Simula

5 0 0
                                    

"Let's go, girls!" anyaya sa akin ni Agatha habang may hawak na vodka sa kanang kamay. Hinihila niya ako papunta sa dancefloor at sasayaw daw pero dahil hindi pa ako ganoon kalasing ay ilang beses rin akong tumanggi, siya lang itong pilit ng pilit.

"Come on, Jas! Let's dance!" pamimilit rin ni Maddi habang nagheheadbang, may tama na ata. Napailing ako at bumuntong hininga.

"Alam mo, Agatha, ayang si Maddi ang yayain mo dahil gusto niya na atang magtwerk dito." baling ko kay Agatha na naghihintay parin sakin habang tanaw ang dance floor.

Umirap si Agatha pero tumango rin naman saka hinila si Maddi at sumenyas na mauuna na sa dancefloor. Pinanood ko silang makapunta doon at magsasasayaw, natawa na lamang ako ng maya't maya lang ay may lumapit na sa dalawang lalaki.

Nasa Inferno kami ngayon, isang bar malapit sa building na pinagtatrabahuan ko. Its Friday today so we've decided to have some fun and chill. I'm wearing  a color brown bralette and partnered it with maong mini skirt and a black stilleto, I also put on some earrings and necklace and voila! Perfect!

"Hey." bumaling ako agad sa lalaking nakatayo sa gilid ko, may hawak na beer sa kamay. Maputi ang lalaki at mukhang mayaman because he's wearing a fucking balenciaga shirt. Nakangisi siya sakin ngayon at tinatanaw ako, habang iniiscan ko ang buong pagkatao niya.

"Yes?" I asked. "What do you need?"

"Are you a regular?" tanong niya at walang paalam na umupo sa upuan ni Maddi kanina. Tinaasan ko siya ng kilay, pero mukhang hindi niya iyon pinansin dahil kumportableng-kumportable siya sa pagupo ngayon.

"Yes." matipid na sagot ko.

"Oh, well, its my first time here. I got invited by my friend because its his birthday. Its nice here, though, I think i'll be a regular here too." aniya.

"Good for you." lumaklak ako sa aking black label na hawak, pinapahalatang wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. I didn't come here to listen to his shits.

"Are you with someone?" tanong niya, bumaling akong muli sakanya at tinignan ang bag ni Maddison at Agatha na nasa tabi niya lamang.

"Obviously?" sarcastic ang pagkakasabi ko non saka itinuro ang bag ng dalawa. Humalakhak naman siya. "Oh, sorry, my bad."

Umirap na lamang ako sa hangin saka nagfocus sa alak sa harap ko, hindi inintindi ang presensiya niya. I took out my phone and opened it. Bumungad agad ang mga messages nila Rish sa gc namin ng poquerz.

Alisson Jimenez: yung mga nagiinferno diyan nang di nagaaya, madapa sana mamaya sa cr!
Rishane Lopez: sa true lang! nagsosolo eh!
Kodi De Chavez: the who kaya ito? is this jas fucking mine?
Kenji Hernandez: ganyan kayo eh! kalimutan na ba!
Ayanna Marquez: gagita kayo kakainom lang natin nung isang araw gusto niyo nanamang magpakawasted! san ba yan?
Zamae Jeanne Corpuz: tara na, sama si yohan!
Maika Valenzuela: arat na! andyan din bebe ko eh!

Napangiti nalang ako sa mga pinagsasabi nila.
Nagtipa ako agad ng irereply.

Jasmine Soberano: dami niyong arte, sumunod nalang kayo! i'm with maddi and agatha.

Hindi ko na hinintay ang mga reply nila at tinago na ulit ang cellphone ko sa aking pouch at sumimsim muli sa black label na nasa harap ko.

"Boyfriend?" the guys asked, tinignan ko lang siya at hindi sinagot, tumaas naman ang kilay niya, mukhang naiirita.

"Husband?" tanong niyang muli. Bakit ba hindi pa ito umaalis? Hindi niya ba gets na ayaw kong lumandi ngayong araw?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wild and FreeWhere stories live. Discover now