Review Moments (Part 3)

14 0 0
                                    

Did you know that God has a plan for you?

Alam niyo ba during my review days....muntik na akong di makapagtake ng board exam.

I think 9 or 8 days before the examination day...nagkasakit ako.

Umiyak ako sa Lord. Bakit kung kelan ilang araw na lang tsaka pa ako nagkasakit. Iyak ako ng iyak sa Kaniya. Inisip ko...Lord paano naman yung mga inaral ko? paano yung mga binayad ng pamilya ko? Mapupunta sa wala.

Dito mo talaga makikita na sa isang iglap or pangyayari gumuho na naman yung tiwala mo sa Diyos. Ganiyan tayong mga nanampalataya sa Diyos yung mga mabababaw pa sa Kaniya.

Sobra akong nahihiya sa Lord. Sabi ko pumasa o bumagsak I will praise Him pero yung maisip mong hindi ka makakapag-exam para sayo ibang usapan na yun. Pero kapatid ganun din yun para sa Diyos.

Sana kapatid makita mo yung pagkakamali ko. Hindi ako perpektong manlilingkod ng Diyos. Pero I thank God na even I disappointed Him...He never failed me. He never give up on me. At alam ko sa'yo rin kapatid.

Minsan kasi masyado tayo naco-consume ng mga situation natin that we forgot that HE IS OUR GOD. Pinangungunahan tayo ng emotions, problems, situations natin.

He is Sovereign

He is Powerful

He is our Healer

He is our Provider

Our God is Greater than your problems, your emotions

and

Our God is a loving Father

He healed me before my board exam. Yung akala mo na imposible, posible para sa Diyos.

Huwag kang magdoubt. Tiwala lang kahit sa tingin mo imposible. Hindi "lang" siya Diyos. Siya ay Diyos na buhay. Ang Diyos natin ay totoo. Magtiwala ka lamang sa Kaniya at sigurado ako kapatid na hindi ka bibiguin ng Diyos gaya ng ginawa niya sa akin.

He has a plan for me and I know God has a plan for you.

Kaya lahat na nangyari sakin ay pinagpapasalamat ko sa Diyos. Sa Kaniya lahat ng papuri't karangalan.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon