7 PM, nakauwi na ako sa mansyon. Andito ako ngayon sa kusina kasama sila Ate Ruth at Manang Russell. Naghahanda kami ng hapunan para sa limang amo namin. Hindi ko alam pero habang nagluluto ako ng pasta, kinakabahan ako. Parang may mali kasi e.
"Okay na yan, Ailey. Ilatag mo na yan dito kasi maya-maya andito na yung lima." ngumiti sakin si Ate Ruth.
Nilapag ko na sa mahabang lamesa ang niluto kong pasta. Marunong naman akong magluto since ako lang din naman nagluluto sa bahay namin. After kong inayos ang mga inihanda naming pagkain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Tinawag ako nila Ate Ruth kasi nasa labas na daw ang lima. At nung dumaan sila sa harapan ko, napanganga ako kasi pota ang gwapo nilang lahat. Ang astig pa nilang lumakad, lakas maka F4. Natauhan ako ng siniko ako sa braso ni Ate Ruth kaya napayuko ako bigla.
Dumiretso sila sa hapagkainin. Pinagsilbihan namin silang lima. Utos dito, utos doon. Tama nga sinabi ni Ate Ruth na suplado ang limang 'to. Ni hindi man lang marunong gumamit ng 'po at 'opo. Hindi naman sa galit ako pero hindi sila napalaki ng maayos ng mga magulang nila.
"WHAT THE FU----." nagulat ako ng makita ko yung isang lalaki na nakatayo na ngayon at pinupunasan ng panyo ang pants niya.
"Sorry, Sir. Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya." napayuko ako dahil sa kamalian ko.
Hindi ko naman kasi sinasadyang mapuno ng tubig baso niya e. Naging lutang lang ako kaya di ko namalayan na nabasa ko na pala pants niya.
"You are just new here. Nagpakita ka na nang kamalasan!" sigaw sakin nung lalaki.
"Pasensya na talaga, Sir." nakayuko parin ako.
Gusto ko nang umiyak. Ngayon lang ako pinagalitan ng ganito. Kahit si Inay hindi ako sinisigawan ng ganito kalakas. Naiintindihan ko naman kasi na iba yung mundo ng mayayaman sa may kaya lang.
"Get lost!" sigaw niya pa.
"Stop it, Hail. We're in front of the food." yung lalaking nakaupo sa center table.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na silang kumain. Habang nagliligpit kami sa mga pinagkainan nila, nagke-kwento naman 'tong si Ate Ruth niyo.
"Yung sumigaw sayo kanina siya si Sir Hail. Yung umawat naman si Sir Sync. Yung katabi ni Sir Hail ay si Sir Jiro, yung magkatabi naman sa right table ay si Sir Clyde at si Rain magpinsan sila." tumango lang ako sa sinabi ni Ate Ruth.
"Kung di pala sila magkapatid, bakit nasa iisang bahay lang sila nakatira?" tanong ko.
"Kagustuhan nang mga magulang nila." sagot ni Ate Ruth.
Pagkatapos namin magligpit, kami naman ang kumain. Ako na ang naghugas ng mga pinggan. After ko maghugas, natulog na din ako at maaga din akong gumising para maglinis sa buong bahay since 10 pa pasok ko. Nagsimula ako sa 1st floor, kasunod mga kwarto sa 2nd floor at sumunod ay ang 3rd floor. Madali lang sakin maglinis ngayon, syempre wala yung mga suplado dahil maaga daw pumapasok ang mga yun.
"Tama na yan, Ailey. Anong oras na baka malate kana sa klase mo." sabi ni Manang Russell.
"Last na po 'to, Manang." ngiti kong sabi sa kanya bago niligpit ang vacuum cleaner.
Naligo na ako pagkatapos kong maglinis. Umalis na ako ng bahay bago magpaalam kina Manang. Nilakad ko lang since super lapit lang naman ng school ko. Buti hindi ako late sa first class ko.
"Hoy. Ano na kwento girl?" kinakalabit ako ni Hanna kahit nasa harapan namin si Sir Harry.
"Maya na sa cafeteria." sagot ko at nakinig nalang sa lesson ni Sir.
Pagkatapos nang tatlong subject namin ay lunch break na, andito kami ngayon sa cafeteria. Hindi naman excited si Hanna sa kwento ko no? Pag-usapang pogi kahit nasa kabilang kanto pa yan si Hanna talagang dadayo pa yan palapit sayo. Ganyan siya e.
"So ano na sis?" nagliliwanag yung mata at tenga niya oh.
"Nakita ko na yung limang sisira sa buhay ko." malamig kong sabi.
"Grabe ka naman. Baka kukumpleto ng buhay mo." sabi niya at hinampas braso ko.
"Kung alam mo lang talaga kung gaano kabigat ang atmosphere sa bahay kahapon. Gusto ko nang umiyak dahil sinigawan ako nila ng ganun." sabi ko at uminom ng tubig.
"Ano? Magreresign ka?" tanong niya.
"Syempre hindi, kailangan ko ng pera ngayon. Magtitiis nalang ako." sabi ko.
"Wag kang mahiyang tawagan ako, Ailey. Reresbak ako pag sinaktan ka nila pero kung wala namang problema video chat tayo tapos sila kakausapin ko. Ay bet ko tuloy mag-apply." nakangusong sabi niya.
"Gwapo nga sila mga wala namang kaluluwa." sabay irap ko.
"Kung papayagan man ako ni Mommy na magtrabaho, talagang dyan ako mag-aapply." sabi niya na nakahalumbaba sa lamesa.
"Gusto mo talagang mag-apply sa impyernong yun, Hanna?" napakunot naman noo ko.
"Depende." tipid niyang sagot.
Tumawa nalang ako sa sinagot niya. Pagkatapos namin kumain, nagpaalam ako kay Hanna na dadaan lang ako sa library para manghiram ulit ng babasahin. Ano bang magandang basahin? History o Philosophy? History nalang since naiintrega parin ako kung sino pumatay kay Magellan. Kukunin ko na sana yung libro pero may nakahawak din sa librong yun. Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ko kung sino nasa harapan ko ngayon.
Shit.
Si Sir Jiro pala?
Napabitaw naman agad ako sa libro. Dito pala sila nag-aaral? Eh bakit hindi ko sila nakikita dati dito? Ah, tanga ka naman Ailey. Ang lawak lawak ng Westward University at ang dami ba namang nag-aaral na estudyante dito.
"Hi, Sir." nakayuko kong bati.
"Call me Jiro pag andito tayo sa school. Understood?" napaangat ang noo ko nang marinig ko yun mula sa kanya.
"O-opo, Si- ay Jiro." utal kong sabi.
Naglakad na siya palayo sa kinatatayuan ko. Ako, tulala lang habang pinagmamasdan siyang naglalakad. Bat ganun trato niya sakin? So pag nasa bahay kami magtaray-taray siya sakin pero pag dito sa school Jiro tawag ko sa kanya? Ganun ba yun?
"Hoy. Kanina ka pa tulala dyan? Simula nung pumasok ka dito sa room kanina naging ganyan kana. Problema mo?" napalingon ako kay Hanna.
"Ahh... Wala lang naman 'to." sagot ko at niligpit na mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]
Teen Fiction"We are all like moon. Maybe some doesn't appreciate us that much, but I know there are still people out there who knows how to appreciate our own beauty. Just keep on smiling, you are beautiful in someone's eyes."