[ COACH ] Ken
[ SONG | ARTIST ] Underneath The Tree | Kelly Clarkson
[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,013 words“Tatlumpong minuto na lang bago sumapit ang alas dose...”
Iyon ang narinig ko mula sa host ng event kasabay ng pagtunog ng isang kantang pampasko. Naipikit ko ang aking mga mata, parang kailan lang at Pasko na naman. Randam ko ang lamig ng Disyembre sa aking balat. Muli kong idinilat ang aking mga mata at inilibot sa kabuuan ng parkeng iyon. Marami ng mga tao, karamihan sa kanila ay nagpagdesisyunan sigurong dito na magpasko. Muli kong sinipat ang aking relo, ilang minuto na lang at sasapit na ang hatinggabi, naiinip akong pinadyak-padyak ang aking paa at palinga-linga sa paligid. Wala pa rin talaga siya, may usapan kami pero mukhang hindi niya ako sisiputin.
Naalala ko noon, nang mga panahon na nalihis ako ng landas siya ang tumulong sa akin. Kinamumuhian ko siya nang una, pinapakialaman niya kasi ang aking buhay. Akala mo kung sino, ni hindi nga maayos ang sarili niyang buhay, buhay ko pa kaya?
"Alam mong mahal kita di ba?"
Ang minsan niyang sinabi sa akin. Nang mga oras na iyon ay wala akong makitang maganda sa kanya. Ang pananaw ko noon sa mundo ay napakadaya. Sino ba naman ang hindi, kapag pinigilan kang gawin ang gusto mo? Gusto kong maging malaya pero hindi ko magawa dahil gusto ng mga tao sa paligid ko na kontrolin ako, kasama na siya. Kaya lumayas ako at nagrebelde.
"Kailan ba kita iniwan?"
Mga salitang paulit-ulit na sinasabi niya noon. Tama nga siya, hindi niya naman ako iniwan dahil ako ang nang-iiwan. Sanay akong itaboy ang mga tao sa buhay ko. Sino ba naman kasi ako? Nabibilang lamang ako sa pitong bilyong tao sa mundo, walang espesyal sa akin pero nang mga panahong iyon hindi talaga siya sumuko sa akin. Ginawa niya ang lahat mapabalik lang ako sa dating ako. Teka, ano nga ba ako dati? Isang masayahing tao na puno ng pag-asa sa buhay at ngayon dahil sa kanya unti-unti kong binabalik ang dating ako. Mahirap magbago ulit lalo na't kinasanayan mo na ang dating pagbabagong pinili mo at isang araw magigising ka na lang ulit na may nagsasabing "Eve magbago ka!".
Oras, oras ang kailangan ko at binigyan niya ako ng oras, sapat na oras para ibalik ang dating ako at heto ang ginagawa ko ngayon.
Muli kong sinipat ang relo ko. Labinglimang minuto na lang bago ang Pasko pero wala pa rin siya. Kahit kailan hindi ko ugaling maghintay na lagpas sa limang minuto pero dahil pinagkatitiwalaan ko naman siya ginawa ko pa rin. Dumadami na rin ang mga tao, pero heto ako sa gitna ng parkeng iyon at hinihintay pa rin siya. Tiningnan ko ulit ang oras, sampung minuto na lamang, maghihintay pa rin ako.
"Tandaan mo mahal na mahal kita."
Iyon lang pinanghahawakan ko sa kanya hanggang ngayon. Limang minuto, limang minuto na lang ang natitira at nagsimula na akong malungkot. Nasaan na ba siya? Kanina na pa ako naghihintay? Mukhang siya na ang mang-iiwan at hindi ako. Luminga-linga ako sa paligid, hindi ko siya makita. Nararandaman ko na naman ang lungkot parang bumabalik ang lahat nang mga panahong nag-iisa lang ako.
"Handa na ba kayo? Ilang minuto na lang at iilawan natin ang Christmas tree!" Masayang pahayag ng host at umingay ang mga tao.
Wala na, hindi na ako aasa pang sisipot siya.
"10, 9, 8, 7, 6..." Pagbibilang nga mga tao.
Naluha naman ako. Ang tanga ko para magtiwala ulit sa kanya, ang tanga-tanga ko. Nandoon na ako eh, pinagkatiwalaan ko na siya ulit at unti-unti na akong masaya pero bumabalik na naman sa dati.
"5, 4, 3, 2, 1..."
Tumingala ako sa langit at kagat labing pinipigilan ang pag-iyak ko. Nakita ko ang mga nagkikislapang mga bituin at kasabay ng pagpikit ko ay may tumulong luha sa mga mata ko.
"Maligayang Pasko!"
Doon ako napadilat ng mga mata, madilim na ang paligid. Ang dating mundo ko, ang kadiliman. Natakot ako bigla, dati naman sanay ako sa dilim pero nang unti-unti ko ng nakikita ang liwanag ayaw ko ng bumalik doon. Ngayon nararandaman kong bumabalik na naman ako sa dating mundo ko, kailangan ko na bang bumalik? Gusto ko ng umalis na lugar na iyon kaya kahit maraming tao at madilim sinubukan kong maglakad. Wala akong makita ang dilim-dilim ng buong paligid pero naririnig ko ang ingay ng mga tao. Natisod pa ako ng ilang beses at nakabangga ng taong tila nakaupo sa upuan.
"Pa-pasensya na po." Hinging paumanhin ko.
"Ayos lang." Sa pagkasabi ng boses na iyo ay biglang lumiwanag ang buong paligid at nagpalakpakan ang mga tao.
Nagkikislapang mga parol ang tumambad sa akin, buong parke ang lumiwanag. Bawat puno ay may mga christmas lights na kumikislap-kislap pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang Christmas tree sa gitna ng parke. Napakaganda ng liwanag na bumalot sa Christmas tree at muli nakarandam ako ng kalungkutan, anong silbi kung wala siya? Wala namang kahulugan ang lahat kung hindi ko siya kasama.
"Bakit ka malungkot?"
Napalingon ako sa tinig na iyon at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Isang lalaking nakasakay sa wheelchair at may kasama siya. Siya ba ang nabangga ko kanina? Siya nga! Gusto kong magtatalon sa tuwa. Dumating siya! Dumating ang taong nagbigay muli liwanag sa buhay ko.
"Papa!" Niyakap ko siya. "Akala ko hindi mo na ako pupuntahan?"
Niyakap din niya ako. "Pwede ba iyon, anak? Alam mong mahal kita, mahal na mahal."
Tumulo ang luha ko sa mga mata hindi sa kalungkutan kundi sa sobrang sayang naramdaman ko. Napahagulgol ako sa kanya.
"Papa, bakit ka nakawheelchair?" sabi ko sa pagitan ng iyak.
"Wala ito anak, natisod lang.Maligayag Pasko, anak." Nakangiting sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Maligayang Pasko rin, Papa. Mahal na mahal po kita." Kumawala ako ng yakap sa kanya at nginitian siya.
Sabay naming tiningnan ang Christmas tree habang umiilaw-ilaw. Si Papa ang nagbigay liwanag ng buhay ko at walang pagod akong minahal bilang anak. Siya ang taong hindi ako iniwanan kahit tinataboy ko na. Siya ng taong walang sawang minahal ako. Kaya siya ang pinakamagandang regalo sa buhay ko, si Papa. Ngumiti ako, sa tingin ko babalik ako sa parkeng ito at sabay muli naming papanuorin ni Papa ang pag-ilaw ng Christmas tree katulad kung gaano niya muling inilawan ang buhay ko.