An anthology series is a radio, television, or film series that presents a different story and a different set of characters in each episode, season, segment or short.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Anthology Series #1: SAUDADE
---
JANUARY 2014
"One date lang naman, Faye!"
Padabog kong binaba ang chichirya na kinakain ko at hinarap ang napaka-kulit kong kaibigan.
"Ara, ilang beses ko bang sasabihin na hindi pa nga ako pwede makipagjowa?"
Dahil sa sinabi kong 'yon ay napasimangot siya pati na rin ang boyfriend niya na si Lucas.
"'Wag nga kayong gumanyan, mukha kayong bibe." Pang-aasar ko sa kanila.
Hindi naman totoong "hindi pa ako pwedeng magkajowa". Sa totoo niyan, kinukulit din ako ng mga magulang ko na gumaya kay Ara, huwag daw na lagi lang akong nasa kwarto, magisa.
E anong magagawa ko if I enjoy my own business? If I don't need anybody to make me feel happy? Books are enough.
Ayoko lang talaga muna na pumasok sa isang relasyon. Para kasi sa akin, ang pagpasok sa relasyon ay hindi dahil gusto mo lang yung tao na 'yon.
For me, gugustuhin mo lang na makipagrelasyon sa isang tao kung nararamdaman mong gusto mo rin siyang makasama habang buhay.
Ano ba naman kasing sense ng papasok ka sa isang relasyon, hindi kayo magkakaintindihan tapos maghihiwalay? After no'n, relasyon na naman tapos break na naman. Paulit ulit lang.
It doesn't make any sense.
Sabihin niyo nang corny ako or what, wapakels ako. Basta for me, 'yun yung definition ng relationship. Ble.
Ito namang si Lucas, naging kaibigan at kasama ko na rin siya simula nung naging sila ni Ara. Kahit na maloko at mga playboy ang uri niya, tiniis kong pakisamahan dahil jowa siya ng kaibigan ko.
Ewan ko ba, kumukulo talaga ang dugo ko sa mga tulad niya. Yung tipong mga papogi pero wala namang itsura, nakakairita. Kung makaasta akala mo mas pogi pa kay Daniel Padilla.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
General FictionAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.