Time Travel

69 0 0
                                    

Min Yoongi × BTS

(2013)

"HOY MGA BATA MAGSITAYO NA KAYO!" Bulyaw sa'min ni Jihyun-hyung.

"Hyung-nim, sa'n ba punta natin at parang madaling madali ka?" Pauna ni Jin hyung habang nagkukusot ng mata.

"Ewan ko nga kay Bang-PD e, basta sabi niya kailangan daw alas-sais ng umaga nasa bighit na tayo" ikinarga nya sa balikat nya si jungkook tulog mantika at pinalo-palo ang pwet nito para gumising.

"Suga-hyung, paabot naman nung eyeglasses ko, andyan yon sa may tabi mo alam ko e." Pakisuyo sa'kin ni Namjoon habang nakanguso sa direksyon  ko.

"Ba't ba ang aga natin ngayon? May sinabi ba sa'yo si Bang-pd?" Inabot ko sakanya ang salamin nya.

"Wala nga e, kagabi bago tayo matulog chineck ko naman yung schedule natin pero wala namang naka-schedule ngayon bukod sa practice." Sinimulan nya nang ituklip ang pinaghigaan nya, gano'n din ako.

"Joon-hyung, sa tingin mo ba may nagawa nanaman tayong mali kaya tayo pinapatawag ng ganito kaaga?" Singit ni Jimin habang nag-uunat-unat.

"Hindi ko rin alam, para kasi sa'kin, successful naman yung pagrealease na'tin ng 'No More Dream', maganda rin naman ang choreography."

Kaka-release lang namin n'ung nakaraang araw ng debut song namin na 'No More Dream'. Sa totoo lang, nag-expect ang kumpanya namin na magiging patok agad kami matapos mag-debut. Nakakatawa lang isipin na napakataas ng expectation nila sa'min ngayong hindi nga kami nila itinuturing ng maayos.

Kaming pito ay nagsisiksikan sa isang maliit na apartment. May maliit na lutuan, may foldable na mesa kung saan kami pwedeng kumain, may maliit na TV, at iisang electric fan. Wala rin kaming kama, naglalatag na lang kami ng comforter bago matulog. Para sa'min, ayos lang to dahil simula pa lang naman ng career namin.

Pero ang hindi namin tanggap ay ang pagmamaltrato sa'min ng mga staffs sa kumpanya namin. Tulad nalang kahapon, may showcase kami, habang minemake-up-an si Jimin ay napapa-pikit pikit dahoil sa sobrang antok dala ng pagod namin sa aming debut. Dahil don ay sinampal sya ng stylist at sinabihang "tamad".

Nung nakaraan naman ay sinigawan din ng isang stylist si Namjoon dahil nasira niya yung sun glass na dapat isusuot nya sa showcase.

Trainee palang kami, yan na ang natatamo na'min sa kumpanyang ito. Naaalala ko pa no'n hindi kami pwedeng kumain hanggat hindi namin napeperfect ang tatlong sayaw. Pinagbawalan din kumain si Jimin no'n dahil sa aming pito, sya ang may pinakamataas na timbang. Sampung araw syang hindi kumain no'n dahil kailangan nyang magpapayat. Ilang beses syang nawawalan ng malay sa sobrang gutom at pagod kaya naman ilang beses din umiiyak si Jungkook dahil sa awa sakanya.

"O sya magsipasok na kayo at makinig kayo kung anong sasabihin ni Bang pd-nim" binuksan ni hyung-nim ang pinto ng office ni bang pd para sa'min.

"ANONG NANGYARI? BAKIT WALANG IMPACT SA MGA AUDIENCE? BAKIT NAPAKALIIT NG SALES NATIN?" Di pa man kami tuluyang nakakapasok ay sinigawan na agad kami.

"NAG EXPECT PA MAN DIN AKO SAINYO! TAPOS ITO LANG PALA ANG MANGYAYARI? HINDI BA'T PARANG PINAG AKSAYAHAN KO LANG KAYO?!" Dagdag nya at wala ni isa man lang sa'min ang kumibo.

Si Jungkook ay sisinghot-singhot, halatang umiiyak sa takot. Hinawakan ko nalang ang kamay nya sa likuran naming dalawa.

"ANO? WALANG SASAGOT SAINYO?!" Hudyat na ito para sumagot si Namjoon

"Sir, hindi naman po kami agad papatok dahil rookie pa lang kami. Isa pa, ginawa naman po namin ang best namin. H'wag naman po sana nyo kaming pressure-in dahil lahat naman po ay sa ibaba nagsisimula." Taas noong sagot niya habang diretsong nakatingin sa aming boss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bangtan Imagines 방탄소년단Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon