UNO

10 0 0
                                    


"Transferee ang gaga mo.." pang aasar ni Adi.

"Kaloka ate girl ha, doon ka pa talaga pinapasok sa Millen University. Masyadong maintriga, masyadong hot, masyadong.." si Alex.

Sa sobrang kadaldalan niya naubusan na siya ng sasabihin. Sila lang naman ang mga bakla kong friends na nakilala at nakasama ko sa apartment. Sila Adi at Alex, magpinsan. 4 yrs din ang itinagal ko sa apartment na ito. Mula 1st year hanggang 4th year kase ako namalagi dito at ngayong college na ako iiwanan ko ito.

Kalahating oras bago ako matapos sa pag iimpake. Nagpaalam na ako sa dalwa kong kaibigan sa apartment bago nag ayos ng gamit sa bahay nila Lola. Nag iwan din ako ng stock ng pagkain para sa kanila mga pang dalwang buwan na yun siguro, tulong narin at pasasalamat.

"Nay, sa tinggin mo ano na mangyayare sa akin? .." ewan ko pero naitanong ko na lang bigla sa lola ko.

"Nako hija, wag mo na muna iyon pagkaisipin. Ang mahalaga ay napakarami mong nagawang mabuti dito sa ating bayan at alam kong ganun din ang mangyayari sayo kapag nakatungtong kana Sta. Isabel.."

Kakaiba talaga mag isip itong si nanay. Anong maraming naitulong.

Tumulong muna ako kay nanay sa paglalaba at pagluluto bago ko siya iwan. Isang beses sa buwan lang kase nagsisi uwi mga anak at apo niya.

Kapag bakasyon dito ako ang punta ko. Na iiwanan kase ako mag isa sa apartment dahil umuuwi ang sila Adi at Alex sa kanila.

"Nay, una na ako ha. Mag iingat ako at sana kayo din ha.." binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at mahigpit na yakap.

Inihatid niya muna ako sa sakayan para puntahan ang Tita ko sa palengke.

Gabi na ng makapunta kami sa pier. Sakto naman sa oras pero hindi talaga ako sanay na magbyahe ng gabi. Kasama ko ngayon si Tita Mila na tinagpo ko sa palengke. Dala niya ang isa kong bag. Kapatid siya ni Mom pero dahil wala ang magulang ko ngayon ay siya muna ang naghatid sa akin sa pier.

"Lagi na tayo nabyahe bebe ha. Siguro naman sanay kana.." sabi nito. Bebe ang tawag sa akin ng Tita Mila at masasabi ko na super close talaga kami. Minsan siya ang nakakasama namin sa apartment. Wala pa siya anak pero may boyfriend siya. Sa kabilang bayan pa sila nakatira pero naisip niya padin ako ihatid at samahan.

Kapag pumupunta siyang Manila ako lagi ang I sinasama niya, ako ang pabor ito niyang pamangkin kaya ganon na lang ang pag aalaga niya sa akin.

Nakadaong na ang barko na sasakyan ko. Pinigilan ko ang luha na papatak sa mata ko.

Sa totoo ayoko maiwan kahit ako naman yung aalis.

"Tita Mila, eto nga pala.." agad kong inilagay sa palad niya ang sobre. Alam kong di niya tatanggapin pero pinilit ko talaga na kunin niya.

Niyakap niya ako at kita sa mata niya ang lungkot. Mahigpit ko siyang niyakap pabalik.

"Tita Mila salamat po ha.." nag simula ng magsi likutan ang mga tao at nagpapaunahan sa pagsakay. Buti naibigay na agad ni Tita ang gamit ko. Nadala na ako sa tulakan ng tao.

Mula sa malayo todo kaway ako sa kanya upang magpaalam.

"Tita Mila ingat po.." sigaw ko.

Iba yung sakit kapag aalis ang isang tao pero mas iba yung sakit kapag iiwan mo na yung tao.

Nagising ako sa lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko.

12nn sa aking relo. Ang daming calls and messages sa phone ko.

Nuestra VidaWhere stories live. Discover now