01

1 0 0
                                    

Way back 1st year college when I was transferred here at Bulacan, I was being bullied in my former school that's why my family decided na itransfer ako from a school sa city to school in a province. I really thought that my life would be different but turns out same shits pa din pala.

First day of school, same set up, round eyeglasses, long skirt, full bangs and a medium length of hair. Hindi rin pala uso yung ganitong porma sa probinsya. Kaya ang ending nabully na naman ako. Isang linggo, straight na puro pangbubully lang nangyayari, binabato ng nilagang itlog, tinatapunan ng pagkain, ginagawang taga-bitbit ng bag, pangalanan niyo na lahat nang pwedeng gawin sa pambubully baka naranasan ko lahat yan hahahaha. Pero sa lahat ng binabato nilang salita isa lang ang tumatak sa isip ko.

"Bakit hindi ka na lang magpakamatay? Hindi ka ba naaawa sa magulang mo kakatransfer sayo?"

After 1 week, katulad lang ng ibang nabubully, napagod na akong tanggapin lang lahat, parang nawalanan na ako ng pagasa na aayos pa yung pakikitungo nila sakin, ready na ako eh, tatalon na lang sana ako sa rooftop ng school namin. Pero may kaisa-isang lalake na nakapagpahinto sa dapat kong gawin. Sounds cliche but yeah.

"Tatalon ka diyan? Hindi ka naman mamamatay diyan eh, mababalian ka lang ng buto magpapaospital ka lang, gagastos lang pamilya mo tapos ikaw mahihiya ka na lang kasi ang failed ng attempt mo magpakamatay. Halika dadalhin kita sa mas mataas na lugar dun ka tumalon."

His name is Greg, an architect student obviously from the same university. Ang awkward lang na sa ganong pangyayari kami nagkakilala. Hindi ko alam kung tanga ba ako o determinado na talaga akong mamatay eh hahaha.

"Please dalhin mo na lang ako don and kindly leave me there, alone."

Greg brought me sa isang mataas na lugar. "Ang ganda." yan na lang yung salitang lumabas sa bibig ko. Sunset, medyo maulap, makulay na langit, malamig na simoy ng hangin, mga ibon na nagliliparan pati na rin yung view ng puno galing sa bayan.

"Oh akala ko ba magpapakamatay ka bat nakatanga ka lang diyan?Talon na. Yan naman plano mong gawin diba?"

"Nasaan tayo? Bakit ang ganda dito?"

"Ewan ko napadpad lang ako dito nung gusto ko magyosi tapos nagtatago ako kasi manghihingi mga aports ko, mga walang pambili amputangina"

Yung plano kong magpakamatay parang bigla na lang nawala. Bigla kong naisip yung pamilya ko habang nakatingin sa papalubog na araw. Kaya ko bang iwan yung pamilya ko dahil lang sa mga nambubully sakin? Yung nga pinsan ko na ka-close ko? Sino ng gagawa ng mga homework nila sa english at science? Paano yung mga kaibigan ko sa maynila na pinangakuan kong babalikan ko after kong maayos yung problema ko? Naputol lahat ng iniisip ko when Greg started to talk.

"Alam mo walang magagawa yang pagiiyak mo diyan. Ikaw yung bago nilang binubully no? I'm Greg btw, 2nd year archi stud"

"Anong gagawin ko? Napapagod na ako, simula elementary binubully na ako dahil sa itsura ko, sa pananamit ko, pati na rin sa pagkilos ko. Napapagod na ako na subukang abutin yung standard nila na hindi ko naman kayang pantayan. Pagod na pagod na ako. Kung hindi lang para sa pamilya ko, bakit pa ako nandito?"

For the first time in my life, nasabi ko lahat ng gusto ko sabihin, lahat ng pagod na nararamdaman ko, nasabi ko na. Pero ang sakit sakit pa din sa pakiramdam na wala akong magawa para sa sarili ko, para lang tigilan na nila ako.

"Alam mo ate, kaya ka nabubully kasi hinahayaan mo sila, ni hindi ka pumapalag. Tangina pagbuhatin ka ng sampung bag okay lang sayo? Tanga ka din eh. Tsaka tumingin ka nga sakin, di ka naman mamamatay pag tumingin ka sa mata ng kinakausap mo. Tsaka eto payong pogi lang ha, bakit ka susuko eh for sure naman na madaming magmamahal sayo, tingin ka nga dito." he pause for a while then tumingin na lang ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Term Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon