyang baso. Naghahanda man kung sakaling mag dare ako. If I choose dare at hindi ko magagawa yun ay kailangan kong inumin ang alak na ito. But that's not going to happen. As if naman na maglalasing ako. Hays.
"Truth or Dare, Van?" He asked.
"Truth" Lakas loob kong sabi sa kanya. Kunwari matatag at handang sagutin ang tanong niya kahit na sa totoo lang ay kinakabahan ako sa itatanong niya.
He smiled at me. Humawak muna siya sa baba na tila nag iisip ng tanong. Umaasa ako na sana masagot ko kung ano man ang itatanong niya.
"Okay Van, If you're given a chance to choose. What will you choose. Go back to the past or Travel to the future? Why?"
I noticed that all of my former classmates are become silent. Tila mga nakatingin sa aming dalawa ni Kris at nag aabang ng susunod na mangyayari. It took some minutes bago ako nakasagot. Kinakabahan ako sa magiging Resulta nito.
" I'd rather go back to the past" Tumigil muna ako ng ilang saglit bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. Bakit kasi may Why pa?
"Hey, answer my question." Kris said.
Inirapan ko lang ito.
"I'd rather go back to the past because I have a lot of good memories before. There is also a painful memories pero mas pipiliin kong balikan yun para itama at humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko."
Nagsimulang malaglag ang mga luha sa aking mga mata. May mga kaklase rin akong nakita na nagpipigil ng luha at ang iba ay may awa sa kanilang mga mata. Nginitian ko lang sila. Alam kong nanghihinayang rin kayo sa nangyari samin. Alam kong saksi kayo kung gaano kaperfect sana ang relationship namin ni Kris. Pero wala eh, may hindi talaga tayong maaasahan na mangyayari. Kahit ako nalulungkot sa naging sitwasyon namin.
"Alam kong ilan sa inyo mas pipiliin na masilip ang future pero para kasi sakin kung makabalik man ako sa nakaraan, itatama ko na lahat para sa magiging future ay walang sakit at galit na nararamdaman."
Muli na namang bumalik ang mga alaala noon. Mga masasayang alaala naming magkaka batch.
I remembered, we became close when the time that all of us called in principal office. Worst section kasi kami noon. Palibhasa mapababae o lalaki man nakakasabay sa trip ng isat isa.
Kris is a transferred student after the scenario in the office. Pinagkaguluhan pa nga siya namin noon dahil sino bang hindi magkakagusto sa kanya eh ang gwapo, tapos ang tangkad, complete uniform pa, may tan skin, at matangos na ilong na wala saming magkakaklase. Siya lang talaga yung estudyante samin na laging nakacomplete uniform palibhasa kami ay walang sinusunod na rules.
YOU ARE READING
I'd Rather go back to the Past
General FictionThey completed their lovestory with a sad ending.