𝚒𝚔𝚊-𝚊𝚙𝚊𝚝

53 13 0
                                    

JACK

Ikaapat na araw. Konti na lang ang natitira kong panahon para malaman kung anong problema niya. Humiling ako na gusto kong mailigtas siya, pero bumilis ang oras ngayon.

Hindi na ako dapat mag-aksaya pa ng oras. Kailangan ko nang malaman ang sikreto niya.

Nagsimula na ang mahinang pag-ulan ngayon. Rinig na rinig ang tagaktak ng patak ng ulan mula sa labas. Hindi naman gaano kalakas ang hangin.

Andito lang kami ni Alpha sa may sala. Nanonood kami ng Bandersnatch sa Netflix. Wiling-wili kami habang pumipili ng mga choices para sa bida at natutuwa kami tuwing may bagong ending kaming nakukuha. Balak naming hanapin ang lahat ng ending sa araw na ito.

Si Alpha ang pumili ng palabas na ito. Alam kong kagaya ng bida sa palabas ay marami ring problemang kinahaharap si Alpha. Maraming hadlang sa mga pangarap niya.

Pero kagaya rin kung ano ang nasa palabas, ang buhay ay punong-puno ng desisyon. Life is a matter of choices, ika nga. Ikaw ang bahala magmanipula ng buhay mo. Ikaw ang bahala kung anong direksyon ang gusto mong tahakin.

Hindi ko maiwasang maisip. Bakit Alpha? Bakit gusto mong magpakamatay? Bakit gusto mong umalis sa mundong ito? Ayaw mo bang manatili na lamang?

Gusto kong itanong ang mga tanong na iyon ngunit hindi ko alam kung papaano.

Tiningnan ko siya ng maigi. Ganon pa rin ang itsura niya. Pero may kakaiba sa mga mata niya ngayon. May kalungkutan akong nakikita. Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng mga matang iyon. Gusto kong malaman ang istorya ng mga iyon.

"Huy, Jack." Bumalik lang ako sa katinuan nang tawagin niya ang pangalan ko. "Okay ka lang ba?"

Tinanong niya ako pero nanatili akong nakatulala sa kanya. Iyon din ang eksaktong mga kataga na gusto kong sabihin sa kanya.

"Ikaw? Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para ibalik sa kanya ang tanong. Pero hindi ako magsisisi na itanong sa kanya iyon.

Umiwas siya nang tingin ang ibinalik ang paningin sa pinapanood.

"Ah oo," saad niya.

Okay ka lang ba talaga, Alpha?

Tenth of May | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon