Day 3 : Ocean Eyes

4 0 0
                                    

Alas tres pa lang ng madaling araw ay nakaharap na 'ko sa laptop at nagsusurf ng mga informations tungkol sa nangyari sa bayan namin kahapon. Sabi ng weather forecast, mahina raw ang tyansang tamaan ang bayan namin ng padaang bagyo. Ngunit nakakapagtaka dahil mukhang sa amin mismo ang puntirya ng bagyo.

May mga nakita din akong articles tungkol sa tinatawag nilang stop motion kung saan nangyari ang biglaang paghinto ng panahon o paggalaw ng mga bagay at tao ngunit 'di huminto ang oras.

Strange things are happening to me — no, hindi lang sa akin. Sa buong bansa.
Napabaling ang tingin ko sa bintana kung saan ko inihagis ang kwintas. Dumungaw ako rito ngunit laking gulat ko nang wala doon ang kwintas.

Dali-dali kong isinuot ang itim kong hoodie jacket at bumaba. Malamig pa rin ang simoy ng hangin na humahalik sa pisngi ko. May panaka-nakang ambon pa rin sa labas kaya naman tanging patak lang ng ulan ang maririnig sa tahimik na bukang liwayway.

Nagtungo ako sa tapat ng kwarto ko. Sa bintana kung saan ko itinapon ang kwintas. Agad kong pinulot iyon sa paso na pinagbagsakan nito. Natinik pa nga ako sa mga rosas dahil napapaligiran ito ng mga bulaklak na tanim ni mama.

Agad akong pumasok sa bahay nang makuha ko na ang kwintas. Itinago ko ito sa drawer ng lamesita sa gilid ng kama ko.

Wala na akong oras para isipin pa ang lahat nang gumugulo sa buhay ko ngayon. Ilang araw na ring pagod ang katawan ko dahil sa mga nangyayari sa'kin at sa paligid ko.

Minabuti ko na munang magpahinga at bumalik sa pagtulog nang maramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Binuksan ko rin ang maliit na speaker sa lamesitang nasa gilid ng kama at tsaka pumikit.

"You really know how to make me cry when you give me those ocean eyes."

Ocean eyes.

Napabalikwas ako ng bangon nang muli kong makita sa aking isipan ang lalaking may itim na pakpak. Ang lamig sa mata nito'y hindi nagbabago na siyang sanhi nang pagbigat ng damdamin ko sa tuwing gigising ako. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko.

Napalingon ako sa orasan na nasa lamesita.

8:00 AM.

Sigurado akong nakaalis na si mama dahil 7:00 AM ang pasok nya.

Bumaba na ako para mag agahan. Nakita ko rin ang note na iniwan ni mama na nakadikit sa pinto ng ref.

"Anak, na kila Aurora si Daisy. Ibinilin ko muna dahil ang himbing ng tulog mo kanina. May pagkain na dyan, iinit mo na lang. Maglinis ka ng bahay hanggat nasa kabila pa ang kapatid mo."

"Ps. Ako nang kukuha kay Daisy mamaya. Hapon pa 'ko makakauwi."

"Pps. Ilock mo ang pinto at gate kung aalis ka."

Napatanga na lang ako sa iniwang note ni mama. Ps? Pps? Napailing iling na lang ako. Matanda na si mama para sumabay pa sa mga kabataan pero ayos na rin.

Kumain na ako ng agahan at hinugasan lahat ng urungin na nasa lababo. Naglinis na rin ako ng bahay. Binunot ko rin ang sahig dahil medyo maalikabok na ito at hindi na makintab. Nagdilig din ako ng mga halaman sa labas. Ito na lang ang paraan para malibang ako at makalimutan lahat ng gumugulo sa isip ko. Wala rin naman akong mga kaibigan na pupuntahan o maaayang gumala.

Halos apat na oras din bago ako matapos sa lahat ng gawain ko. Naglaba din ako ng mga damit para hindi na magpa-laundry si mama sa bayan sa sabado dahil tiyak na malilimutan nya ang mga labahin.

"Mylabs!" Napatalon naman ako sa gulat nang biglang sumulpot sa kung saan si Buknoy.

"Ano nanaman ba?" Sagot ko.

"May pa-disco mamaya si Yorme. Sama ka? Sama ka na isasayaw kita." aya nya.

"Ako? Disco? Sayaw? 'de, ayoko. Ikaw na lang." tanggi ko naman habang hindi sya tinatapunan ng tingin at nakatuon sa TV.

"Sige na Mylabs! Uuwi rin tayo pagkatapos. Boring na non e, puro banda na ang tutugtog." agad naman akong napalingon sa kanya.

"May banda?" interesado kong tanong.

"Oo. Boring yon kaya uuwi na tayo pagkatapos ng sayawan." sagot naman niya habang nangungulangot pa.

Ngayon lang ako nakaexperience maaya ng lalaking sumayaw na nangungulangot sa harap ko pa mismo.

Pinabilog naman niya ang kulangot tsaka ipinitik sa labas. Hays.

"Sasama ako. Sige." hindi na mahalaga sa'kin ngayon kung sasayaw ako mamaya. Banda ang gusto kong mapanood eh.

"Talaga, Mylabs?!—"

"Pero," agad ko namang putol sa kaniya.

"Sasamahan mo 'kong manood ng gig ng mga banda." dagdag ko.

"O, sige ba. Payag ako dyan, Mylabs!" sabi pa nya na bakas ang excitement sa boses.

"Sige na, maliligo na 'ko." sabi pa nya habang nakindat pa sa'kin. Napaikot naman ako ng mga mata sa ginawa niya.

"Maaga pa ah. Amoy imburnal ka na mamaya pag punta natin don." sagot ko pa.

"May pupuntahan kami ni nanay sa bayan e."

Nag-thumbs up naman ako sa kanya. Kumaway-kaway naman sya habang nakatalikod na at naglalakad patawid sa bahay nila.

May itsura naman talaga si Buknoy. Hindi rin naman mabaho ang hininga niya. Habit na lang talaga namin siyang asarin ni Daisy. Maputi din ito, payat at matangkad. Lagi niyang suot ang iba't-ibang kulay ng jumper nya na pinaparesan niya lagi ng puting t-shirt. Alam ko rin namang pagkakaibigan lang ang gusto nya kaya lagi nya akong inaasar. Hays.

Apat na oras pa naman bago mag ala singko kaya naisipan kong maligo at magtungo sa burol. Malamig doon tuwing ganitong oras. Hindi na rin naman uulan mamaya ayon sa weather forecast ni Mang Nestor dahil lumihis na raw ito ng direksyon palabas ng bansa.

Isinuot ko ang itim kong sando at itim din na short short. Pinares ko rin dito ang gothic necklace ko na nakasabit at syempre, ang itim kong sandugo na tsinelas. Dinala ko rin ang cellphone ko at earphones na hinding hindi mahihiwalay sa'kin.

Inilock ko ang pinto at gate bago ako lumabas, dinaanan ko rin muna si Daisy kina Aling Aurora para kamustahin at bilinan na hwag magpapasaway.

Nang makarating ako sa burol, tanaw na tanaw ko ang malaking puno ng Narra na hilig kong sandalan. Nagtungo ako 'ron at lumanghap ng sariwang hangin. Malamig sa parteng ito ng bayan namin. Mataas kaya't malamang na presko ang hangin. Minabuti ko na munang umidlip dito habang nakikinig ng paborito kong kanta.

"Nobody's gonna love you if you can't explain a way to capture this.
Nobody's gonna hold your hand and guide you through it's up for you to understand.
Nobody's gonna feel your pain when all is done it's time for you to walk away."

Rogger Rabbit - Sleeping With Sirens.

60 Days Summer Of Rosa (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon