Chapter 1: Too good to be true

50 4 11
                                    




"Happy birthday to you! Yehey!"




Napatakip ako ng tenga dahil sa ingay ng mga bata sa paligid ko. Taray, sila may birthday? Natawa na lang ako at pinagpag yung confetti sa damit ko.




"Thank you." Nginitian ko sila bago umihip sa kandilang nasa cake. I just turned 17 and I can already see myself getting thrown out of this orphanage. Charot.




Napatingin naman ako sa likod ko nang may kumalabit saakin. It was nanay Lilia, isa sa mga caretaker dito sa orphanage. She was holding a box that seemed to be a gift.




"Sia, anak, dalagang dalaga ka na. Parang kailan lang umiiyak ka noon kasi natataihan mo pa yung salawal mo." Aniya at nagpunas pa ng luha.




Napatakip ako ng mukha sa hiya lalo na ng nagsitawanan silang lahat. Hayst. Sa lahat ng pwedeng matandaan yun pa talaga. Ayos lang naman ako.




"Nay naman eh!" Reklamo ko.




Tinawanan niya lang ako bago niya inabot saakin yung hawak niya. Binuksan ko iyon at tumambad saakin ang isang kwintas. It was a blue swan necklace.




"Thank you po!" Ngumiti ako sakanya bago siya niyakap. She just patted me on the head.




I never expected na bibigyan nila ako ng alahas. It looked expensive.




Lumipat naman yung tingin ko sa mga batang nagkakatuwaan sa lamesa. They were already eating my cake, but it's fine. I'm quite envious of them because they get to be picked and adopted. Samantalang ako, heto. Seventeen na pero wala paring naga-adopt. Hayst.




"Psst! Ate Sia!"




Napatingin ako sa dulo ng damit ko ng maramdamang may humahatak doon. Ngumiti ako kay Tracy na may bahid pa ng chocolate ang mukha. She looked so adorable!




"Yes baby?" Binuhat ko siya at pinisil yung pisngi.




"Aalis ka na po ba?" Tanong niya at nagpout. Grrr nanggigigil talaga ako sa cute na batang to!




"Oo eh. Matanda na kasi si ate kaya she needs to go." I said sadly. "Pero dadalaw pa rin naman si ate dito kaya wag ka nang maging sad okay?"




Ngumuso siya pero tumango nalang din.




"Good girl." Ngumiti ako at binaba muna siya. Lumapit ako kay Nanay Rose nang makitang tinatawag niya ako. Isa rin siya sa mga caretaker dito at siya madalas ang kinakausap kapag may magaadopt. She was good in negotiating with people.




Yun nga lang, she had a bit of an attitude.




Nakataas kaagad ang kilay niya pagkarating ko sa harap niya. She also had her arms crossed.




"Have you packed your things?" Mataray na tanong niya.




"Naks naman may pa-English." Bulong ko.




"Are you saying something?" Bahagyang tumaas yung boses niya. Yikes.




"Wala po. Naayos ko na nga po yung gamit ko. Aalis na po ako mamaya." Sabi ko. I mentally praised myself kasi hindi ako nautal.




"That's good."




Pilit akong ngumiti bago tumalikod sakanya para umalis. Pero natigilan ako nang may maramdaman akong telang bumabalot sa leeg ko.




Ordaining Chaos: The CatalystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon