Flashback part:1
DEIB POV
Nagising ako kinabukasan ng maramdaman ang init sa balat ko. Nagmulat ako at nakita ang sinag ng araw papunta sa hita ko bahagya akong bumangon upang mapagtantong wala pa rin akong suot. Agad akong napalingon sa likuran ko at napalunok ng makitang nakatitig na sa akin si taguro.
"Good morning," sabi ko.
"I Love you," hindi ko inaasahan ang sagot nya.
d^_^b
Napangiti ako. "I Love you." Lumapit ako at sumiksik sa dibdib nya. "Ligo na tayo, babe. Nagugutom ako."
"Ipinagluto na kita. Kumain ka muna."
Gulat akong napabangon. "Talaga?" Napangiti ako.
Bumangon sya. Pinanood ko siyang lumapit sa mesa at buhatin ang bed tray doon. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang apat na toasted bread, bacon, ham and egg, at coffee.
"You made these?" Hindi ko alam kung alin sa mga 'yon ang unang dadamputin. Awtomatikong naging paborito ko ang mga iyon.
Tumango sya. "For you," aniya saka muling nahiga. "Maaga akong bumangon dahil akala ko ay maaga kang magigising. Gusto mo bang initin ko?" Tanong nya, Nakapikit.
"Ako?"
"Sira."
"Hehe," hindi ko alam kung paanong isasatinig ang masarap na pakiramdam. Ipinagluto ako ni misis. Hehehe! "Thanks, babe." Mas natuwa pa ako nang sinadya niyang bumangon upang salubungin ang halik ko saka muling ibinagsak ang sarili sa kama upang tuluyan muling makatulog.
Tumitig ako kay Taguro habang kumakain hanggang sa maubos ko iyon. Bumangon ako upang magsipilyo ngunit agad din akong bumalik sa kama at tumabi sakaniya. Dahil nang sandaling iyon ay wala akong gusto kundi ang titigan sya. At namnamin ang masarap na pakiramdam na ganap na kaming mag-asawa. At hindi ako magsasawang gawin iyon kahit pa habang-buhay na kaming magkakasama.
Pagkatapos kong pagkatitigan ang kaniyang mukha, ay agad din akong bumangon para maligo. Pumasok ako sa bathroom at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako saka lumabas ng bathroom. Hinalikan ko muna ang pisngi ni Taguro na bahagyang natutulog. Saka Lumabas ng kwarto at nakita ko naman ang mga Moon at mga kaibigan ko na nagtatawanan at nagkukwentuhan. Nakisali naman ako at agad na naupo sa tabi ni Bj.
"Ang taray! Gising na pala ang Deib Lohr, pero wala ang maxpein. Napagod siguro kayo kagabi noh?" Pagbibiro pa ni bj, sinamaan ko naman sya ng tingin. "Ay! Ang aga aga ang init nang ulo. Hinay-hinay baka bigla kang bumuga ng apoy dyan." Pagbibiro nya na naman at nagtawanan naman silang lahat.
d>>__<<b
"Tch. Ang aga aga din ang ingay mo bakla, sinisira mo araw ko." Singhal ko sakanya.
"Lagot ka bakla! umalis kana at baka mabugahan ka talaga ng apoy sa mukha. Mukha kana ngang palaka, masusunog kapa." Singit ni Migz.
"Tse! Oh, e, anong konek?"
"Wala! Pina-alala ko lang talaga na mukha kang palaka, 'yong bullfrog. Hahahaha..." Ani ni Migz at lalo naman kaming natawa. Natahimik silang dalawa ng sawayin sila ni Chairman Enrile.
"Kailan nga po pala ang uwi namin sa Pilipinas?" Tanong ni parrot kay chairman moon. at nilingon naman ito nang lahat.
"Mamayang gabi."
BINABASA MO ANG
He's Into Her (Season 4 On-going)
Novela JuvenilThis is the on-going of TagSen. This is connected to LWL. itutuloy ko lang po ang kwento ni Deib Lohr Enrile-Moon at Maxpein Zin Enrile-Moon.