"Kumusta ang pakiramdam mo, anak? May gusto ka bang kainin?" Tinig ng kaniyang ina ang sumalubong sa kaniya nang imulat ang mga mata.
"What happened, Mommy? At isa pa nasaan ba ako ngayon?" balik-anong niya.
Dahil talaga namang wala siyang kamalay-malay kung nasaan siya.
"Natagpuan ka ng mga tauhan ng daddy mo sa gilid ng kalsada at nakapabaliktad ang iyong sasakyan. Maaring ikalumpo mo kung natagalan pa ang nag-rescue sa iyo. But don't worry, Hija. You're out of danger already," sagot nito.
Sa narinig ay nanumbalik sa isipan niya ang biglaang pagkawala ng preno. Samantalang hindi niya ugaling gamitin ang sasakyan kapag hindi naka-kundisyon. Kaso sa kaniyang pananahimik ay nagwika naman ang ama.
"Natahimik ka na riyan, anak? May masakit ba? C'mon speak up and I'll call the doctor," anito.
Kaya naman ay hindi na siya nagdalawang-isip.
"May gumalaw sa sasakyan ko, Mommy, Daddy. Alam n'yo mamang hindi ko iyon ginagamit kapag hindi maayusan. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung sino ang may kagagawan nito," tugon niya.
Dahil na rin sa pagkaalala sa nangyari ay nakalimutan niyang naka-dextrose pala siya. Babangon nga sana siya kaso naging maagap ang ina dahil pinigilan siya.
"Huwag ka munang kumilos, anak. Aba'y baka bumukas ang tahi ng sugat mo." Pagpipigil nito na agad naman ding sinundan ng ama.
"You're out of danger already, Hija. But it's still dangerous for you to move around. Sa iyong likod ang may tama. Kayat kailangan mo pa rin ang mag-ingat," saad nito.
Kaso!
Sa pagtatapos ng kaniyang ama ay eksakto ring pumasok ang second cousin niyang si Doctor Benedict Reviera.
"Oy, maawa ka naman sa mga bantay mo, pinsan. Kung gusto mong maparusahan mo ang may kagagawan sa aksidenti ay magpagaling ka muna at huwag matigas ang ulo baka matuluyan kang maging kapre," anito.
Okay na nga sana kaso may idinagdag pa! Kaya naman kahit nasa pagamutan siya ay hindi niya naiwasang napasimangot.
"Oo na, Doctor Ben. Wala nga si Kuya ngunit ikaw naman ang manenermon. Siguraduhin ko lang na makalabas ako rito sa hindi nalalayong araw lalo at kailangan kong alaming ang lahat," pahayag niyang hindi na naitago ang pagsimangot.
"Very good, kapre. I'll go ahead for my daily routine now. Babalik ang nurse mamaya para sa gamot mo." Napangiti na rin ang binatang doktor.
Tumayo na rin siya saka bumaling sa tiyuhin at asawa nito o ang ina ng pinsang kapre!
"Kahit may edad na ang kapre natin, Tito. Kapag matigas ang ulo ay paluin sa puwet para magtanda at ako'y maground pa," aniya.
Aba'y bawi-bawi lamang din! Dahil ang kapre ay mas malakas pang mang-asar. Nagkataon lamang na ito ang pasyente!
HININTAY muna nilang nawala sa kanilang paningin ang doctor saka muling nagsalita ang padre de pamilya.
"Alam kong gusto mong mabigyang hustisiya ang nangyaring iyan sa iyo, anak. Ngunit upang magawa mo iyan ay magpagaling ka muna. Let's say, there is no concrete evidence for now. But we trust you that you will be able to find it. About your brother and cousins? Never mind them. Lambing lang nila iyon sa iyo. Kayo-kayo rin lang naman ang nagtutuksuhan."
Naging maagap din ang Ginoo. Wala ng ibang nakakaunawa sa damdamin ng anak kundi silang mag-asawa. Naranasan na rin naman nila ang pinagdadaanan nito.
"Wala namang kaso iyon sa akin, Daddy. Sanay na ako sa mga kulugo kong pinsan including my brother na nagpasimuno sa kapre." Ipinikit naman ng dalaga ang mga mata.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
General FictionDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions