"Calli! ang kape ko!"
Yaan ang aking laging naririnig mula sa aking pinakamamahal kong babae sa buong mundo,dalawang taon na kaming nagsasama sa iisang bubong, masaya ako doon at-
"Calli! yung kape ko! bilisan mo, punyeta!"
E-eto na mahal! sandali lang!Lagi niya akong inuutusan gumawa ng kape pero,
"Mahal, bakit lagi kana lang nagpapagawa ng kape pero hindi mo naman tinitikman kahit isang beses?"
Tinanong ko sa kanya yan ngunit hindi sya sumasagot,
hindi ko makuhang magalit sa kanya dahil mahal na mahal ko sya, hindi ko kakayanin kapag nawala sya sa buhay ko, kaya natulog nalang ako,nung aking pagkagising muli ay bakit kakaiba ang aking pakiramdam,
pagka mulat ng aking dalawang mata ay aking mga magulang ang una kong nakita,"Nay, Tay anong nangyari?" ang aking tanong, bakit pakiramdam ko noon ay may bumubulong?"
biglaan kong naalala ang aking mahal,
ako'y agad pumunta sa kanya ng hindi nagtatagal,
ngunit ang aking nakita ay ang aking pagiging hangal,hindi ko inaasahang ako din ang sasagot ng aking tanong,
"Mahal, bakit lagi kana lang nagpapagawa ng kape pero hindi mo naman tinitikman kahit isang beses?"
ay dahil matagal kana palang wala sa aking buhay,
at ako'y nabaliw dahil nawala kang tunay.