Pasado alas-dos na ng madaling araw ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ella. Dapat sana ay doon niya balak matulog sa dating kwarto na inookupa kung saan kasama niya ang kaniyang Ninang Elsa, kaya lang ay ang pamilya na pala nito ang siyang gumagamit niyon buhat ng lumipat na ang mga ito sa Hacienda. Medyo naninibago kasi siya sa malambot na kamang hinihigaan pati sa mismong guest room na kinaroroonan ngayong gabi.
Sino nga ba naman ang mag-aakala na dati rati ay nililinis lang niya ang guest room na ito para sa mga bisita sa Hacienda, ngayon ay siya na mismo ang bisita na gumagamit ng silid. Habang ang best friend niyang dati'y namamasukan rin bilang kasambahay ay siya na ngayong asawa ng bunsong anak na lalaki ng pamilya na noon ay pinaglilingkuran lang nila.
Iba nga talaga magbiro ang tadhana. Kapag ikaw ang nakita't napusuan na pagtripan, wala ka nang magagwa kundi ang sumunod na lang talaga sa agos at siguraduhin na makakasabay ka sa bawat hamon nito. At least, iyon ang leksyon na natutunan niya base sa pinagdaanan ng kaniyang kaibigan.
Habang nasa kalagitnaan si Ella ng pagmumuni-muni ay biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. "Sino naman kaya to?" Tanong niya sa sarili habang wala kagana-ganang bumangon sa kama. "Dis-oras na ng gabi pero nambubulabog pa." Wala siyang kahit na katiting na ideya sa kung sinong kakatok sa kaniya ng ganitong kalaliman ng gabi.
Pagbukas ni Ella ng pinto ay ang amoy alak na si Trace ang siyang bumungad sa kaniya. Sa itsura pa lang nito na bukas ang lahat ng butones ng suot na polo, gulo-gulo ang kaninang maayos na buhok, at sa paraan ng pagkilos ay halatang lasing na nga ito at marahil hindi alam ang ginagawa.
"Hindi dito ang kwarto mo, Trace." Masungit niyang sabi sa binata at muling isasara ang pinto.Pero hindi niya maisara iyon dahil iniharang ni Trace ang katawan nito.
"Itimpla mo kong kape." Utos nito sa kaniya habang nakasandal ang katawan sa hamba ng pinto.
"Ano ka, sinuswerte?" Taas-kilay niyang tugon. "Hindi mo na ako katulong dito, hoy!" Pigil ang boses niya dahil ayaw niyang maistorbo ang ibang natutulog sa mga katabing silid.
"Dali na, Ella. Itimpla mo ako ng kape. Gusto ko magkape, ang sakit ng ulo ko. Umiikot ang paningin ko." Angil ni Trace at mula pa sa pagkakasandal ay umupo na ito sa sahig.
"Ayaw ko nga! Matutulog na ako. Magtimpla ka ng kape mo, malaki ka na." Nakapamewang niyang pagtataray.
"Hindi ko na talaga kaya bumaba. Nahihilo na ako. Please, Ellary?"
"Maglalasing ka tapos hindi mo naman pala kaya alagaan ang sarili mo? Problema mo na yan, wag mo ako idamay." Sinubukan pa niyang itulak ang binata dahil nakaharang ito sa pinto pero hindi siya nagtagumpay dahil pilit na niyayapos nito ang kaniyang hita. "Ano ba, umalis ka nga dyan!"
"Gusto ko ng kape, yung timpla mo. Masarap ka magtimpla ng kape. Please, nami-miss ko na talaga yung lasa ng ginagawa mong kape para sa akin dati." Saad ni Trace na may tipid na ngiti sa labi.
Hindi alam ni Ella kung ano o bakit pero napansin niya tila may kakaiba sa ngiting iyon ng binata. It's not the kind of happy smile he used to make. Ang ngiti nitong ipinakikita ngayon ay mukhang malungkot o nangungulila kaysa sa masaya o nang-aasar. Pero bakit? Para saan? Dahil ba sa kaniya kaya malungkot ito?
Wag ka mag-assume, babae! Kakasabi niya lang kanina na may girlfriend na siya diba? Wala kang bilang sa mundo niya. Lasing lang yan kaya ganyan! Paalala ng kaniyang isipan bago na naman siya mahulog sa kung anong playboy charms ng lalaking ito.
But her heart says otherwise. Sige na, go na! Alagaan mo na si pogi. Kawawa naman siya. Lasing at mukhang hindi alam kung anong gagawin. Concern pa naman siya sa safety mo kanina. Hindi naman siguro masama kung maging concern ka lang din sa kaniya diba?
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...