Andito ako lagi para sayo
Kahit na walang tayo
Kahit kaibigan mo lang ako
Dahil minamahal kita ng patagoSinuportahan ka sa taong gusto mo
Kahit na nasasaktan ko ang sarili ko
Ayos lang makita ko lang iyang ngiti sa mukha mo
Kahit papaano nababawasan ang sakit na nadarama koNang ika'y makitang sawi
At hindi makita sa iyong mukha ang ngiti
Gustong sabihin na dito ka na lang sakin
At ika'y kailanman ay hindi paluluhainNgunit ako ay bigo
Dahil alam ko sa sarili ko
Na hindi ako ang gusto mo
Dahil kaibigan mo lang akoHanggang dito na lang ba tayo
Nakakasawa na ang ganito
Gusto ko na umamin
Lakas loob na sasabihinKaya naman ay hinanap ka
Para sabihin ang totoong nadarama
Ngunit ako ay nabigla sa aking nakita
Kasama mo na naman ang dahilan ng iyong pagluhaTama na, ayoko na
Kaya naman ako'y titigil na
Ayoko ng masaktan pa
Sa taong hindi makita ang aking halaga
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...