PANATAG 4 (My Day)

58 3 1
                                    

My Day •

Mayroon kang makikilala. Yung iisipin  ka, iingatan ka, at iibigin ka kahit sa simpleng paraan.💟

---

Kinabukasan ay late na kami nagising ni Emarie dahil wala naman kaming pasok. Nagising lamang kami dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip sa huling mensahe sa akin ni Yuan kagabi. Bakit ganun? Nagkita na ba kami dati pa? Or siya lang talaga ang may kakilala sa akin na hindi ko alam?

At dahil doon mas lalong sumakit ang ulo ko kakaisip sa kaniya. I mean sa sinabi niya. Haay.

Napabangon ako. Alas-nuebe na pala ngunit hindi mo mahahalatang tanghali na dahil sa makapal na ulap sa labas.

Nakabukas ang bintana sa aming silid na siyang dahilan upang bumungad agad ang malamig na simoy ng hangin.

Dumungaw ako sa bintana. Haayyy ang presko ng hangin. Kaysarap sa pakiramdam!

Naramdaman ko na dumungaw din si Emarie sa labas.

"May bagyo kaya?" tanong ni Emarie sa akin na nakatutok parin ang tingin sa labas.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Wala naman siguro. Palagay ko'y karaniwang ulan lang ito."

"Nakakainis lang kasi kapag may ulan o bagyo." Saad niya.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Eh kasi hindi tayo makalabas. Saka nakakabagot kapag umuulan."

Hindi ako agad nakapagsalita. May point naman siya. Pero para sa akin kasi ay biyaya ang ulan dahil galing ito sa itaas.

Tiningnan ko siya na ngayon ay nakahiga na ulit hawak ang kanyang cellphone.

"Kung walang ulan, hindi tutubo ang mga puno't halaman..." bwelta ko na siyang dahilan at napatigil siya saka tumingin sa akin.

Ngumiti ako't kinuha ang aking ponytail. Itinali ko ang mahaba kong buhok.

"Emz maaari naman tayong makalabas kahit na may ulan dahil may payong tayong dadalhin. Atsaka hindi naman tayo dapat mabagot dahil sa ulan eh kasi pwede nating ienjoy iyon kahit nasa loob lang tayo ng silid na ito, sa pamamagitan ng panonood natin sa ulan gaya ng ginagawa natin ngayon."

"At kagaya lamang nito" --Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang i-video ang pagbagsak ng ulan.

"Oh nakakatouch naman ate" pang-aasar niya sakin. Hahahaha loko talaga ito kahit kailan.

"Huwag kang mang-asar dyan. Makinig ka sa ate mo." saway ko sa kanya na medyo natatawa.

"Oo na po ate"

"Alam mo kasi Emarie katulad ng pagsubok dapat matuto tayong yakapin ang anumang malakas na ulan o bagyo na dumarating sa ating buhay dahil iyon yung magpapatatag sa atin. Biyaya ang ulan dahil galing ito sa langit. Anuman ang idulot nito sa atin, mabuti man o masama ay dapat parin tayong magpasalamat sa Nagbigay nito." Maluha-luha nang sambit ko. Eto na naman ako't di makapagpigil.

Ano ba yan? Aga-aga hugot. Pero honestly diko alam saan ako humuhugot ng ganito.

"Tama naman lahat ng sinabi mo ate eh. Hindi ko alam kung saan ka lagi humuhugot... Pero alam mo kapag nasimula ka ng magsalita, hindi ko mapigilan na hindi makinig dahil alam kong marami akong matututunan sa iyo." lintanya nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PanataG❤Where stories live. Discover now