(ch@pter_ten_)

11 0 0
                                    

Ch@PTer_ten_

 
                 _now pl@ying_

                        Eight

                    (⏪⏸️⏩)

bÿ : IU ft.Sugaof🅱TS

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kama matapos kong magbihis ng damit. Magmula nung biglang naglaho si Cairo ay hindi na ito bumalik at nagpakita pa saakin.

Nabobored nako...

Lalabas na sana ako sa aking silid upang kumuha ng makakain sa baba ng biglang lumitaw saaking harapan si Cairo.

"Labas tayo Rayne!"-kita ko ang galak at saya sa kanyang mukha base sakanyang ngiti.

Eto na nga eh oh? Papalabas na sana ako kaso bigla ka namang sumulpot=_=Ano bang meron? Ano bang meron sa labas? Bakit ganyan sya makangiti? Hindi ba nya alam na nakakalaglag panty yung ngiti nya? Jowk!🤣

Hindi pa man ako nakakasagot sakanya ay hinila na nya ako palabas ng aking silid.

"Teka nga!"-hinila ko ang braso kong hatak hatak nya. Grabe naman to makahatak=_=

"Ano bang meron sa labas? Bakit kaba nagmamadali?"-takang tanong ko.

Imbes na sagutin yoong tanong ko ay ngumisi lang sya saakin at hinawakan ulit ang aking braso. Nagpatianod nalang ako sakanya. Pagkalabas namin sa bahay ni Heros ay umuulan. Binitawan nya ang braso ko at nakangiting humarap saakin. Binigyan ko naman sya ng nagtatakang tingin.

"Alam mo bang bihira lang kung umulan dito sa mundo namin Rayne? Kaya nga ganito nalang ang saya at galak ko ng malamang umuulan sa labas! Magpaulan tayo Rayne!(≧∇≦)"-masayang aniya.

Kung natutuwa sya sa ulan pero ako hindi. Pero kung ito man ang ikakasaya nya ay pagbibigyan ko sya. Hindi ko palalampasin na mapalitan ng lungkot ang saya na nararamdaman nya dahil lamang sa hindi ko sya pinagbigyan. Dahil mabait ako ay pumayag ako sa gusto ni Cairo na magpaulan. At isa pa, ngayon ko lang nakita yung sobrang galak at gantong klaseng tuwa nya ng dahil lamang sa ulan.

Mas lalong lumakas ang ulan. Kaya naman tuwang tuwa si Cairo ng dahil doon. Nakapikit nyang dinaramdan ang ulan habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Habang ako naman ay abalang pinagmamasdan sya. Siguro hindi naman lahat ng mga itim na engkanto ay masama, may iba din sigurong mabubuti ang loob at puso. Katulad ni Cairo, hindi bumabagay sakanya ang salitang masama para sa natatangi nyang mabuting kaugalian.

Habang pinagmamasdan ko sya ay bigla nyang iminulat ang kanyang mga mata at tumingin saakin. Bigla namang lumundag ang aking puso ng dahil doon. Nakatitig lamang sya saakin hanggang unti unti na syang lumalapit saakin. Hindi ko alam kung anong meron dahil biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at kinakabahan din ako. Isang napaka tinding kaba.Habang papalapit sya saakin ay pabilis ng pabilis ang pagtibok nito. Naghuhurumentado. Nakatitig lamang kasi sa isa't isa hanggang sa tumigil sya saaking harapan isang hakbang ang distansya namin sa isa't isa. Hindi parin natitinag ang pagtitigan namin hanggang sa mapagawi ang tingin ko sa labi nyang binabasa ng mga patak ng ulan. Parang may kung ano saakin na gustong halikan iyon.

Unti unting lumalapit saakin ang mukha ni Cairo. Ng lumapat saakin ang kanyang basang labi ay napapikit ako. Ilang segundong nakatikom ang aking mga bibig hanggang sa hinalikan ko na nga sya pabalik. Mahina lamang at may pag iingat ang kanyang halik. Inilagay ko sakanyang batok ang aking mga kamay.

Maya maya ay pinaglayo namin ang aming mga labi. Naghahabol ng hininga. Pinagdikit ni Cairo ang aming noo. Isa lang ang napagtanto ko kung bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako sigurado kung ganun nga ang kahulugan kung bakit malakas ang pintig ng aking puso. Isa lamang ang nasa isip ko. Sa tingin ko ay mahal ko na yata ang lalaking ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind That MagicWhere stories live. Discover now