Marissa's P.O.V.
Nandito ako ngayon sa school at maya-maya lang ay magsisimula na ang pasok namin. Katapat ko si Sean na ngayon ay nag-aaral. Samantalang nakatingin naman ako sa kawalan.
Naalala ko lang si Jonas dahil nakita ko s'ya kahapon. Noong close pa kami at lagi kaming magkasama. Masasabi ko naman na nakaka-miss s'yang kasama. Pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay wala na. Sadyang naalala ko lang talaga s'ya. Simula noong huling pasukan ng grade 8, noon ko rin s'ya huling nakita. At simula noong umamin s'ya ng kasalanan n'ya, noon ko naman s'ya huling nakausap. Kahit sa social media ay hindi kami nag-usap. At medyo nagulat ako kahapon dahil bigla ko s'yang nakita.
Nakakapanghinayang rin naman ang sa aming dalawa. Sayang talaga dahil nahulog pa kami sa isa't isa. Pero kung hindi kami naghiwalay noon. Makikilala ko kaya si Sean? Mabibigyan ko kaya s'ya ng atensyon noong grade 9 pa kami?
Napatingin ako kay Sean na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin.
"Iniisip mo d'yan?" Tanong n'ya.
Umiling ako. "Wala."
Hindi na 'yun mahalaga.
"Jonas?" Tanong n'ya.
Napairap ako. "Wala nga."
Nakakainis talaga s'ya dahil kilala na n'ya ako.
"Miss mo?"
Tsk!
Inis kong hinablot ang libro n'ya at kaagad n'ya namang nakuha mula sa'kin.
"Bakit ka nagagalit? Kasi totoo?"
Napabuntong-hininga ako. Magsisinungaling pa ba ako? "Naalala ko lang naman. Oo nakaka-miss rin naman s'ya." Pag-amin ko kaya nanahimik na s'ya at muling nagbasa.
Nang malapit na ang time ay pumunta na kami sa room. Kalaunan ay nagsimula na rin ang klase namin. Nakinig kami ng maayos ni Sean. Ganito kami ni Sean tuwing may klase. Hindi kami nagdadaldalan at tahimik lang kaming nakikinig. Nag-uusap lang kami kung meron kaming tanong sa isa't isa. Mali pala, kung meron ako tanong sa kanya dahil mabilis lang naman s'yang matuto.
Pagkatapos ng klase namin sa dalawang subject ay lunch break na. Sa canteen lang kami ng school kumain dahil tinatamad akong lumabas. Pagkatapos kumain ay hinintay ulit ang next subject.
Pero may napapansin ako kay Sean ngayong araw. Ang tamihik n'ya at seryoso masyado. Aral na aral rin s'ya ngayong araw. Lahat ng atensyon n'ya nasa leksyon namin. Hindi kaya s'ya mababaliw n'yan?
Pauwi na kami ni Sean at nauna s'yang maglakad. Sinabayan ko s'ya at kumapit sa kanya.
"Tahimik mo ngayon." Sabi ko sa kanya.
"Syempre." Maikli at malabong sagot n'ya.
Napakunot ang noo ko. "Anong syempre?"
"Syempre kailangan kong mag-aral."
"Ng ganoon kaseryoso?" Sarkastikong tanong ko.
Halos hindi na nga s'ya umimik kanina. Tutok na tutok sa libro at notes n'ya.
"Oo naman." Aniya. "H'wag mo kasi akong itulad sa'yo."
Wow. Anong h'wag ko s'yang itulad sa sarili ko? H'wag ko s'yang itulad sa sarili ko na hindi nag-aaral.
Napairap ako sa sinabi n'ya. "Nag-aaral din naman ako pero nagsasalita pa rin ako."
"Kaya nga h'wag mo akong itulad sa'yo." Aniya. "Kasi kapag nag-aral ako minsan, ayaw kong dumaldal."
"Okay fine!" Sabi ko.
At mabuti na rin ngayon dahil nagsasalita na s'ya, hindi katulad kanina.
"Saan ka ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Papasok sa room kaya palabas ako ngayon sa gate."
Tsk. Pilosopo.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ko.
"Malamang, uwian na 'di ba?"
Nainis sa mga sagot n'ya kaya pinanliitan ko s'ya ng mata. Hindi mo na nga nakausap kanina, pilosopo pa sumagot ngayon.
"Ang ibig kong sabihin ay wala ka na bang ibang dadaanan?" Tanong ko pa.
"Bakit kaya ko bang mag-teleport para wala akong dadaanan?"
Inis ko s'yang binitawan at tinulak. "Bahala ka na nga sa buhay mo." Padabog akong naglakad. Parang sira ba naman kausap.
Narinig ko ang tawa n'ya mula sa likod pero hindi ko na s'ya pinansin. Bahala na s'ya d'yan, kausapin n'ya sarili n'ya.
Maya-maya ay naramdaman kong inakbayan n'ya ako. Inis kong inalis ang pagkakaakbay n'ya pero binalik n'ya ulit.
"Binibiro ka lang naman." Aniya at hinigpitan ang pagkakaakbay sa'kin.
Kinurot ko s'ya sa tagiliran n'ya kaya natawa s'ya. Dapat lang sa kanya ang kurot na 'yun.
"Nakakainis ka kasi." Pinagkrus ko ang mga braso ko.
"Tampo ka naman kaagad d'yan. Hindi bagay sa'yo."
Inis akong napairap. Kung hindi bagay, edi hindi. Basta nagtatampo pa rin ako.
"Hoy! Umayos ka na nga." Aniya.
"Maayos na maayos ako kanina. Ikaw lang naman ang sumira ng mood ko." Pagsusungit ko.
"Ang drama mo."
Lalo akong nainis. Bakit ba laging hindi gumagana pagdating sa kanya ang pag-i-inarte ko? Nakakainis tuloy s'ya.
Lumabas na kami sa campus at naglakad papunta sa train station. Sumakay na kami at bumaba sa binababaan namin na station. Nilakad namin ang daan papunta sa bahay habang nag-uusap. Hindi na s'ya nakaakbay sa'kin kasi magmumukha kaming sira kung pati sa tren ay magkaakbay pa kami. Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
"Lagi na lang kitang hinahatid nitong nakaraan. Pabor na pabor sa'yo lagi ang palalakad natin." Reklamo n'ya at napakamot sa batok n'ya.
"Syempre malakas ako sa'yo 'di ba?" Kinindatan ko s'ya.
"Hindi kaya."
Napairap ako. "Hindi kaya." Panggagaya ko sa kanya.
"Pumasok ka na nga bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo." Aniya at bahagya akong tinulak.
"Wow, ano ang tingin mo sa mga mata mo? Ulap kasi nandidilim?" Sarkastikong sabi ko.
Hindi ko alam kung joke ba 'yun o ano.
"Ha-ha-ha." Sarkastikong tawa n'ya. "Hindi nakakatawa."
Hindi daw nakakatawa pero ha-ha-ha. Sabagay, hindi naman talaga nakakatawa. Wala naman itong kwenta. Sino ba naman ako 'di ba? Alikabok lang naman ako dito sa munod.
"Hindi baleng hindi nakakatawa, basta cute ako." Tapos bigla akong nagpa-cute. Pinalabas ko rin ang dimples ko.
"Tama ka, cute ka nga." Sang-ayon n'ya.
Nagpa-cute pa ako lalo at pinasingkit ang mga mata ko.
"Alam mo ba na nakakagigil ang cute." Aniya.
"Oo naman." Nakangising sabi ko. "Alam na alam ko 'y-n."
"Ang dapat sa kanila ay pinanggigigilan." Humakbang s'ya papalapit sa'kin at gamit ang magkabilaang kamay n'ya ay pinisil n'ya ang magkabilaan kong pisngi ng mahina.
"Cute ko pa rin." Sabi ko.
Ngumisi s'ya at mas pinisil ang magkabilaan kong pisngi ng buong pwersa.
"A-aahhh!" Hiyaw ko at tinulak s'ya. "Ang sakit hayop ka!"
"Bye cute." Ngisi n'ya at dali-daling umalis.
"Baliw!" Sigaw ko habang hinagod-hagod ang magkabilaan kong pisngi. "Alam n'ya ba kung gaano 'yun kasakit?" Nakangusong sabi ko at pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020