Andito ako ngayon sa cafeteria kasama si Ivan. Kakatapos lang naming mag-audition at di birong nakapasok kami. It was a fun experience. Pero sayang, wala si Felix. Kumusta na kaya siya? Dadalawin ko nalang siguro siya mamaya sa bahay nila. Baka ano nang nangyari sa lokong 'yon.
"Is something bothering you?" bukambibig ni Ivan na kakabalik lang galing sa counter habang dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain.
"Wala. Iniisip ko lang kung bakit tayo tinanggap sa audition kanina"
"Baka wala ng choice" he chuckled.
"Grabe naman"
Inilapag niya ang mga pagkain sa mesa at sunod na umupo.
"We actually did great sa audition kanina kaya tayo natanggap"
"We did? Pakiramdam ko nga parang hindi ko binigay best ko"
"Anong hindi? Ikaw nga unang tinawag kanina" pagpapa-alala niya. "And that interview earlier, you nailed it"
Tipid akong napangiti. "Bolero"
"I'm not. Ang galing mo kaya" he insisted.
Napatingin siya sa kanyang phone na nasa mesa dahil sa may mensahe ata itong natanggap. Tiningnan ko lang siya habang abot tenga na ang ngiti nito. His smile is almost perfect. Manipis din 'yung labi niya at mamula-mula.
"Ganda ng ngiti natin diyan ah" bukambibig ko at napatingin naman ito sa akin. "Girlfriend mo, noh?"
"Hindi" he immediately answered and put the phone back. "It's my friend. Naka-uwi na kasi siya galing Korea"
"Sus. Doon din naman papunta 'yon"
"You think so?"
"I don't know. Hindi ko pa nae-experience. Pero base sa mga napa-panood ko sa pelikula, mostly dun talaga nagsisimula"
"Pero sa tingin mo, posible nga ba?"
"Maybe. May relasyon din naman kasing nagsisimula sa mag-kaibigan hanggang sa nagka-developan"
"So, you're saying na posibleng magka-developan tayo?"
Nabigla ako sa kanyag sinabi. Hindi ko alam kung nagka-mali lang ba ako ng pandinig. He's staring at me na parang hinihila ako ng presensya niya. I don't know what's on his mind right now. Ayaw niya kasing humiwalay ng tingin sakin.
He suddenly laughed. "Biro lang. Natakot naman ako sa pagiging seryoso mo"
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lakas din ng amats nito eh. "Ang hilig mong mag-biro, ah. Para kang si Felix"
His brows frowned. "Felix?"
"Kaibigan ko. Nakatira din siya sa sub-division"
Pansin ko naman na tila biglang nagbago ang timpla ng mood niya. Napa-iwas ito ng tingin sa akin at mukhang may iniisip.
"Ayos ka lang?"
"Yeah, I'm fine. I think mauna na ako. May kailangan pa pala akong puntahan" sabi nito at tumayo.
"Hindi mo man lang ba uubusin pagkain mo?"
"Hindi na. Busog na ako. I need to go. See you" sagot niya at nauna ng umalis.
Napabuntong-hininga ako at nagtaka sa kanyang ikinilos. Is he really okay?
It's already 6:30 at kanina pa ako nandito sa labas ng university. Hindi ko alam kung paano ako uuwi ngayon. Hindi ko na din nakita si Ivan simula kanina nung nag-walk out siya sa cafeteria. Ano kaya nangyari dun? Napaupo nalang ako sa gilid at iniyuko ang aking ulo.
BINABASA MO ANG
FALLING
RomanceMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...