I

20 3 2
                                    

No no no no
No place I'd rather be

"Hey Ja, you doin' something later?" Billy asked, she's one of my friends. I just shrugged. Alam ko namang aayain nya lang ako magclubbing mamaya.

"Magpahinga ka naman sa pagbabasa, Ja.." isinara nya ang librong binabasa ko kanina pa. Sinamaan ko sya ng tingin para naman malaman nya na ayoko talagang sumama sakanya mamaya.

"My goodness, once a month ka lang magclubbing and I think you should enjoy your life while you're young.." Ito nanaman po tayo sa mga madadramang quotations ni Billy. Like seriously, andami nyang sasabihin para lang pumayag ako.

"Oo na, dami mong sabi." Inilagay ko na sa bag ko ang librong binabasa ko pati na rin ang phone at earphone ko't tumayo na. Umakbay naman sakin si Billy habang tumatawa.

"Tignan mo, papayag ka rin pala! Hinihintay mo pa talaga akong magsabi ng madami!" Ngayon palang andami nya ng sinasabi.

"Oo na, oo na! Just shut your freaking mouth, okay?" Naiiritang suway ko sakanya. Kahit kailan napakaingay!

While Billy is busy blabbering about our clubbing later, some guy bumped my shoulders and laugh like he didn't bumped into someone. Nang tumingin ako sa lalaking bumangga sa balikat ko ay hindi ko naiwasang umirap. The guy who bumped my shoulder was no other than, Drake.

School jock, a famous athlete and my ex boyfriend.

"Hey Heath, you free tonight?" Nakangising tanong niya saakin. Napairap ako, it's been a week simula nang kinulit nya ko and everytime na makikita ko sya, he would try to ask me out.

"Yeah, I'm busy so fuck off.." narinig kong napa-'oh' yung mga lalaking kasama nya kaya naman tinabig nya ito.

Nang makalayo kami ni Billy kay Drake at sa mga kaibigan nya'y nilapit nya ang mukha ko sa mukha nya.

"And since when did you learn to not be an easy to get?" Inilayo ko ang mukha ko sakanya. Damn this girl, is she gay?

"Kanina lang," sagot ko at lumakad na papalayo.

Weird people doing weird stuff *cringes*


"Ma, I'll just go to the store to buy some milk and cookies!" Paalam ko kay mommy habang nagsusuot ng sapatos. Buti nalang at umuwi ako kaagad! Nalimutan kong magbabake nga pala ako ng cookies and cream cake ngayon! Damn timing!

"Okay honey! Be safe, okay?" Sigaw ni mommy mula sa kusina. She's busy baking some cake. Hindi ko nga alam bakit hindi nagpatayo si mommy ng bakery eh, kaya itong kuya ko, di magkandaugaga sa pagdedelivery.

Nang makarating ako sa grocery ay nagtungo ako sa milk section. As usual, nasa itaas nanaman ng shelf yung gatas na ginagamit ko pang bake.

Napalinga-linga ako sa paligid ko at nang makakita ako ng isang crew ng grocery store ay nagpatulong ako na kuhain yung gatas na hindi ko maabot. Nang maiabot nya ito saakin ay nagpasalamat lamang ako't nagtungo na sa cookies section.

"Hmmm.. I think I need.." tinignan ko ang listahan na bibilhin ko. "Oreos.." hinanap ko ang oreo sa cookies section at buti nalang nasa middle shelf lang sya, hindi na ko mahihirapang magabot! Thank goodness!

Pagkakuha ko ng ilang packs ng oreos ay nagtungo ako sa cereal section. Nalimutan kong ubos na pala yung cereal ko kaya I need to buy ulit!

Kumuha ako ng isang box ng cereal at nagtungo na sa cashier.

Habang naglalakad bitbit ang mga pinamili ko ay kinuha ko ang earphone ko't nakinig sa mga kantang nasa music playlist ko. Nang makauwi naman ako ay agad kong hinubad ang suot kong coat at pinalitan ito ng apron, naghugas ng kamay at sinimulan nang magbake.

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon