Chapter 9
"I'M NOT affraid to anything. Well... except for darks. Baka hindi lang naintindihan ni mirae ang ibig kong sabihin." Mahinanag usal ni freya sa sarili. Maghahating gabi na pero hindi parin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama. Iniisip niya ang mga sinabi sa kaniya ni mirae. Masyado na kasing nagugulo ang kaniyang isip sa mga sinabi nito.
O, baka naman tama siya? Hindi mo matanggap kaya iniiwasan mo. Anang boses sa kabilang bahagi ng isip niya.
Dumapa siya ng kama at muling nagpaikot ikot. Nang hindi talaga siya dalawin ng antok ay bumaba siya sa higaan at lumabas ng kwarto upang kumuha ng maiinom. Basta nalang niyang hinablot ang rum sa mini bar at deretsong tinungga.
Kasalanin lahat ni cliden ang mga nangyayari sa kaniya, kung hindi dahil dito ay hindi siya mamumrublema ng ganun. Samantalang ang herodes, baka nahihimbing na sa pagtulog.
Sinulyapan niya ang pader na pumapagitan sa unit niya at sa kabilang unit kung saan tumutuloy ang binata. Muli siyang tumungga sa alak habang duon lamang nakatutok ang pansin. At sa malikot na imahinasyon niya, She imagining him sleeping in a bed like a baby, kagaya nalang ng makita niya itong tulog nang looban niya ang bahay nito.
Bumabalik muli sa isipan niya ang mga eksena na iyon. At sa nakakatawang dahilan, may tila bumubulong sa kaniya na gusto niya muling makita ito sa ganung ayos. Ang malaanghel nitong mukha habang tulog.
"What?!" Namamanghang bulalas niya at sunod-sunod na umiling. Shit! there's something really wrong with her. Bakit bigla bigla nalang siyang nakakapagisip ng ganun?
Nilapag niya ang rum sa mesa, dahil pakiramdam niya ay tinatablan na yata siya niyon at hindi na nakakapag isip pa ng matino. Kailangan niya ng isang bagay na makapag papahimasmas sa kaniya dahil akala niya ay makakatulong ang alak.
Nagpasya siyang lumabas ng kaniyang unit at nagtungo sa rooftop ng building kung saan naroon ang pool area. Dahil gabi na, malaki ang tiwala niyang wala ng tao sa lugar, wala ng makakakita sa kaniya.
Nang marating niya ang taas, agad bumungad sa kaniya ang madilim na paligid. Nakapatay na kasi ang mga ilaw, pati na ang nasa ilalim ng pool. Ngunit hindi naman siya nakaramdam ng takot, dahil sa mangilan ngilang ilaw sa mga kalakip na gusali ay nagagawa niyon na mabigyan siya ng kahit konting liwanag. Hindi na rin siya nag-abala pang buksan ang ilaw duon.
Kaya naman walang ano anong hinubad niya ang manipis na pantulog maliban sa panloob, bago siya dahan dahang sumulong sa tubig. Tanging sa mababang parte lamang siya pumuwesto, Lalo na't hindi naman siya marunong lumangoy.
Ipinatong niya ang mga braso sa gilid ng pool at itinukod duon ang baba. Ilang sandali lang ay unti-unti ng gumiginhawa ang katawan niya dulot ng malamig na tubig. Mas narerelax ang isip niya kesa lunurin niya ang sarili sa alak.
BINABASA MO ANG
🔞 When The Curtain Falls [ON HOLD]
Fiction généraleFreya was satisfied with what she did achieve in her career, dahil alam niyang hindi biro ang lahat ng kaniyang pinagdaanan para makamit ang pagiging isang magaling na primera kontrabida. She would say, her life was almost perfect. Not until cliden...