Prologar

135 3 0
                                    

This is a work of fiction. Everything in this story are purely imagination.




"Tangina nyo! Ang bobo nyo! Bat ba kayo nagpapractice sa rank?! Putangina nyo!" Sigaw ko sakanila dahil gg na ang standing namin. Mag-aaya ng rank tapos ako lang magbubuhat amputa!

"Gago! Galit na si Spaniard." Rinig kong natatawang sabi ni Jan. I raised my middle finger to them and they just laughed at me looks like I'm joking. I am fucking serious. Panira sila sa win streak ko.

"Tangina mo! Pabuhat!" Sabi ko at sinipa si Deamon na agad namang nakaiwas. Manggugulo sila dito sa bahay ko para lang yayain ako magml tas puro pabuhat lang pala.

"Puro deaths na nga tas sisipain mo pa ako! Best friend ba talaga kita?"

"Fuck you!"

"Gago hindi kita type." Hindi ko na siya pinansin dahil mas maiinis lang ako sakanya at nagfocus nalang kung paano ko ipapanalo tong larong to. "Suarez sa mid!"

"Eto na." Nagpatuloy lang ako at nagfocus. Hanggang sa matapos at mabuti nalang naipanalo ko. Humiga ako sa sofa at binato si Josh ng unan. Dahil hindi nya inaakala iyon ay tumama sa mukha nya. Napangisi nalang ako.

"Puta hindi naman ako kasali." At binato ulit sakin iyong unan.

"Magluto ka. Nagugutom ako." Pinikit ko iyong mata ko at hindi pinakinggan iyong mga sinabi nya at ng iba pa. Sumakit ulo ko sa pagtitimpi ko sakanila kanina at nagutom ako kakamura sakanila.

"Bakit kasi hindi kapa maghanap ng girlfriend?"

"Hindi yun hinahanap kusa yung dumadating." Sagot ko at tumingin kay Deamon. Napangisi nalang ako. I'm not like him, keep finding his girl in 3 years now. He's whipped.

"Yeah right. Paano naman darating yun kung nakakulong ka sa bahay mo."

"Edi hanapin nya iyong bahay ko." Tumawa naman sila sa sinabi ko kaya napairap nalang ako. Hindi talaga akong siniseryoso ng mga demonyong to.

"So you want a girl like stalker? Creepy mo pre." Ang dami namang tanong netong pilotong to!

"Bakit kaba andito? Diba dapat nasa eroplano ka, nagpapalipad?" Hinilig nya lang iyong likod nya sa sofa. Good thing my couch is really that big. Lagi kasi silang nakatambay dito para lang gaguhin ako. Karma ba to sa paggagago ko kay Xavier sa opisina nya?

"Merong tinatawag na day-off, López. Kung hindi lang kita kilala hindi ako maniniwala na pagmamay-ari mo ang Lope Soft." That's my company creating games and applications. Nasa Spain nakalocate iyong kompanya ko at tumatakbo naman iyon kahit wala ako. I visit them 2-3 times a month.

I know everything happens in my company even I live here in Philippines. Pinapanood ko ang bawat galaw nila sa CCTV at minsan tumatawag ako sa secretary ko for updates.

I'm not just a player like other people say. I am programmer and also a hacker. Yeah but only my friends knew I'm a hacker. Hindi ako gumagawa ng kahit anong illegal. Naging hacker ako dahil gusto ko lang at marami akong alam sa computers so just expanding my skills.

I am licensed Computer Engineer after all. I also studied IT. My father is a business man and half Filipino and half Spanish. My Mom is pure Filipino. Kung tutuusin hindi na ako matatawag na Spaniard but my friends called Spaniard just because of my last name.

"I fucking work here in my house."

"Lalabas kalang naman dito sa lungga mo kapag may nag-aya sayo." Walang buhay na sagot ni Deamon. Hindi na ako nakasagot kasi sumigaw na si Josh na luto ang pagkain kaya agad kaming pumunta ng kusina.

"Adobo yan?" Tanong ni Gio. Mukha syang adobo pero hindi amoy adobo kaya nakapagtaka.

"Humba yan tanga." Kanya kanya kaming tikim at si Jan lang iyong hindi tumikim samin. Hindi ko maintindihan iyong lasa pero masarap. Parang matamis na ewan. Basta masarap at hindi ako malalason.

Kanya kanya kaming kuha ng plato at kain. Mabuti nalang nagsaing ako kanina bago sila dumating dito. Agad akong kumain at ganon din sila. Maingay silang kumain at pinapanood ko lang. May pinag-uusapan silang babae ni Gio.

Patapos na akong kumain ng magring ang phone ko kaya kinuha ko naman iyon sa bulsa at iniwan sila sa kusina dahil maingay sila.

Tumatawag na naman si Mommy. Nasa Korea sila ngayon ni Daddy dahil malapit na iyong anniversary ng kasal nila.

"Hey Mom."

"Kailan ako magkakaapo, mi hijo?"

"Mommy just wait. I can give you a lots of grandchild." Walang buhay kong sagot.

"Ayan din ang sagot mo sakin last time." Napahilot nalang ako ng sentido ko. "Hindi na ako bumabata Alessandro. Gusto ng apo  kaya gumawa ako ng paraan."

"Wait, what did you do Mom?"

"She's on the way to Philippines." What the fuck! "Be nice to her because she's so nice and adorable. Hindi kana bumabata kaya at ako rin. Gusto ko na ng apo at umabot kana ng 30 years old wala parin. So deal with it. She's your fiancee." She ended call.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatanga lang doon kung hindi lang tinapik ni Ceasar iyong balikat ko. Halatang kadarating lang. Napakurap naman ako at napatingin sa phone ko.

"What happen to you?" Ceasar asked.

"What the fuck!" Sabi ko nalang at tinawagan ulit si Mommy. Nakatatlong beses akong ulit bago nya sinagot. Ayoko pang makasal for fuck sake.

"Yes, mi hijo?"

"Stop this Mom. This is not funny. You engage me to some girl without my permission." Inis kong sabi at hinilot iyong sentido ko.

"I'm serious Alessandro."

"You can't do this Mom."inis kong sabi. This is way too far and so unfair for me. I don't want to marry someone I didn't even know.

"It's done already, mi hijo."

"Mom stop this."

"I'm your mother and I want you to build a family and give me a grandchild. Malapit na akong mag-60, Alessandro so be nice to her. She'll live in your house."

"What's her name?"

"Nope. I'll just send you her picture. Alam ko ang gagawin mo kapag sinabi ko ang pangalan nya kaya hindi ko sasabihin. Don't be rude. Sunduin mo sya mamayang 3 pm sa Raymundo Airlines. Sa private plane ng daddy mo. Goodbye and enjoy." She ended the call again. Napatingin naman ako kay Ceasar na nakangisi ngayon.

"Bakit andyan ka pa?" Hindi nya ako sinagot at ngumising naglakad papuntang kusina. Sumunod din ako sakanya dahil hindi nya sinagot iyong tanong ko. Alam kong narinig nya iyong mga sinabi ko.

"Sandro is engage." Natatawang sabi ni Ceasar kaya napatigil iyong iba naming kaibigan at tumingin sakin. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ni Ceasar.

"Fuck you." Sabi ko nalang kay Deamon ng tumawa sya. Pumunta ako sa ref at kumuha ng beer saka binuksan at ininom. Hindi pa ako pwedeng malasing dahil susunduin ko pa sya. Fuck!

Why my life is suddenly fucked up?




______

Follow me on twitter @lalalalaaab and intagram @lovely.anne

Way Out (Whipped Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon