Chapter 31 - [Flashback]

496 22 2
                                    

Kulang ang kahit anong salita para ipaliwanag at ilarawan kung gaano kalaki't kagull ang mga pagbabago na naganap Hacienda makaraan lamang ang selebrasyon ng Christmas at New year.

Gaya nga nang sabi at paniniwala ng ilan, sa likod daw ng sobrang ligaya at saya ay may kapalit na kalungkutan. Pero kahit ata salita sa diksyonaryo ay hindi sasapat para ipaliwanag ang lahat ng mga naganap sa buhay ng bawat isa. Siguro ay maihahalintulad iyon sa isang bombang sumabog dahil sa sunod-sunod na madadramang kaganapan at tago na talaga namang bumago sa takbo ng pamumuhay ng lahat sa Hacienda, at mas lalo pa para sa Pamilya Hendelson.

Una ay nang dumating si Clara, na inakala nila ni Marie, na best friend o kalandian ni Vince. Pero nalaman ni Ella mula kay Jace na nag-iisang bunsong babaeng kapatid pala nila iyon. Hindi lang daw makikitaan ito ng larawan sa Hacienda dahil buong buhay nito ay sa London ito nakatira at nag-aaral, kung bibisita man sa Pilipinas ay doon ito sa Mansyon sa Quezon, City tumutuloy. Isa pang dahilan ay dahil ayaw daw ni Clara na gamitin o makilala bilang Hendelson hanggat maaari, bagkus ay nais nito na gumawa ng sariling pangalan lalo na sa propesyon na papasukin nito. At hindi lang basta aasa sa pangalan at kayamanan ng Pamilya.

Ang mali ni Ella ay itanago niya iyon sa best friend niyang si Marie dahil naisip niyang baka ito ang nag-iisang paraan para malaman ni Marie kung gaano nito talaga kamahal si Vince. Obvious na kasi sa kilos ng kaniyang best friend na nagseselos ito ng sobra simula ng dumating si Clara, kaya naman kinuntsaba niya ang lahat gaya nina Jace, Trace, Daniel, Stefan, at ilan pang mga tao sa Hacienda na wag sasabihin kay Marie ang totoong relasyon ni Clara kay Vince. Syempre pa ay nag-imbento rin siya ng kung ano-anong dahilan para hindi naman din mabuko ng iba si Marie tungkol sa nararamdaman nito kay Vince. Ang pinalabas niya lang ay kunwaring gusto niya pagtripan ang kaibigan.

Kaya lang ay nangyari ang masakit at nakapanlulumong balita na hindi nila kailanman inaasahan ng best friend na si Marie. Tumawag ang Nanay nito at ibinalita na sinugod daw sa ospital ang Tatay nito na may kapansanan. Ayon sa balita ay malubha raw ang lagay nito kaya nagpasya si Marie na umalis sa Hacienda bago pa man nga malaman ang totoong relasyon nina Clara at Vince. Sinubukan pa niyang kausapin tungkol doon ang dalaga ngunit sa tuwing mababanggit niya ang pangalan ni Vince ay binabago na agad nito ang topic.

Pangalawang malungkot na balita ay ilang araw pa lang buhat ng makauwi si Marie sa kanilang probinsya, ay siyang pagpanaw naman ng Tatay nito. Isang balita na talaga namang gumimbal sa kanila ni Manang Elsa, lalo na sa kaniya dahil pangawalang Tatay na rin halos kung ituring niya ito. Gusto man niya sana samahan ang kaniyang best friend ay hindi niya magawa bumalik agad sa probinsya. Hindi na rin pati ipinaburol ni Marie ng matagal ang Tatay nito dahil wala naman daw ibang kamag-anak na hihintayin. Pagkaraan nga lang ng dalawang araw ay nagpasya ang pamilya nito na ihatid na sa huling hantungan ang Ama.

Ang ikatlong nakakagimbal na balita ay nang malaman nilang lahat na buhay pala si Elizabeth. Nalaman niya ang tungkol doon mula mismo kay Marie nang ikwento nito ang mga nangyari sa Hospital nang gabing magkombulsyon at pumanaw ang Tatay nito. Kinumpirma naman ni Daniel na totoo ang lahat ng sinasabi ng kaniyang kaibigan. Syempre pa ay naging malaking usap-usapan sa buong Hacienda ang tungkol sa balita na iyon dahil lahat ay nagtataka kung paano at kung bakit nangyari na nagawang magpanggap na patay ni Elizabeth sa mahabang panahon. At kung sa anong dahilan at mas pinili nitong magtago imbes na aminin ang totoo.

Ikaapat ang biglaang pagdedesisyon ni Vince na ituloy ang pagpapaopera ng mata nito sa ibang bansa. Bagamat matagal na nakaplano iyon ayon sa kwento ni Daniel, ay ngayon buo na ang loob ng lalake nang malaman nito ang tungkol kay Elizabeth. Dali-dali itong nagdesisyon na pumunta sa ibang bansa para isagawa ang operasyon para muling makakita.

Nang malaman ni Ella ang tungkol sa ginawang desisyon na iyon ni Vince ay sumama ang loob niya kasabay ng awa naman para sa best friend na si Marie. Ibig sabihin lang kasi ay mahal pa rin ni Vince si Elizabeth kahit pa nga nagawang magsinungaling ng babae, at ang ibig lang din sabihin ay walang puwang sa puso nito ang kaniyang kaibigan. Ginamit lang nito si Marie bilang rebound at pinaasa sa isang pagmamahal na wala naman palang katotohanan.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon