Chapter 3

217 1 0
                                    

Battle of the Bands

"Ryl, saan mo nakita yun?" I heard kuya pag pasok ko ng bahay. Nasa sala siya kaya lumapit ako.

"Kuya may problema ba?" Tinignan niya ako at nilagay ang daliri niya sa nguso niya. Okay shh daw.

"Talk to you tomorrow Ryl, pagusapan nating magpipinsan." Binaba na niya ang cellphone at tinignan ulit ako.

"Ano sabi ni Ryleigh?" Ano kayang meron.

"Naalala mo si Ken? yung manliligaw niya." Oh, ano meron dun?

"Yeah, why?"

"Nakita raw niya na may kahalikan sa bar, nahulog na ata loob ni Ryleigh dun eh manloloko pala." Another jerk. Let's see ano gagawin ng mga pinsan ko dun, nakakaexcite.

Sa ganda ni Ryleigh nakuha pang magloko, tanga naman. She have a long straight brown hair, maliit lang ang labi niya, may makapal na kilay pero may korte, mahaba pilik mata at maputi unlike me, mahaba rin naman ang buhok ko pero curly ang dulo nito, ang labi ko ay manipis ang taas at medyo makapal ang baba, ang kilay ko ay straight at hindi makapal.

"Di pa ba kayo sanay kuya? kahit kayo naman ay nangloloko." Nginisian ko siya para mainis at mukhang effective.

"Iba yung samin Ave, babae ang lumalapit samin. Ganun talaga pag pogi." nag pogi sign pa siya, yung pang jejemon. Di siya sanay sa mga ganto kaya natawa ako nung ginawa niya yun.

"Okay kunwari naniwala ako. Talk to you tomorrow kuya. Goodnight, loveyou." I kissed his cheeks as he kissed me too.

"Goodnight Avianna, i dont love you." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Umakyat na ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko.

'Kabute' I laughed as I put it as his nickname in my contacts. Para kasi siyang kabute kung makasulpot, I dont even know kung tama ba ang spelling ko.

To: Kabute
Hi there handsome.

Natawa ako sa sinend ko sakanya. Pagtripan ko lang, let's see kung playboy ba to. Mukhang hindi kasi suplado siya eh.

'Oh, Hello there gorgeous' he replied.

Ah so pag may nagtetext sakanya ganito nirereply niya? I dont know pero naiirita ko.

To: Kabute
Mind if we hang out sometimes?

Let's see, what now Nixon? tignan natin yang kalandian mo.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad agad ko itong tinignan.

From: Kabute
I'd like to Eiberdiem, but I'm worried kung papayag ka ba. ;)

Okay? how did he know its me and how the crap did he know my name? Avianna Eiberdiem ang pangalan ko, Ave for short. Tss, mukhang alam ko na kung pano niya nalaman. Haynako Sakel!

Calling Ugly Sakel....

Tagal naman sagutin tsk.

"Oh ano problema mo?"Naiirita niyang sabi. Problema nito bat ang sungit.

"Bat ka galit?" Tinawanan ko siya para mas mainis. I really love it when my cousins are annoyed.

"Kakatulog ko lang Ave, ginising mo ako agad. Now what do you want?"

"Did you tell Nixon my name? Sinabi mo rin ba na hiningi ko number niya?"

"Yes, what's the bigdeal? Ave talk to you tomorrow. I'm sorry antok na antok na talaga ako."

Binaba na niya ang tawag, naguilty naman ako dahil kawawa naman siya. Itext ko kaya si Brittany na gisingin ulit ang kuya niya? joke lang syempre kawawa naman.

Out Of ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon