1: The Break Up

4.1K 63 3
                                    

Halos mapasigaw na si Jasmine nung napunta na naman sa voicemail ang tawag niya kay Keslow, her boyfriend of two years. Huminga siya ng malalim at pinindot ulit ang speed dial para tawagan ulit siya. Kailangan niyang kausapin ang kasintahan niya dahil may importante siyang dapat sabihin sakanya. Kahit naiinis ay napangiti si Jasmine nung maalala ang sasabihin niya kay Kes: Papayag na siyang magpakasal sakanya. Halos tatlong buwan nadin kasing tinatanong ni Kes sakanya kung pwede na ba silang magpakasal pero laging 'hindi' ang sagot niya sa lalaki. Hindi pa kasi siya handa at hindi pa sigurado kay Keslow. Mahal niya ang lalaki pero natatakot siya na baka hindi ganon katatag ang nararamdaman niya para dito. Kaya lagi niya itong tinatanggihan para tignan kung susuko ba siya o hindi. At pasado naman siya dahil sa tatlong buwan na panunuyo niya kay Jasmine ay hindi ito nagsawa at patuloy padin na tinatanong ang apat na salitang kumukumpleto sa buhay ng isang babae.

Kung sagutin lang sana niya ang telepono niya ay baka masabi na ni Jasmine na pumapayag na siya. Pero, wala. Hindi naman sinasagot ang mga tawag niya kaya sa huli ay bumuntong-hininga nalang si Jas at binaba ang tawag. Napagdesisyunan niyang mas mabuting personal na sabihin na lamang niya ang sagot niya. At sa ideyang 'yun, napangiti si Jasmine at mabilis na tumayo pero nag-ring ang phone niya. Tinignan niya ang tawag at nakitang ang kaibigan niyang si Belle ang tumawatag. Kunot-noong sinagot niya 'yun.

"Hello, Belle?" bati niya at naupo ulit sa kama niya.

"Jasmine! Asan ka na ba? We're all waiting for you!" sabi ng kaibigan niya sa kabilang linya kaya napakunot-noo si Jasmine.

At nanlaki na lamang ang mga mata niya nung maalalang may usapan nga pala ang barkada na magkikita sila sa araw na 'yun. "Shoot! I forgot," sabi niya at tumayo at mabilis na pumunta sa closet niya. "Give me half an hour."

Napasimangot naman si Belle sa sinabi ng kaibigan. "Ikaw! Sabi nang makakalimutan mo eh," asik niya at napairap sa kawalan.

"Sorry, sorry," mabilis na tugon ni Jas habang naghuhubad. "Bibilisan ko. 'Ge, bye." Binato niya ang phone niya sa kung saan at nagsuot lang ng bestida na hanggang tuhod tapos ang flats niya. Hindi na siya nag-abala pa na mag-kolorate sa mukha dahil mga kaibigan lamang niya ang kikitain niya.

Nung matapos siya ay kinuha niya ang cell phone niya at ang kanyang pouch bag tapos mabilis na bumaba. Pagbaba niya ng hagdan ay ang papa niya ang bumungad sakanya.

"Jasmine!" gulat na bigkas ni Manuel nung makita niya ang nag-iisang anak niya na bihis na bihis. Kumunot ang noo niya. "May date ba kayo ni Kes?"

Umiling si Jasmine. "Wala po, pa. Pero may date kami ng barkada," sabi naman niya at humalik sa pisngi ng papa niya. "Pwede po bang hiramin ko si kuya Amiel? Late na ho ako eh."

Tumawa si Manuel. "Sabi na nga ba," komento nito at tumango. "Nasa labas siya, hija, at--"

"Thank you, pa! Love you!" sigaw ni Jasmine at mabilis na lumabas ng bahay. Nakita na lamang niyang natatawang napailing ang papa niya bago siya tuluyang makalabas. Agad niyang nilapitan ang driver nila at sinabing ihatid siya sa bahay nina Belle kung saan sila magkikita-kita.

Hindi nagtagal ay nasa daan na sila at hindi mapakaling hinanap ni Jasmine ang telepono niya. Nung mahanap niya yun ay napasimangot siya nung makitang wala pading tawag si Keslow o reply man lang. Pero pinagpaliban na lamang niya yun at tinext si Belle na malapit na siya. Natawa nalang siya nung si Ariel ang nagreply dahil daw naiinis si Belle sakanya. Hindi naman siya kinabahan dahil hindi naman siya matitiis ni Belle.

Bata pa lamang sila ay silang apat na ang magkakasama sa lahat ng bagay. Siguro dahil pare-pareho sila ng estado sa buhay o dahil sila-sila lang din ang nagkakaintindihan. Pero kung ano mang rason 'yun, ang punto lang ay magkakaibigan silang apat--siya, si Ariel, si Erella, at si Belle. Nakakatuwa nga dahil kapareha nila ang mga pangalan ng mga Disney Princesses pero malalayo naman ang ugali nila sa mga characters na 'yun--maliban na lamang kay Ariel na talagang napaka-inosente pero matigas ang ulo.

Princess Series Two: The Bitter BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon