Capture 📷1

59 17 0
                                    

Chapter 1

*click* kahit ilan ko pa gawin 'to ay talagang hinding-hindi ako magsasawa. Napakaganda ng pagkakuha gusto ko sanang maging successful photographer someday. Magiging proud ba iyon kung ipapakita ko ito sa kanya-nah! That would be impossible. Sa tingin ko....this is way too simple achievement for the perfectionist like him would he appreciate it.

Napatingin naman ako sa picture na kinuhanan ko kanina...kahit napaka crowded rito dahil sa dami ng taong pumupunta, isali mo pa iyong bigat ng trapiko at mga busina nito. Makikita mo talaga na napakapayapang tingnan pagkakita mo lang sa mga ibong lumilipad ng malaya lalo na 'tong mga naliligo sa fountain. Parang ang saya nilang tingnan dahil batid mong masaya rin sila dahil malaya sila. Kailan rin kaya ako magiging malaya tulad nila, na malayang gawin ang mga ninanais mo at abutin ang pinapangarap mo?

Sa tingin ko, hindi naman gaano kahirap abutin itong pangarap ko...sadyang masyado akong mataas para sa ganito. How funny-na para akong prinsesa na nangangarap maging alipin dahil sa sobrang babaw nito 'kuno' The HELL? kapag naalala ko ulit iyong sinabi niya...nag-iinit tuloy iyong ulo ko!! Ito lang din ang nagpapatakas sa akin sa realidad, na hindi na kailangan isipin pa ang iba, ang tingin at pananaw ng iba sa iyo. Dito rin ako masaya at kahit papaaano, maging totoo sa sarili..

"Wooaahh! Yes na iyan!!" napalingon bigla ako sa mga taong nagtitipon doon sa isang waiting shed na nalilibutan ng mga makukulay at magagandang bulaklak at isama mo pa ang napakagandang view ng lake lalo na't mayroon itong naglalakihan at sobrang cute na mga swan boat na sinasakyan karamihan ay mga couple at sobrang linis pa, nagmumukhang crystal na kumikislap dahil sa sinag ng araw. Kaya hindi makakaila na napaka romantic tingnan at perfect place na ito para magpropose nga ng kasal. Buti pa sila...simple yet true dahil tunay ang pagmamahalan nila, natural kaya napakaromantic. Di gaya ng sa'kin na elegante nga at mangarbo pa pero napipilitan naman.

Naisipan kong kuhanan sila ng picture, ngayon ko lang din ito gagawin dahil karamihan...sa loob lang ng mansyon namin ako kumukuha ng picture at minsan lang pag sa labas. Actually, tumakas lang ako ngayon kaya paniguradong hinahanap na ako ng mga bodyguards ko. Isa pa iyon, ang kukulit kung pinayagan ako edi sana hindi sila nagdudusang hanapin ako. Buti nga wala siya rito kaya may lakas loob akong gawin 'to.

Nagfocus na ako sa kanila, dapat maganda ang pagkakuha at magandang anggulo para perfect na perfect. Mukhang kissing scene pa iyong makukuhanan ko sa kanila...oh well, para mas romantic tingnan. Nang nakahanap na ako ng magandang view at anggulo ko sa kanila at perfect timing na para kuhanan sila dahil tumayo na ang lalaki at plano sanang lumapit sa babae...*CLIIIICK-* What the?
Peste! Bakit black iyong nakuhanan ko? Shit sino ba 'tong punsyopilatong epal at hinarangan pa itong kinuhanan ko?!!! Iyong likod na lang iyong nakikita ko sa DLSR camera ko. Aarghhh!! Ang sarap niyang patayin at ilunod doon sa may lake- ay di pwede baka madumihan pa iyon!!

Pinabayaan ko nalang siya at humanap nalang ng mas magandang anggulo para makuhanan ko iyon ulit iyong wala itong epal. Pumunta naman ako sa bandang kaliwa dahil makikita ko ulit sila. Scene ay iyakan with matching yakapan. Hmm...okay na iyan. *CLIIIICK-* Aba't loko talaga ito ah!!! Hinarangan niya ulit?!! At ang masaklap...nagpose pa ang loko sabay harap sakin kaya nakuhanan ko din siya ng picture kasali na ang mukha nitong epal din. Nakakainis pa itong ekspresyon niya dahil ipinahihiwatig niyang bakit ko raw siya kinuhanan? The heck? pesteng epal na 'to at feelingero pa. For his information, he's just ruin the perfect and romantic scene na ito. Inis kong ibinaba 'tong camera at hinarap ang lalaki with his close-arm-on-his-chest pose. Ako naman taas-kilay-with-killer-eye look na hinarap ito.

"What do you think you're doing huh? Epal na nga papansin pa Engot ka! kala mo naman kegwapo ka kong makapose diyan! Just to inform you whoever epal-papansin-engot you are, you're already blocking and ruining the view!! If you want just stand there and doing something weird pose! Go somewhere else where you think you belong. Sa prisuhan pwede ka na doon! Damn it!" tuloy-tuloy at at hindi ko na naiisip pa kung ano iyong pinagsasabi ko, i didn't even compose myself!! At the worst thing, sa hinaba-haba ng sinabi ko taas-kilay-with-matching-pointing-his-goddamn-self lang iyong reaksyon niya?! Whoelse does he think am I referring to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Was CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon