13

938 31 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin sila nagkasundo ni Zion kahit siya na ang kusang lumapit sa binata pero tinataboy lang siya nito kaya namroblema na siya kung paano sisimulan ang kanilang experiment.

Kung bakit ba kasi si Zion pa ang naging partner niya?!
Sa inis niya sinabunutan na lang niya ang sarili.


"Tsk, what happened to you, Av?!"

Hindi niya napansing dumating pala si Lance at naabutan siya sa ganoong tagpo.
Hindi nita ito sinagot dahil sa sobrang frustrate niya.
Ayaw niya kasing makakuha ng maliit ng grades ng dahil lang sa overracting na si Zion. Kung makaayaw sa akin parang may nakakahawang sakit ako. Hmp!



"Av, were friends. You can tell me anything."



Umupo si Lance sa harap niya. Seryoso lang itong nagmasid sa kanya.


"Kasi naman eh, yung partner ko sa experiment dun sa subject ni sir Gaius, hindi nagcooperate. Ayokong makakuha ng mababang grades. Ayokong biguin si Lola.".


"Ah kaya pala nagdrama ka diyan. Sino ba yun at kakausapin ko."


Seryoso pa ring saad ni Lance sa kanya. Na touch naman siya sa pagmalasakit nito sa kanya pero kahit sabihin man niya dito sigurado siyang wala itong magagawa at ayaw niyang madamay si Lance dito.
She treasured Lance dahil ito lang ang maituturing niyang kaibigan sa Academy.


Hindi niya ito sinagot.


"Fine, kung ayaw mo sabihin sa kin. Ok lang. Basta if you need something or any help just inform me, ok?"


Nakaka encourage ang ngiting binigay ni Lance sa kanya. Nakakahawa at nakakagaan ng nararamdaman.


Nag ring ang bell hudyat na tapos na ang lunchbreak kaya nagmamadali niyang inayos ang gamit para makabalik ng room nila.
As usual hinatid naman siya ni Lance classroom nila. At as usual din pinapatay na naman siya ng mga kaklase sa tingin ng mga ito.
Nandun na rin ang grupo ni Zion.
At pag minalas nga naman, nag excuse na naman siya sa mga ito para dumaan upang makarating sa kinauupuan niya.
At ang masungit na Alpha hayun na naman ang masasamang titig sa kanya na di na nagbago mula ng dumating siya ng Academy.

Maaga namang dumating ang professor nila pero pinag sulat lang sila ng mga notes at nagkaroon ng short quiz. Buti na lang at nag aral siya kagabi kaya madali lang sa kanya.



Ganun din ang huling dalawang subjects nila. Notes at saka quiz din ang pinagawa sa kanila.


Pagkatapos ng kanilang klase nagtungo siya sa library upang e research kung saan matatagpuan ang halamang henbane.
Mangilan-ngilan lang ang mga estudyante na nandoroon kaya mas tahimik ang library di tulad nung mga nagdaang araw.


Limang libro na tungkol sa mga sinauna at exotic na halaman ang kinuha niya. Buti nalang napaka organize ng library dito. Madali lang hanapin ang iba't-ibang uri ng libro.



Isa rin sa pinakapaborito kong lugar ang library. Gustong-gusto ko ang amoy ng mga lumang libro.
Para kasi sa akin nakakarelax samyuhin ang amoy nila.


Apat na sa limang libro ang natapos ko pero wala itong binanggit tungkol sa halamang henbane.
Isa na lang ang natira. 
Sana naman nandito na ang hinahanap ko.


Pagbuklat ko hinanap ko agad sa table of contents nito ang halamang yun.

Hanggang sa yun na nga nahanap ko na!!!


Dahil sa tuwa di ko alam na napalakas pala ang tinig ko. Kaya sinita ako ng librarian. Medyo nakakahiya kasi pinagtitinginan ako ng ilang estudyante dito.

Ilang segundo akong napahiya pero kaagad kung binalingan ang pahina kung saan nakalathala ang estorya ng halamang ito.
Binasa kong maigi ang nakasulat saka ako napaisip.

Kung ganun makikita pala ang halamang iyon sa kagubatan ng Cerberu. Na matatagpuan sa timog na bahagi ng Cenred Kingdom. Yun nga lang kahit nasa loob pa ito ng kaharian, pinupugaran naman daw iyon ng mga pexi.

Teka, ano ba yung pexi?










"Lance ano ba yung pexi?"

Nabigla naman ito sa ininum na juice in can. Nasa dating lugar kami kumakain ng lunch dito sa likod ng school. Na curious kasi ako at siya lang naman ang pwede kong matanungan dito sa Academy eh.

" Saan mo ba nalaman ang tungkol sa mga iyon?!"

Mukhang di nito inasahan ang tanong ko.


"Wa-wala naman narinig ko lang sa iba kung kaklase."

Hindi ko kasi pwedeng sabihin yun sa kanya dàhil baka maudlot ang plano ko.

"Ah ok, kala ko kung ano na, well to satisfy your curiousity, sila ang mga maliliit na nilalang  na may pakpak na  nanirahan sa  kagubatan ng Cerberu. Some called them fairies, the guardian of the forest but they are not what you think they are . They might look harmless but don't be fooled by their look coz they are deceptive and dangerous. Wala silang sinasanto maging ano ka man. They are very teritorial. Bakit mo nga pala natanong?"


Seryoso nitong sagot habang pinag aralan ang maging reaksyon ko.
Pero syempre ha natakot naman ako pero di pa rin magbabago ang pasya kong mag isang kukuha ng halamang Henbane. Kung maasahan ko lang sana si Zion, ok na sana ang lahat pero hindi eh.
Pag minalas nga naman sa partner kung iba lang sana ang naging partner ko eh di sana di ako namroblema ng ganito ngayon. Hayy.


"Wa-wala naman na-nabasa ko lang, halika na balik na tayo sa klase natin".
Tinalikuran ko na siya at nauna na akong lumakad. Sana lang di na maghinala.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon