Chapter Six
Talon
Nang nakauwi na kami ay naghapunan na agad kami at nagkwentuhan.Nasabi ko na rin kay aleng Bella kung bakit ako napadpad at naligaw dito.Naikwento ko rin kung saang lugar ako nang galing.At habang kumakain kami ay nagtanong sa akin si Ella.
Ate Zein pwede ka ba sumama sa amin bukas?tanong ni Ella sa akin
Saan naman?tanong ko rin pabalik kay Ella
sa talon po.sabat naman ni Niko na mukhang excited
Ehh pwede sa susunod na lang.Tutulong pa kasi ako sa mama mo bukas.sabi ko
Ayy sayang naman,maganda pa naman dun.sabi naman ni Niko na nakapanglumbaba
Sige na hija samahan mo na lang sila bukas sa talon.Ayos lang naman ako.sabat ni aleng Bella sa aming usapan
Talaga po.paninigurado ko
Oo hija,siguradong magagandahan ko dun.sabi naman sa akin ni aleng Bella
Yehey sabay na sabi ng magkapatid
Pagkatapos naming kumain at nagkwentuhan ay nagpahinga na kami.Kapagod
●●●●●
K I N A B U K A S A N
Nagising ako sa ingay ng mga ibon kaya bumangon na ako at iniligpit ang kumot at banig.Paglabas ko sa kwarto ay hindi ko na nadatnan si aleng Bella paniguradong maaga naman yun nagtinda at may araw na rin kaya wala na siya rito. Nakita ko si Ella at Niko na naglalaro sa sala at nang mapansin nila ako ay pareho silang tumingin sa akin.
Magandang umaga po ate Zein.sabay na bati nila sa akin
Magandang umaga rin.pabalik kong bati sabay ngiti
Ate Zein kain muna po tayo bago pupunta sa talon.sabi ni Ella at pumanta sa lamesa at naghanda kaya lumapit na rin ako at tinulungan siya.
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan ko muna si Ella na maglilinis muna kami ng bahay bago pumunta sa talon para pagbalik namin hindi na kami maglilinis.Pagkatapos naming maglinis ay naghanda na sila Ella at Niko kaya naghanda na rin ako.
Nagdala rin kami ng kunting pagkain para naman hindi kami magutom doon dahil malayo layo raw dito sa bahay nila ang talon at pamalit na rin na damit dahil nga maliligo kami.Lumabas na kami at isinara ang bahay.Nasa unahan si Ella at nasa likod naman kami ni Niko.Halos mga kalahating oras na kaming naglalakad mukhang malayo nga talaga.Hanggang sa makarinig ako ng agos ng tubig.
Malapit na ba tayo Ella?tanong ko kay Ella
Opo,malapit na po tayo ate Zein.sagot naman sa akin ni Ella
Haystt..salamat naman.sabi ko sa isip ko
Nang marating na namin ang talon ay biglang nawala ang pagod ko dahil sa ganda nito.
Wow bulalas ko.
Ang ganda at ang linis ng tubig parang gusto ko na tuloy magdive.Kanina pa kasi ako nanglalagkit dahil sa pawis.Inilibot ko
ang aking tingin sa buong lugar.Maganda at tahimik mukhang makakapagrelax ako dito.**********
DHrinrin
BINABASA MO ANG
A Vampire's Slave
VampireSa pag alis niya sa bahay ampunan na kaniyang kinalakihan upang hanapin ang kanyang mga magulang ay mapupunta siya sa isang matagong bayan kung saan magkahalong tao't bampira ang nakatira. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? Mahahanap niya ba ang kan...