PROLOGUE

241 4 4
                                    

Author's Note: Leave some comment. Lalabs ko ung pinagdedikahan ko nito. Salamat and God bless! Enjoy reading :)



OF COURSE it has to rain. Naiiling sa sarili na naisip niya. Ano pa nga ba ang pinakamagandang pwedeng sumalubong sa kaniya sa pagbabalik niya sa Pilipinas? It has something to do with your mood. Pakli niya sa isip.

Wala pa man din siyang payong na dala. Paano naman kasi niya maiisip na uulan sa Pilipinas ng araw na iyon, ng oras na iyon, kung kailan siya uuwi, aber? Hindi siya prepared!

Sana lamang ay makaisip ang susundo sa kaniya dito sa NAIA airport na magdala ng payong, or better yet ay may dala itong sasakyan para hindi sila masyadong ma-hassle.

"Patch!" Natatawang lumingon siya sa pinaggalingan ng boses na patili.

"Na-miss mo ako, 'no? Halata na excited ka e," natatawa pa ring sinalubong niya ang pagyakap nito at mas ginantihan pa niya ng mas mahigpit iyon.

"Gaga, hindi kita na-miss. Na-excite lang akong makita na marami kang pasalubong na dala, kaya nga ba ako na ang nagprisinta na sunduin ka para makasipsip agad ako sa 'yo at makapamili ng pasalubong." Nag-beautiful eyes pa ito na lalong nagpatawa sa kaniya.

"Let me look at you," inilayo siya nito ng bahagya saka pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naningkit ang mga mata nito matapos siyang obserbahan.

Nginitian niya ang kaibigan saka nag-pivot sabay curtsy. "I hate you." Naniningkit pa rin ang mga matang anito. "Kung alam ko lang na nakakadagdag ganda pala sa America ay sumama na ako sa 'yo."

"I told you kasi na sumunod ka ro'n kapag may time ka. Hindi ka naman pumasyal." Bumadha ang panandaliang lungkot sa mga mata nito na agad din namang nawala saka ngumiti ulit sa kaniya.

"Nah, I like to stay here in the Philippines." elaborate na isinenyas nito ang isang kamay habang ang isa ay ikinalang nito sa braso niya. "You know naman its more fun here in the Philippines. So bakit pa ako aalis 'di ba?" Panggagaya nito sa linya ng isang advertisement.

Tinitigan niya ang mukha ng kaibigan. She missed this girl terribly. They are literally partners in trouble and figuratively sisters by heart. Lana Mae Areballo is the only girl she knew that always look for the silver lining or even the rainbow after the storm. She's kindhearted and humble in the truest of form. Wala na yata siyang ibang kilala na kasing bait nito at kasing bilis magpatawad. But of course, may pagkakataon na rin naman sa buhay nito na na-test ang karakter nitong iyon. She knows because she was there with her when it happens.

Pero masaya pa rin si Patricia sa nakikitang personalidad ng matalik na kaibigan ngayon. Mukha ngang totoo ang kasabihang time heals all wound...

True ba? E bakit ikaw, mukhang may hang-ups pa?

Agad na iwinaksi ni Patricia ang isipin bago pa matulad iyon sa bagyo na yatang panahon sa labas ng paliparan.

"Tell me you have a car," baling niya sa kasama.

Inirapan siya nito. "Hindi 'te. Bike lang talaga ang dala ko. Balak nga kitang i-angkas e tapos 'yong mga dala mo, iwan na muna natin dito o kaya ipamigay nalang natin para wala ka nang alalahanin." Nanlalaki ang mga mata at sarkastikong sabi nito.

She gave her friend a kiss on the cheek. "The best ka talaga!"

"Ako pa ba. Hindi ko nga alam kung paano ka nabuhay ng halos apat na taon sa ibang bansa nang hindi ako kasama e. But let's just put that thought aside because past is past."

Nasa akto siya ng pagtangon habang tulak-tulak ang mga bagahe niya palabas ng airport ng biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Patricia?" Nilingon niya ang boses ng babaeng tumawag sa kaniya. "It is you. You're back." Dirediretsong sabi nito hanggang sa makalapit sa kaniya at yakapin siya. "Do you still remember me?"

Begin Again (ANAC book 2-on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon