"Akin na 'yung ID ko." Sabi ko sa kaniya, pero patuloy lang siya sa pagtugtog ng gitara niya.
Uwian na namin at nandito ako ngayon sa garden, kaharap ang hinayupak na kumuha ng ID ko.
Ilang beses ko na siyang kinukulit pero parang wala lang sa kaniya. Kung hindi ngingiti, e kikindatan lang niya ako. Baliw talaga amp.
Nagtitimpi nalang ako pero gusto ko na talagang bangasan 'to kanina pa. Pinipigilan ko na nga 'yung sarili ko na mang-away dahil last time, napa-office at napatawag sila mama sa school.
Inis na inis ako no'n dahil imbes na paniwalaan nila ako na binastos ako ng estudyanteng 'yon, mas nagalit lang sila sakin dahil nangangatwiran pa raw ako.
Malamang mangangatwiran ako, 'yun 'yung totoo e!
Minsan talaga kahit ikaw na 'yung tama, ayaw nilang tanggapin dahil ayaw nilang matalo sila. Kaya pinipilit nila kahit 'yun 'yung mali.
Hayuf.
"Bingi ka ba? Kailan ba 'yung huling linis mo ng tenga mo?" Tanong ko sa kaniya.
Wala pa rin siyang pake. Tumutugtog pa rin siya ng gitara niya. Paniguradong tinitignan at nagtataka na yung mga tao samin, dahil never pa'ng nangyari na nagusap kami nito.
"Sasagot ka ba o hahampasin ko 'yang gitara mo?"
"Teka lang! Mas mahal pa sa buhay mo 'to 'no!" Hahampasin ko na sana 'yung gitara niya no'ng bigla siyang sumagot.
Susmaryosep, 'yun lang naman pala kinakatakutan. Edi sana kanina ko pa pinagsisipa 'tong gitara niya.
Hindi naman na siguro sila magagalit nang gano'n ka-todo kung 'yung gitara niya 'yung to-torture-in ko 'no? Atleast nga hindi 'yung may ari 'yung binugbog ko.
Nilahad ko 'yung kamay ko sa kaniya, ibig sabihin no'n hinihingi ko na 'yung ID ko. Pero si mokong, makulit talaga. Kinuha niya 'yung kamay ko tapos nagkunwaring kinikilig.
"Are you asking me out? Enebe!" Maarte niyang sabi.
Padabog ko namang binato yung kamay niya. Tumama pa sa mukha niya kaya nasaktan niya 'yung sarili niya.
Buti nga.
"Akin na sabi 'yung-"
"Loui!" Biglang may sumigaw.
Sabay kaming napatingin kung sino 'yon, 'di ko kilala. Siguro ka-banda rin niya, may dalang drumsticks e.
"Kanina ka pa namin hinahanap. Biglang nagtawag ng practice 'tong si Jax e."
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
General FictionAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.