Kasalukuyang inaaral ni Ella ang powerpoint na isinend sa kanila ni Stefan nang bigla siyang surpresahin ni Jace na may bitbit na bouquet ng Red Roses at isang malaking box ng Godiva chocolate.
"Teka, para saan ang mga ito? Anong meron?" Nakakunot-noong tanong niya ng lingunin ang binata.
"Peace offering." He said with a hesitant and apologetic smile plastered on his handsome face.
"Peace offering? Bakit, magkaaway ba tayo?"
"I am hoping not. But just in case na galit ka o naiinis ka dahil hindi kita naihatid last time, you know, 'coz I was drunk." Nahihiyang napaiwas ito ng tingin at napapakamot sa ulo dahil sa nagawa.
"Ah, iyon ba? Wala yon! Ang babaw na rason naman para magalit ako." She said with a sweet smile para iparamdam sa binata na hindi big deal sa kaniya ang nangyari. "And thanks dito, Jace. Hindi mo naman kailangan na mag-sorry sa akin pero nag-abala ka pa talaga."
"Anything for you." Sabay kindat sa kaniya. "How about I treat you to dinner tonight? Deal?"
Saglit siyang napaisip, ayaw sana niya dahil mas gusto niyang umuwi na lamamg ng maaga at matulog. Pero dahil nababasa niya sa mukha ni Jace na kukulitin lang siya nito kapag hindi siya pumayag, sige sasama na lang siya. "Sounds like a good deal to me. Sige, after work, 6:00 P.M ang labas ko, makakapaghintay ka ba?"
"Sure, no problem. I'll work till six then."
"Okay, sige. Salamat ulit dito ha."
"Don't mention it. I'll see you later, alright?" At nagpaalam na ulit si Jace para bumalik sa trabaho nito.
Noong una ay alam ni Ella na patago siyang pinag-uusapan ng mga kapwa niya secretary. Pero sa lumipas na ilang buwan ay unti-unti niyang nakasundo ang mga ito at alam niya na ang tingin at ngiti na ipinupukol ng mga ito sa kaniya ngayon ay senyales ng panunukso.
"Uulitin ko mga ateng, friends lang kami ni Sir Jace, iyon lang at wala ng iba. Hanggang doon lang. Huwag niyo na ako tignan ng ganyan ha." Malakas niyang sabi para klaruhin ang kung anong naglalaro sa isip ng mga ito.
"Bakit kasi ayaw mo pa magpaligaw kay Sir Jace?" Tanong ni Leila na isa sa mga kilala niyang tagahanga ng kambal na sina Jace at Trace. "Kung ako yan, wala pang isang segundo baka kahit walang ligaw, kasal na agad. I do na agad."
"Oo nga. Hindi ka man lang ba kinikilig kahit kaunti? Kahit 1% lang?" Sabat naman ni Marjorie.
"Hindi. Wala. As in walang-wala kahit .01% pa yan. Kaibigan ko lang talaga sila dati pa at hindi na yon lalampas doon."
"Sana ako na lang ikaw, gusto ko din maging close ng personal sa mga boss natin. Parang ang sarap nila asawahin, kahit sino sa kanila pwede na. Walang tapon eh. Lahat pang pamilya." Pahayag naman ni Marielle na halatang nagdi-daydream pa na maging jowa kahit isa sa magkakapatid.
"Wala ka ng chance, Mare. Lahat sila may mga asawa at girlfriend na. Maghanap na lang tayo ng iba." Pambabara niya sa pangangarap nito ng gising. Bagay na ikinatawa nilang lahat.
Naputol lang ang kanilang biruan ng lumabas mula sa private office si Stefan at tawagin ang kaniyang pangalan at makisuyo ito na nang isang pabor. "Ella, would you mind bringing this documents to Trace?"
"Sure, Sir. Wala pa naman po ako masyadong ginagawa." Tumayo siya at kinuha ang brown envelope na inaabot ni Stefan. Lalakad na sana siya patungo sa elevator kaya lang ay narinig niya ang sinabi ng binatang boss.
"Oh, sorry, I forgot to mention. He's actually not in the office. Dalawang araw na siya may sakit." Imporma ni Stefan tungkol sa kalagayan ng kapatid nito. "Can you drop by at his condo? Malapit lang naman iyon dito. Urgent documents kasi yan that needs his signature, after that, once mapirmahan na niya, pwede bang idiretso mo na rin iyan sa office ni kuya Chris for his final signature?"
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...