Maaga kaming nagising ni Yana dahil ito na ang araw na sinasabi niya pupunta kami sa E.K, napagkasunduan na rin namin na sa university na lang makikita at isang malaking van na lang ang gagamitin namin.
Mag-aalas siyete na ng umaga nang makumpleto kami sa university at agad naming inayos ang mga gamit namin, isa na ako sa unang sumakay ng van dahil gusto ko ay katabi ng bintana, sa bandang likod ako ng driver umupo dahil ayoko nang makigulo sa likod, nakita ko namang umupo si Wil sa likuran ko at si Mark naman ang nakatoka na magmaneho.
"Oh, guys pasok na lahat!" sigaw naman ni Harvie
"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Yana
Isa-isa na silang nagsipasukan sa van. I was expecting Yana to sit beside me pero may kinuha pa siya kaya nahuli siya pumasok na naging daan para mauna na makapili ng upuan si Ava. Ava just sat beside Wil na siya namang ikinatuwa nito. Nagpatay malisya na lang ako. Something feels irritating.
"Paupo ako dito ha." Gulat kong rinig sa sinabi ni Camille na siya namang sinundan ni Yana. I smiled at Camille and nodded.
"Guys, pagdating natin dun, hindi naman obligado na kung ano ang sasakyan ng isa, eh yun ang sasakyan ng lahat di ba?" tanong ni Dazzy
"Hindi ha, mas maganda kung sasakyan ng lahat yun," sabat naman ni Mark
"Ganito na lang, may oras na lahat tayo sasakay at may oras din na pwede tayong mag kanya-kanya," suhestiyon ni Harvie, "ano?"
"That's better," agad naman sinang-ayunan ni Dazzy.
Ilang oras na kami sa buong byahe at dahil sa Laguna kami pupunta, wala kaming choice kundi dumaan sa kahabaan ng traffic ng EDSA.
"Nakalimutan ko yung pillow neck ko," saad ni Camille na halatang antok na antok na sa tabi ko "guys, may extra pillow neck ba kayo, pwedeng pahiram?" Baling ni Camille sa likod.
"Wala na ata, mukhang tulog na tulog na iyon 'yung iba dito dahil sa antok sa biyahe, lahat gamit nila," sabi ni Yana.
"Ganun ba sige."
I glanced at the back just to confirm kung may extra pillow neck pa nga ba pero mukhang wala na nga. Di nagtagal ay napabaling ang tingin ko kay Ava na siya namang sinungitan ako at bumalik sa pagkaka hilig sa pink pillow neck na gamit nito.
"You can use my shoulder if you want to," ngiti kong alok kay Camille na siya namang ngumiti rin sa akin pabalik ng pagkatamis-tamis.
"Thank you, Vion," muling saad nito.
Bago pa lang ang pagkakahilig ni Camille sa balikat ko ay biglang nakaramdam kami ng pink na pillow neck na parang itinapon sa harapan namin ni Camille. We both looked confused.
"I'm not gonna use it anymore, you can use it," medyo mataray na sabi ni Ava.
Gulat kaming napatingin ni Camille kay Ava na sya namang naka-crossed arm na nakatingin sa amin pabalik.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
Fiksi UmumVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...