NINETEEN: THEIR CHEMISTRY

46 5 0
                                    

Chill and Enjoy Reading!

__________
 



Isang beses lang ako nagkagusto sa lalaki, at iyon at purong hanga lang talaga. Lately, I realized that I only want that guy as a friend or a brother. Not a boyfriend, like Paris.


In my college years in West Valley, I've encountered many suitors too. They badly want to be my boyfriend, but I rejected them in an instant because I am not meant for love thingy. This is my first having a contact or connection towards a guy. The feelings I have is really strange, and I don't want to acknowledge whatever it is.


I was scrolling down to my social media accounts on my cellphone, when I received a message from Trina.



Trina:

I might visit your University this week. 



Hindi naman imposible na makabisita siya rito sa Unibersidad. Since magiging open ang University sa lahat ng bisita. Kaya pwedeng taga ibang University or Kakilala ang pwedeng pumunta para sa intrams. 



Me:

Sure. You also need to cheer me, I'll be joining the archery match. 



Aside from booths of every courses. There will be also a sportsfest, that is open for all the College Students and theater performance, that will be performed by only chosen courses. 


Good thing they didn't choose our course. 


Ano kaya ang sasalihan ni Paris sa sportsfest? Basketball? Football? Soccer? 


I haven't seen him play but I think he's the type of person that is good at everything. 


Tapos na ang final meeting namin para sa booth kaninang umaga. Tinatarayan pa rin ako ng mga freshmen at ni Jenica. Pasalamat sila at wala si Paris kanina. 


Speaking of him. Wala pa rin akong natatanggap na message galing sa kanya simula kaninang umaga. Siguro tulog pa.


"Mababaliw ako sa booth namin!" naiinis na wika ni Ellen. 


Magkakasama kaming apat dito sa Cafe de exodus. Ako, si Jesse, Ellen at Aira.


"Sa amin din grabe! Paglulutuin ba naman ako ng adobo? Marunong ba ako?" nanlalaking mata na wika ni Jesse.


Tumawa ako sa mga reaksyon nila. Hindi naman medyo nakakapagod ang booth namin, na-stressed lang ako kahapon. 


"Tapos na ba kayo sa mga meeting niyo?" tanong ko sa kanila. 


"Hindi pa, pero bahala sila dyan!" sagot ni Aira.


"Pumunta ka!" tawa ko sa kanya.


"Hindi pa tapos pero hindi naman na ako kailangan," sagot din ni Ellen at nagkibit balikat. 


"Ako rin. Buti pa ang Chemistry Students chill chill na lang," parinig naman ni Jesse.


Nagtaas ako ng kilay, "Hindi rin 'no. Natutusta na 'yung mga seniors, sophomores at freshmen dun sa booth namin ngayon," pagtanggol ko.


"Tingnan mo 'to, buti nga nag-aassemble na kayo eh," ani Aira.


Ngumisi ako sa kanya, "Atleast may ginagawa pa rin." 


"Heh! Sana nag Bs Chemistry na lang ako," aniya at naghalukipkip.


A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon