MADIA JESSELLE JAVIER
Dahan dahan akong umakyat sa hagdan dahil nahihiya ako sa sarili ko, basa kasi ang damit ko at tumutulo yung tubig sa lapag. Nakakahiya talaga para akong ignorante. Nang marating ko ang second floor napakamot ako sa aking ulo dahil ang daming pintuan dito at hindi ko alam kung aling pintuan ang papasukan ko. Nakalimutan kong itanong doon sa babae kung saan banda dito sa second floor. Saan kaya dito yung banyo?
Sinuri ko ang paligid at mukhang walang tao rito dahil wala naman akong marining na kahit anong ingay. Mayroong pitong pintuan dito at hindi ko alam kung saan ako papasok, bakit ba kasi ganito kadami yung pintuan dito? Naagaw ng pansin ko yung isang pintuan na napapagitnaan, siguro ito na yung banyo kasi naalala ko nung bata ako sabi sakin ni papa madalas na nilalagay ng pintuan ng banyo sa gitnang parte kaya sa palagay ko ay ito na at siguro tama naman si papa kasi isang siyang construction worker.
Tinungo ko ang pintuan na yun at dahan dahang pinihit ang sendura ng pintuan. Sinilip ko kung may tao sa loob pero mukhang wala naman kaya pumasok sa loob. Tumambad sakin ang malinis na kwarto at isang malaking kama sa gitna. Napaka-ganda naman dito, napakalinis ng bawat sulok at talagang all white ang desenyo. Inaliw ko ang sarili ko sa pag-iikot ss kwarto hanggang sa mapagtanto kong nasa tapat na ako ng isang banyo, sa wakas makakaligo rin ako.
Pumasok ako sa loob at isa isang tinanggal ang balot sa katawan ko. Dahan dahan kong pinihit ang gripo, hindi ata ito gripo mukha siyang heater o shower, basta!
"Woah! Ang sarap sa pakiramdam" wika ko dahil dumampi sa balat ko ang maligamgam na tubig mula sa shower. Ang sarap sa pakiramdam dahil kanina ginaw na ginaw ako. Sinabon ko ang aking katawan at nilinis iyon. Naguguluhan pa ako dahil ang daming mga bote dito, hindi ko alam kung alin dito ang sabon at shampoo. Basta ang alam ko ay itong kulay blue na bote ang ginamit ko. Patuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa matapos ako.
Doon ko napagtantong wala pala akong extrang damit kaya namomoblema ako kung anong susuotin ko palabas, hindi naman pwedeng lumabas ako ng nakabuhad. Ano ako sira ang ulo? Luminga linga ako sa loob ng banyo nagbabasakaling may tuwalya pero naagaw ng pansin ko iyong bath robe, halos lumundag ako sa tuwa at dali daling kinuha iyon, agad ko naman itong ibinalot sa aking katawan. Kanina habang nasa kalagitnaan ako ng pagligo para may kung anong kalabog akong narinig kanina pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil nasanay na ako sa pinagtratrabahuhan ko sa fast food chain.
Masaya akong lumabas ng banyo at nagtuloy tuloy sa nagsisilbing sala nitong kwarto. Inaayos ko ang aking buhok dahil nagkapulopot ito, teka anong oras na ba? Umangat ang tingin ko dahil sana tignan kung anong oras na pero nanlaki ang pareho kong mga mata ng tumama ito sa dalawang mata ng isang lalaking walang suot pang-itaas at balot lang ng tuwalya.
"OMAYGHAD!" sigaw ko at dali daling tinakpan ang katawan ko kahit alam ko namang may saplot ko. Nang masuri ko ang mukhs niya mas lalong nanlaki ang dalawa kong mga mata, dahil siya yung lalaki sa fast food chain na talagang kinaiinisan ko dahil sa paghampas niya sakin ng pera.
"What the fuck!? Who are you? Siguro magnanakaw ka no?!" Sunod sunod na sabi nito at dinuro duro pa ako. "Teka, naalala kita" naasar na sabi nito.
Tinabig ko naman ang kamay niya. "Wag mo akong maduro duro dyan, at talagang kilalang kilala dahil ikaw yung lalaking walang modo na pinaliguan ako ng pera walang hiya ka!" Sisikmuraan ko sana siya kaso nabitin iyon sa ere dahil biglang bumukas ang pintuan at niluwa doon ang isang matandang babae na mukhang taga-pagsilbi din dito.
"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong nito. Kitang kita naman ang gulat nito nang mahagip ako ng paningin niya.
"Bakit may babae dito? Paalisin niyo nga yan!" Asik nung lalaki at sinamaan ako ng tingin. Wag niya akong samaan ng tingin dyan dahil baka hindi ko siya matansya.
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Romance〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...